KABANATA 88: PARENTS

1874 Words

Valentina HINDI ako malapagay habang pinagmamasdan ko ang likod ni Seraphine Vasilieva. Naandito kami sa backyard nila at nang tumigil siya sa paglalakad, tumigil din ako. Nagbigay rin ako ng kaunting distansya sa aming dalawa. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay dahil nanlalamig ito at akala mo ay hindi ko na maramdaman sa sobrang kaba ko. “Valentina…” Napatayo ako nang tuwid nang tawagin niya ang pangalan ko. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Nagulat siya nang mapansin siguro na medyo malayo ako sa kanya. “Why are you so far? Come here.” Huminga ako nang malalim at lumapit sa kanya. Naupo siya sa isang sofa. Naupo rin ako sa tabi niya pero naglaan ulit ng distansya. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na lumapit sa kanya. May dumating din na maid at binigyan kami ng maiinom.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD