Vladimir “ARE you sure about it, Pakhan?” Tiningnan ko si Yulian. Sinabi ko kasi ang plano ko sa kanya at tinatanong niya kung sigurado ba ako roon. “Yes,” sabi ko sa kanya. Balak kong kunin ang kompanya nina Kayden. After all, hindi naman sila makaka-survive sa malaking loss na mangyayari kapag nag-pull out ako ng investment sa proyekto nila. Dahil kapag ginawa ko ‘yon, baka mag-pull out din ang iba. Alam ko na nakakuha sila ng maraming investors for that project because of me. Nagtiwala ang iba dahil nagawa kong magtiwala sa kanila. Kahit kayang-kaya kong durugin ang lahat ng pinaghirapan nina Kayden, hindi ko gagawin para kay Valentina. Sinabi niya na magre-resign siya pero hindi pa ako sigurado kung itutuloy niya. I know that Valentina loves her work. Kahit ako man ang mapangas

