Valentina NAKATINGIN ako sa singsing na ibinigay ni Kayden sa akin noon. Nakuha ko ito habang naglilinis ng mga gamit ko. Hindi ko pa pala naibabalik sa kanya. Ngayon na nagdesisyon na akong hindi ituloy ang kasal, hindi na rin magandang manatili pa ito sa akin. Ilang araw simula nang malaman ko kay Kamila na hindi naman nagpunta ang mga magulang niya sa kanila kagaya ng sinabi ni Kayden sa akin. Ilang araw simula nang mabugbog si Kayden. Isang araw lang siyang hindi pumasok sa opisina at kinabukasan ay nagpakita na rin. Ang daming nagtanong kung anong nangyari sa kanya at sinabi niya na prinotektahan niya raw ako kaya siya nabugbog. Hindi ako nagsalita no’n. Ang iba ay pinuri pa siya dahil sa ginawa niya. I feel strange looking at him. Para bang gusto ko siyang balatan ng buhay para

