Chapter 6-8

2838 Words
Marrying an Arrogant Billionaire -CNLove❤ CHAPTER 6 Halos lumuwa ang mata ni Wendy ng makita nya ung mga pinamili ni Marco para sa akin. Kahit ako rin naman sobrang di pa rin makapaniwala. Para pa rin akong nanaginip ng gising. "Bakla nakakalerky ka ha.. ibang klaseng acting pala yan kompleto pa ang costume." Sabi ni Wendy "Kung babae lang din sana akong totoo kahit hindi lang pagpapanggap at totohanan na gora lang akes." Pahabol pa nya. "Kinakabahan ako sa pagpunta sa gala na yun bakla. Alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganun." "Anong oras ba yung Gala na yan ha? at ako na ang mag aayos sayo. Papabayaan ko ba naman ang bestfriend ko na mapag iiwanan ang beauty." "Salamat ha. Salamat din sa pagpapastay sa akin dito. Di ko pa kasi nasabi kina nanay tong trabaho ko ngayon." "Don't worry bakla ako na bahalang magpaliwanag kina mudra mo. Saka may tiwala naman sila dahil ako ang laging kasama mo. Mag beauty rest ka na para naman fresh ang beauty mo para sa Gala." **** 7pm na. Prepared na rin ako. Maagang umuwi si Wendy galing sa salon para paghandaan ang pag ayos sa akin. Mas excited pa sya kesa sa akin. "Ayaaaaaaan ! Ang bongga mo na girl! Sabi sayo eh maganda ka kulang ka lang sa ayos." "Bakla maraming thank you talaga sa support mo sa akin ha? Kung wala ka di ko alam kung pano ako ngayon." Naiiyak na sabi ko kay Wendy "Hep ! Hep ! Tama na ang drama. Masisira ang make up mo nyan. No need to thank me dahil kapatid na ang turing ko sayo. Di pa ba darating ang sundo mo? Wag mo namang sabihing magkocommute ka papunta dun girl. Mas nakakaloka yun. Hagardo versoza ang peg mo nun." "Hihintayin ko nalang si Mr. De Luna dito. Di ko rin naman alam kung saan ang venue nung Gala na sinasabi nya. Siguro maya maya nandito na rin yun." "Okay sige.. sabay tayong maghintay." Parang kinikilig na sabi ni Wendy. "Bakit parang kinikilig ka naman dyan?" Nakakunot ang noo kong tanong. "Syempre naman bakla paminsan-minsan lang ako makakita ng mayamang papables na pupunta pa ditey sa bahay ko para sunduin ka. Kakainggit ka girl." "At some point nakakainggit nga bakla kasi nakaka experience ako ng mga bagay na hindi ko afford na bilihin para sa sarili ko. Pero kung ang pagbabasehan ay yung ugali nung De Luna na yun???? Jusko mas gugustuhin ko pang magpedicure at manicure buong araw. " "Ang harsh mo naman Trixie... once in a blue moon lang mangyari yung poor girl with a handsome knight in shining armor." "Knight in Shining armor ? Hahhahahahaha nagpapatawa ka bes. Ni hindi nga gentleman yun------" Napatigil ako sa pagsalita nung may tumikhim sa pinto. "Ehem.. shall we go now?" Kahit di pa ako lumilingon kilala ko agad ang baritonong boses na nagbibigay lagi ng kaba at ilang sa akin sa tuwing naririnig ko. Parang ayaw ko pa ngang tignan sya, gusto ko ng kainin ng lupa sa hiya. Baka narinig nya yung mga usapan namin ni Wendy. "Bakla di ka pa ba tatayo dyan?" Sabi ni Wendy. Tumayo na ako baka naman sabihin pa-special ako eh. Lumakad na ako papunta sa pinto kung saan sya nakatayo. Habang papalapit ako sa kanya nakatingin lang sya sa akin ng diretso mas tamang term pa nga nakatitig lang sya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinook sa braso nya. Bumilis ang t***k ng puso ko. Amoy na amoy ko ang pabango nyang di ko maipagkakailang nakaka-adik at nakakadagdag ng appeal sa kanya. Simple lang ang suot nya, black tuxedo na may white longsleeves sa ilalim, walang necktie at tanggal ang ilang butones. Parang na-starstruck ako sa kanya. Rinig ko ang impit na tili ni bakla. Kilig na kilig sa eksena namin ngayon. "Enjoy kayo haaaaaa." Sigaw ni bakla. Kinindatan lang sya ni Marco. W-wait kinindatan nya si Wendy?? May tinatago naman pala tong kaharutan eh. Si Wendy naman ayun, halos magdeliryo na sa sobrang kilig. Inalalayan ako ni Marco at unang pinasakay sa kotse nya. Ibang kotse naman ngayon ang gamit nya. "S-salamat." Nahihiyang sabi ko. Di naman sya umimik. As always. Habang nasa biyahe kami sa labas lang ang tingin ko. Nakakabingi ang katahimikan na namamagitan sa amin. Parang inaantok na nga ako eh. Mapapanis talaga ang laway ko kapag sya ang laging kasama ko. "You look stunning." Biglang sabi nya. Biglang nag init ang mukha ko, feeling ko ampula ko na. Tama ba yung narinig ko? Pinuri nya ako? Lalo tuloy akong nailang sa kanya. Di ako sanay na purihin ako. "Thank you. Magaling lang kasi mag ayos yung bestfriend ko saka maganda din yung binili mong damit para sa akin." "No, it's not the make up and dress that makes you stunning tonight. It's you that is really beautiful." "S-salamat. Nakakailang naman yang mga papuri mo sa akin." Di ko alam kung ano ba dapat ang response ko sa kanya. "Don't be. You deserve it." Napangiti na lang ako nung sinabi nyang deserve ko yung mga papuri nya. Parang ang sarap sa pakiramdam na sa kagaya nyang mayaman at perfect ang itsura ang naka-appreciate ng itsura ko. CHAPTER 7 Nakarating na kami ni Marco sa Venue ng Gala nila. Di ko mapigilang matulala sa mga taong nagdadatingan. Mga business tycoons na sa lakad at porma pa lang nagsusumigaw na ang yaman at kapangyarihan. Ang mga partner na kasama nila ay nag-gagandahan din. Halatang galing din sa mayamang pamilya. Abot-abot ang kaba ko sa mga nakikita ko ngayon. Gets ko na kung bakit ang arte ni sungit sa isusuot ko. Ganito pala magparty ang mayayaman. Di naman ata sila pumupunta sa party para magsaya, nagpapasiklaban lang ata sila ng yaman. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko n At biglang hinawakan ni Marco ang kamay ko. Mainit ang mga palad nya na nagpakalma sa akin ng kaunti. "Just relax. Di naman kita papabayaan." Paninigurado nya. Magkahawak kamay kaming pumasok sa venue. Halos lahat ng tao sa amin nakatingin na parang nakakita ng artista. Yung ibang mga babae ay nagtaas agad ang kilay nung makita ako kasama si Marco at kahawak kamay pa. Yung mga lalaki naman nakatitig lang sa akin na parang sinisiyasat ang buong pagkatao ko. May mga lumalapit kay Marco na mga negosyante rin at nakikipag usap sa kanya tungkol sa mga bagay na di ako makarelate. Naiwan lang ako sa isang table at pinapanood lang ang mga taong nag uusap tungkol sa yaman at negosyo nila. Bigla akong naawa sa sarili ko. Napaisip ako kung ano ba itong pinasok ko. Di pala madali maging girlfriend ng isang mayaman lalo na kung wala kang maipagmamalaki. Party ang pinuntahan namin pero emote lang ang ginagawa ko. "Hey, are you alone?" Naputol ang pag eemote ko ng may isang singkit na maputing lalaki ang lumapit sa akin. "Can I join you?" Tanong ulit nya. "Sure." Tipid na sagot ko. "Sinong kasama mo?" Tanong nya. Medyo natigilan ako sa tanong nya. Parang mahirap na sabihing si Marco De Luna ang boyfriend ko at nagsama sa akin dito. "Are you alone? Tara tayo nalang mag enjoy. My name is Sky Del Castillo." Inilahad nya ang kamay nya. Tinanggap ko naman ang pakikipagkamay nya. "Trixie ang pangalan ko." "Ang boring ng party nuh?" Sabi nya Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Mukhang yamanin din ito at sanay sa ganitong event pero sya pa mismo ang nagsabing boring ang party nila. Dapat nga ako ang magreklamo kasi di naman ako makarelate. "M-medyo." Nahihiyang sagot ko. "Hahaha medyo? Wag ka ng magkunwari kita naman sayo na bored ka din kagaya ko. Boring naman talaga ang mga party ng mga negosyante puro negosyo lang at connection ang pinag uusapan. Tapos di pa masarap ang pagkain." Nakatitig lang ako sa kanya. Para syang bata na nagrereklamo dahil dinala sya sa lugar na ayaw nya. Tuloy tuloy lang ang kwento nya kahit na hindi naman ako nagtatanong, hanggang sa nawala na din ang pagkailang ko sa kanya. Thankful ako kasi may nakakaramdam pala ng pakiramdam ko ngayon. Nagtatawanan kami tungkol sa mga rants nya sa buhay mayaman nila. Parang nawawala ang mata nya kapag tumatawa sya. Ang kinis ng mukha nya, ampupula pa ng labi nya at bagay na bagay sa kanya ang matangos nyang ilong. Maya-maya ay natanaw ko si Marco na papalapit sa amin at nanlilisik ang mata. Ano na naman kaya ang ikinakagalit nya. "C'mon, let's go there. Gusto ka nilang makilala." Sabi agad nya paglapit sa akin at hinila na ako palayo kay Sky. Di na ako nakapagpaalam ng maayos kay Sky dahil hila hila ni Marco ang kamay ko. Kaharap namin ngayon ang mga kasama siguro nya sa negosyo at mukhang may mga edad na din. "May I know who is this beautiful young lady with you De Luna?" "This is Trixie. My girlfriend." Sagot nya sa matanda Bumaling naman sya sa akin at sinabing "this is Mr. Riego, one of the investors in our company." "Good evening Sir. Nice to meet you po." Pagbati ko kay Mr. Riego. "Magalang na bata ah? Nice catch Mr. De Luna. Kelan nyo naman balak magpakasal?" Nasamid ako sa sarili kong laway sa tanung ni Mr. Riego. Kung alam lang sana nilang acting lang lahat ng ito at si Chanelle naman talaga ang dapat nya pakasalan, ang gusto nyang pakasalan. "Darating din yun, Mr. Riego." Casual na sagot ni Marco. "Hello Mr. Riego. How are you?" Bati ng isang matangkad at seksing babae na lumapit sa amin. Parang pamilyar ang mukha nya sa akin. "Hello Chanelle. It's been a long time since I saw you." Natigilan ako sa pangalan na binanggit ni Mr. Riego. Kaya pala parang pamilyar ang itsura nya. Sya yung babae dun sa hallway kung saan nagsimula ang lahat ng pagpapanggap na ito. "Yes Mr. Riego, we can catch up some other time. I missed you po." Sabi ni Chanelle Napaka elegante ng kilos at pananalita ni Chanelle at kita sa kanya ang marangyang pamumuhay na nababagay sa pamumuhay ni Marco. Mukha naman syang mabait. Di ko napigilang mapatingin kay Marco at tignan ang reaksyon nya dahil nasa harapan namin ngayon ang babaeng gusto nyang maibalik sa kanya. At---- Wala lang? As in wala syang pakialam? Akala ko ba pagseselosin nya? "Marco, baka naman gusto mong ipakilala sa akin yang kasama mo?" Panunudyo ni Chanelle. "Oh this is Trixie, my girlfriend." Sabay akbay sa akin. Di ko alam kung weird lang ako pero kinilig ako sa pagpapakilala nya sa akin kahit alam kong acting lang ito. "Hi Trixie. Nice to finally meet you." Nakangiting bati sa akin ni Chanelle and nakipagbeso-beso sa akin. Nice to finally meet you? Bakit kilala na ba nya ako? "Enjoy your years, young man and woman." Sabat ni Mr. Riego at nagpaalam na. "Marco, pwede ba kaming magkaron ng girl talk ng girlfriend mo? Masyado mo naman syang binabakuran. Baka naiinip na sya." Alok ni Chanelle. "Sure." Tipid na sagot ni Marco at nakipag usap naman sa ibang mga kakilala nya. Kami nalang ni Chanelle ang naiwan. Aminado akong naiilang ako sa kanya. Walang wala ako sa kalingkingan ng ganda nya. Kahit sinong lalaki naman talagang maaakit sa kanya. Napakaswerte ng fiance nya, pero kawawa naman si Marco na umaasa pa rin sakanya. "Matagal na kayo ni Marco?" Pagsisimula nya. Hindi ako nakasagot agad, kasi hindi ko naman alam ang isasagot ko. Nagsimula na syang magkuwento. "Alam mo ba si Marco laging may session sa psychologist nya para sa mental health nya. Don't get me wrong, hindi sya baliw or what. May traumatic experience sya nung 12 years old palang sya kaya naging ganyan sya. Pagpasensyahan mo nalang yung mood swings nya. He's trying to be okay. Kahit 18 years na ang nakalipas believe me he's trying." Napaawang ang bibig ko sa nalaman ko. Kaya pala ganun ang ugali ni Marco. May pinagdadaanan pala sya. Nakonsensya ako bigla sa mga harsh na pag uugali ko kahit wala naman akong alam tungkol sa kanya. "Ano bang nangyari kay Marco?" "I think sya dapat ang magsabi nun sayo when he is ready. Anyway girlfriend ka naman na nya. Soon you will understand everything." Bakit parang may gusto syang sabihin sa akin pero ayaw nya akong diretsuhin. "Baka hindi nya rin sabihin yun sa akin. Masyado na kasing confidential yung ganung usapin." Sagot ko kay Chanelle. "He will tell you everything when the time is right. Just bear with him, please Trixie. Kahit na anong mangyari wag mo sana syang iiwan." Gusto ko sanang sabihin na hindi ko maipapangako yung gusto nya kasi sya dapat ang gagawa nun. "Trixie, I'll be going. Someone's overprotective out there. Di makafocus sa kausap at nakatingin lagi dito sa tin. See you next time." Napatingin ako sa gawi nila Marco. May kausap sya pero sa amin sya nakatingin. Masyado ata syang starstrucked kay Chanelle. Naiwan na ako ulit ng mag isa dito. Pinuntahan na ni Chanelle yung ibang kakilala nya. No choice naman ako kundi magstay dahil walang kakilala. Kahit gustuhin ko mang umuwi na wala akong sasakyan. CHAPTER 8 Nag cellphone lang ako habang hinihintay si Marco na matapos makipag-usap sa mga kakilala nya. "Feel sleepy?" Tanong ni Marco. Masyado ata akong busy sa cellphone o inaantok na talaga kaya di ko namalayan ang paglapit nya sa akin. "Oo." Tipid na sagot ko. Ambigat na talaga ng mata ko eh. "Let's go." Inakay nya ako palabas ng venue Nang makasakay na kami sa kotse nya, wala na akong maalala na kahit na ano. ******* Nagising ako sa isang malawak at magandang kwarto. Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi. O-M-G nasaan ako?? Sobra na ba ang pagod ko at antok kaya di ko namalayan kung saan ako inihatid ni Marco? Inilibot ko ang tingin ko, at tinignan ko rin ang katawan ko. Suot ko pa rin yung gown na suot ko sa party kagabi. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko e naisuko ko na ang bataan dahil sa katangahan ko. Pero wala naman sigurong magtatangkang gahasain ako. Mafeeling lang ako. Gusto ko na sana magpalit ng mas komportableng damit kaso san naman ako kukuha. Biglang bumukas ang pinto ang iniluwa ang isang gwapong nilalang. Si Marco. "You're awake. Tara na sa baba para makapag almusal ka." "Ah eh, pwede bang magpalit muna ako?" "Ah about that---" May kinuha sya sa cabinet nya at inabot sa akin ang T-shirt at boxer nya. Ayaw ko sana kaso walang choice, alangan namang maggown ako habang kumakain ng almusal. Royal highness naman ang peg ko nun. Tinanggap ko at nagpalit ako sa CR. Paglabas ko andun pa rin si Marco, nakaupo sa kama. "Bakit andito ka pa ?" Tanong ko sa kanya. "Dahil kwarto ko ito. Bawal na ba akong mag-stay sa kwarto ko?" Ay oo nga pala. Ambobits ko naman. Nakitulog na nga lang ako maattitude pa ako. "P-pasensya na. Akala ko kasi may sasabihin ka." Nahihiyang sabi ko. "Let's go downstairs. Breakfast is ready." Sumunod lang ako sa kanya. Nakahain na nga ang almusal. Napakadami naman e dadalawa lang kaming kakain. May hotdog, bacon, tinapay at sinangag. "Iha, magandang umaga. Kain ka na." "Magandang umaga din po. Kain na din po kayo. Sabay na po tayo." Alok ko sa katulong nila. "Kumain na kami iha. Kayo na lang ni Sir ang magsabay." Umupo na ako at nagsimulang magsandok. Sinangag agad ang pinuntirya ko saka hotdog. Nagtimpla na din akong kape. Bigla akong nakaramdam ng sobrang gutom. "You look so hungry." Sabi ni Marco pagtapos humigop ng kape nya. "Pano ba naman kasi kakarampot lang ang pagkain sa party kagabi. Ganun ba kayong mayayaman ? Nabubusog kayo sa ganon lang? Parang design lang sa pinggan yung pagkain." Diretsong sabi ko kanya. Di na ako nahiyang sabihin sa kanya yung totoo. Buti nga hindi ako hinimatay sa gutom dun. Nakita ko syang ngumiti ng pigil. Infairness pangalawang beses ko na syang nakitang ngumiti ah. After mag almusal, kinausap ko si Marco. "Mr. De Luna, gusto ko na sanang umuwi. Pwede na ba , baka nag aalala na sila sa akin?" "Oo naman. I'll call you kapag may ipapagawa ako sayo." "Kaso wala po akong pamalit. Parang nakakahiya naman pong umuwi akong damit nyo ang suot ko." "Manang, pakitawag si Kuya Hernan." "Sige po Sir." Maya maya lumapit na yung driver ata nila. "Pinatawag nyo daw po ako Sir." "Magpasama ka kay Laida, pakibilhan ng damit si Trixie." Pipigilan ko sana si Marco kaso nakaalis na yung mga tauhan nya. Bibilhan na naman ako ng bagong damit. Nakakahiya na. "Di mo naman ako kailangang bilhan ulit ng damit." Sabi ko kay Marco. "Akala ko ba gusto mo ng damit?" "Oo, pero kahit hihiram nalang ako sa mga katulong mo. Ibabalik ko naman eh." "No. Nakaalis na sila kuya Hernan. Hintayin mo nalang ang damit mo. I'll go upstairs to change, ako ang maghahatid sayo." "H-hindi na kailangan. Magkocommute nalang ako." "Ako ang sumundo sayo dun kaya ako din dapat ang maghahatid sayo." May otoridad nyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD