Valentina ALAM ko na magtatanong sa akin si Aleksandr pag-uwi niya at nakita niya ang itsura ko. Kaya naman nag-isip na ako ng excuse. “Mama, anong nangyari po sa inyo?” Tumakbo siya papalapit sa akin nang mapansin niya ang sugat ko sa labi. Medyo paga pa rin ang pisngi ko pero hindi na kagaya kanina. Nalagayan ko na rin naman ng cold compress. “Okay lang ako, Aleksandr. Nahulog lang ako kanina sa hagdanan.” Masyadong matalino si Aleksandr para maniwala sa ganoon pero wala naman din akong maisip na ibang dahilan. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. “Masakit ba?” Marahang hinaplos ni Aleksandr ang pisngi ko. Ngumiti ako sa kanya. “I’m okay, baby. Okay na ako.” Hinaplos ko rin ang kanyang pisngi. Tumayo ako nang maayos at nagpasalamat kay Manang Mildred. Niyaya ko

