Valentina GULAT pa rin ako sa balitang natanggap na natagpuang patay si Kayden. Ang bilis ng mga pangyayari na hindi ito magawang maproseso ng utak ko. Bakit malakas ang kutob ko na may kinalaman si Vladimir dito? Siya lang ang nakikita kong may motibo. Nakain na kami ng dinner. Masayang nag-uusap ang mag-ama ko at ayokong ungkatin ang topic na ito tungkol kay Kayden sa harapan ng anak ko. Mamaya na lang siguro naming pag-uusapan ni Vladimir kapag tulog na si Aleksandr. Hindi ako apektado sa nangyari kay Kayden. The hell I care about him. Gusto ko lang malaman kung si Vladimir nga ang nasa likod ng lahat. “Sasha, do you want to meet your grandparents?” Napataas ako ng tingin kay Vladimir nang marinig ko ang tanong niya sa anak. Alam ko na wala na akong pamilya kaya nakakasigurado ako

