Valentina KAHIT anong gawin kong pagpapatahan sa aking anak ay hindi siya tumitigil. Nang yakapin ko siya, mahigpit siyang kumapit sa akin at ayaw akong pakawalan. “Sashenka, tell me what’s wrong.” Nag-aalala na ako sa kanya. Walang tigil ang iyak niya. Hindi naman siya ganito. Hindi iyakin si Aleksandr. Kaya ang makita siyang umiiyak ay nagpapakaba sa akin. “Did someone hurt you? Tell me,” sabi ko. Umiling lang si Aleksandr. Hinagod ko ang kanyang likod. Umupo ako sa silya ko at iniupo ko siya sa aking kandungan. Lumapit sa akin ang isang katrabaho ko at binigyan ng tubig si Aleksandr. Tinanggap ko iyon at inalalayan ko si Aleksandr na uminom ng tubig. Naghintay ako na tumahan siya. Ilang sandali pa ang lumipas bago iyon mangyari. Maging ang ilang katrabaho ko ay kinabahan sa pag

