Valentina “AND the last person you should be asking for help to find your brother is me, Kamila.” Tiningnan niya ako at tila nawalan na ng lakas. Halata rin ang matinding pagkabawas ng timbang niya dahil siguro sa pag-iisip sa patong-patong na problema. “Ikaw lang ang makakatulong sa akin, Valentina. Wala na akong mahihingian na ibang tao. Walang gustong tulungan akong hanapin ang kapatid ko. Walang-wala na kami. Lubog na kami sa utang at and dad ko, inatake na naman nang malaman na nawawala si Kuya.” Muli siyang lumapit sa akin at lumuhod na naman sa harapan ko. Napairap ako sa hangin dahil sa ginawa niya. Nakaupo na ako sa couch sa lobby, nagsasayang ng oras sa kanya. “Please, tulungan mo ako.” “I am not a charity work, Kamila,” sabi ko sa kanya. “Matapos ang pagpapahiya na ginawa

