Vladimir HINDI ako umalis sa labas ng condominium tower ng mag-ina ko. Nakasakay lang ako sa kotse ko at may hinihintay akong lumabas sa building. Habang naghihintay, tinawagan ko na rin si Yulian. “Pakhan,” pagbati nito sa akin. “May ipapahanap ako, Yulian. I want to meet them tonight. May aasikasuhin lang ako.” Sinabi ko kay Yulian ang detalye ng nangyari kanina kina Valentina at Aleksandr. Hindi ko hahayaan na mabuhay pa ang mga taong pinagtangkaan ang buhay ng mag-ina ko. “On it, Pakhan.” Ilang sandali pa bago ko nakita ang sasakyan niyang umalis sa building ng condo nina Valentina. Agad kong sinundan iyon. May sinabi sa akin si Aleksandr na hinding-hindi ko makakalimutan. “That was why you cried earlier?” tanong ko kay Aleksandr matapos niya akong kausapin. Tumango siya sa a

