Valentina “BIRUIN mo ‘yon, magpapakasal ka na kay Vladimir. Anong klaseng pangkukulam ang ginawa mo?” Masama kong tiningnan si Dmitry. Naisip ko kasi na dalawin si Cecily, ang asawa niya. Hindi ko naman inaasahan na magkikita rin kami ni Dmitry. “Manahimik ka nga riyan! Akala mo naman walang halong kulam din ang ginawa mo para makuha mo si Cecily.” Tinaasan naman ako ngayon ng kilay ni Dmitry pero sa huli ay nginisian. Nakita ko ang pagtawa ni Cecily. “Congrats, Valentina. Buti at napadalaw ka rito.” “Thanks, Cecily. Gusto lang din kitang kumustahin.” Ngumiti si Cecily sa akin. “Maayos naman ako. Ikaw? Ang tagal ka naming hindi nakita.” “Maayos din naman ako. Maraming nangyari pero okay naman.” “Ako ba, hindi mo kukumustahin? Hindi ba at ako ang best friend mo?” Masama kong tinin

