Valentina “ARE YOU PREGNANT?” Para bang nanunuyo ang aking lalamunan habang nakatingin sa akin si Vladimir. Gusto kong sabihin sa kanya pero may pumipigil sa akin. Paano na ang surprise ko? “Mama, you’re pregnant?” tanong ni Aleksandr at tumabi sa kanyang ama. He mimicked the reaction of his father. Hindi maipagkakaila ang pagiging magkamukha nilang dalawa. Huminga ako nang malalim. Alam na naman nila, wala na ring silbi ang surprise ko kung sakali. “Yes,” sabi ko at ngumiti sa mag-ama ko. “Buntis ako, Vladimir.” Nanlaki lalo ang mga mata ni Vladimir. Kung may ilalaki pa ang mga mata niya, baka ito na ‘yon. “Balak ko sanang supresahin ka over dinner pero—” Hindi ko na nagawang tapusin ang aking sasabihin nang bigla akong yakapin ni Vladimir at itinaas sa ere. Bahagya akong napati

