Valentina “YOU’RE driving today, Papa? Ihahatid mo ako sa school?” tanong ni Aleksandr nang makita niyang si Vladimir ang nakaupo sa driver’s seat. Nasa backseat ngayon si Aleksandr. Ihahatid na namin siya sa school niya at makikipag-usap na rin ulit sa principal at sa parents ng batang sinuntok ni Aleksandr. “Yes,” sabi ni Vladimir. Nakangiti siya nang tumingin kay Aleksandr. “Is that okay with you?” “Of course, Papa!” Hindi ko maiwasang mapatitig kay Vladimir. Kahit na nakangiti ito ngayon dahil kay Aleksandr ay ramdam ko ang galit na nananalaytay sa kanyang katawan. Nang malaman niya ang nangyari sa amin ni Aleksandr noong nakaraang araw at kung paano sigaw-sigawan ng mga magulang ng batang nakaaway ng anak, iba na ang timpla niya. Hindi man niya sabihin sa akin, alam ko na may g

