bc

Marrying an Arrogant Billionaire(Billionaire's Love Series 1

book_age12+
4.2K
FOLLOW
35.6K
READ
billionaire
contract marriage
arrogant
K-pop
drama
twisted
bxg
like
intro-logo
Blurb

Namumuhay sa di matapos na trauma ng nakaraan ang nagmamay-ari ng De Luna Empire Corporation na si Marco De Luna. Ang kanyang kalagayan ay lingid sa kaalaman ng lahat para maingatan ang imahe ng kanyang kompanya. Sa loob ng 18 taong pagdurusa sa bangungot ng nakaraan ay lihim niyang minamahal ang kanyang kababata na walang maalala sa nangyari sa kanila noong sila ay mga bata pa.

Dahil sa hindi inaasahang pagkakadaupang-palad nila ni Trixie sa loob ng kanyang kompanya ay nabigyan siya ng pagkakataon para mapalapit sa dalaga at maipagtapat ang kanyang pag-ibig na matagal ng nakalihim.

chap-preview
Free preview
Chapter 1-5
Marrying an Arrogant Billionaire -CNLove❤ Prologue "You are going to marry me, and after this mess I will file divorce. As simple as that Trixie Claire Mercado." Napatulala naman ako sa offer ng gwapong mokong na ito. Di ko naman siniksik ang sarili ko sa kanya, napasubo na nga ako sa pagpapanggap na girlfriend nya tapos ito naman ngayon ? "Hoy Mister mayamang arogante! Ano bang akala mo sa kasal parang kotse na pag kailangan mo madali mo lang makukuha tapos pag ayaw mo na echapwera na agad? Akala ko ba pagseselosin lang natin yung ex mo tapos pag epektib titigil na tayo? Bakit may kasalan pang magaganap?" "Just do what I say, I will double the amount." Pagalit na sagot nya. Kailangan ko ang pera nya, at kailangan nya naman ako para magpanggap para sa kanya, para mabalik sa kanya ang babaeng kinakabaliwan nya. *** "I pronounce you as husband and wife. Congratulations Mr. and Mrs. De Luna." Sabi nung judge na nagkasal sa amin. Pilit lang ang ngiti ko dahil di naman sa ganitong paraan ko gustong ikasal. Masyado pa naman akong paniwalain sa mga fairytale lovestories, na dapat ikakasal ka sa taong mahal mo talaga at gusto mong makasama hanggang sa pagtanda. Pero eto ako ngayon, biglaang kinasal sa isang taong hindi ko naman lubos na kilala basta ang alam ko lang sobrang yaman nya at sya ang makakatulong sa problema ng pamilya ko. CHAPTER 1 "Hoy Trixie, ang tagal tagal mo talagang kumilos andami pang customer na naghihintay sa atin." Sigaw ni Wendy ang baklita kong bestfriend. "Andyan naaaaaaaaa." Sagot ko. "Bakit ba naman kasi tinanghali ka ng gising? " "Napuyat ako bakla." "Sinong pumuyat sayo ? Aber?"tanong ni wendy na parang may sinisiyasat. "Yung project nung anak ng kapitbahay namin, sayang din kasi yung kita. Di daw maharap nung nanay na igawa ng project ang junakis nya tapos tinanung ako kung pwede kong gawan yung anak nya ng project. Puyat lang ang beauty ko bakla kasi kaialngan na ipasa yun ngayong araw." " o sya, sya, tara na at madami pang raket ang naghihintay sa atin. Kung hindi lang kita bestfriend iniwan na kita. Pasalamat ka bakla at mahal kita." "Alam ko naman yun, kaya nga mahal na mahal din kita Wendell." Seryosong sabi ko. "Tigil tigilan mo ako sa kakatawag ng Wendell sa akin ! Nakakadiri ka. Wendy na ako ngayon bakla. Full-pledged woman na. " iritableng sagot ni Wendy "HAHHAHAHAAHA masyado ka namang seryoso bakla, alam ko naman yun. San ba ang first destination natin ngayon?" "Speaking of destination, sa De Luna Empire Corporation tayo pupunta." "Bat parang ang sosyal naman ng pupuntahan natin at ano namang raket natin dun?" Pagtatanong ko kay bakla. "Bakla ano bang raket natin? Di ba manicure, pedicure at beauty care?" Sarcastic na sagot ni bakla. Kung di ko to bestfriend malamang nasuntok ko na. "Alam ko na yun ang raket natin. Kaso parang ang sosyal naman nung Empire chuchu na yun para magpa-make up pa sa tin, mukhang afford naman nila na pumunta sa mamahaling salon." "Gusto mo ba ng raket o hindi? Sosyal yung kompanya pero kagaya natin empleyado din sila na may pamilyang sinusuportahan kaya kailangang hinay hinay sa paggastos. Dami mong tanong. Nai-stress ang bangs ko sayo Trixie Claire Mercado." Di na ako nagtanong ulit, galit na si bakla binanggit na ang full name ko eh. *** Nakarating na kasi sa Empire chuchu na sinasabi ni bakla. Infairness napakasosyal naman talaga. Pero iniwasan ko ng magtanung kay bakla. Basta sumusunod lang ako sa kanya, tutal sya naman ang kausap nila tungkol sa service na to. Parang ang sosyal naman ng mga tao dito. Ang se-sexy pa ng mga babae, todo postura at mukhang matatalino. Bigla naman akong naawa sa sarili ko. Siguro kung nakapag aral din ako pwede rin akong magtrabaho sa ganito kagandang opisina. Lagi din akong naka aircon, makinis ang balat ko at laging maganda ang suot ko. Hanggang pangarap na lang ata ako. Pumasok na si bakla dun sa opisina kung saan daw kami magsiservice, sumunod nalang din ako. Kung kanina puro sosyal ang mga nakikita kong mga tao, dito naman ay napakagaan ng atmosphere. Magaganda din sila pero di ka maiilang. May bakla rin. Baka ito siguro ang kausap ni bakla at inalok ang mga kaopisina nila para may raket kami ni bakla ngayon. Nagstart na kaming magmanicure at magmake up sa mga tao dito sa opisina, madami dami rin ang may gustong magpalinis ng kuko at magpaayos at mukhang galante din sa tip. Napakagandang raket naman ito. May mini get together party daw sa department nila mamaya. Madadagdagan na naman ang ipon ko para sa balak kong pag enroll ngayong darating na pasukan. Hindi naman sa ayaw ko nitong raket namin, marangal ito e saka malaki ang naitutulong sa pamilya ko, pero gusto ko ring makatapos at magkaron ng magandang trabaho yung permanente sana para mabigyan ko ng maginhawang buhay ang pamilya ko. Kahit 24 na ako at medyo napag iiwanan na, desidido pa rin akong makatapos. Kaya nga kayod kalabaw ako para makatulong sa pamilya at matupad ang munting pangarap ko. CHAPTER 2 Natapos na kami ni bakla sa pagmanicure, pedicure at make up sa mga nasa opisina, lagpas lunch na rin kami natapos. Tiba-tiba ang kinita naming dalawa. Pag ganito ba naman ang income araw araw gaganahan ako talagang rumaket ng rumaket kahit sobrang nakakapagod. Mapapabilis ang pag ipon ko nito. Habang naglalakad kami ni bakla palabas ng building ay may kakaibang tension kaming na-radar. May isang babae na mala-super model ang ganda at may kasamang lalaki. Naka-hook pa nga sa braso nung matipunong lalaki. Mukhang yamanin din as expected. Tapos may isang lalaki naman na parang itim na ang aura dahil sa galit ba yun ? Natigilan kami ni bakla, nasa daanan lang kasi sila. Biglang nagsalita yung babae. "Oh, Hi Marco! Long time no see." Napaka arteng pagbati nung babae sa lalaking kaharap nya. Di naman sumagot yung lalaki nakatingin lang ng diretso dun sa babae. "Mr. De Luna, right? By the way, I am Chanelle's fiance." Sabi naman nung kasama ni ate girl. Infairness naman napakacharming ng itsura, parang anghel na nahulog mula sa langit. Wala pa ring imik yung lalaki. Naglahad pa nga ng kamay yung kasama ni ate girl pero di man lang tinanggap. Napaka harsh naman nun. Mayayaman nga naman. Bumulong si bakla sa akin. "Besh, di pa ba tayo aalis dito? Balak mo bang manood ng teleserye?" Natawa ako kay bakla. Di rin ako basta makagalaw dito sa kinatatayuan ko dahil nakakakaba ang tension sa pagitan nilang tatlo. Tinanong ko si bakla. "Besh, lalakad na ba tayo? Para kasing agaw eksena tayo sa kanila eh. " "Oo nga bakla. Kaso alangan namang panoorin natin sila hanggang sa matapos ang drama nila. Nakakaloka. May shooting ba ?" Lumingon lingon pa si bakla sa paligid baka may cameraman daw. "Besh, lakad na tayo. Hayaan na natin." Sabi ko. "Okay bakla, bilisan nalang natin ng lakad. Nakaka suffocate ang environment ditey. Naka-aircon pero ang init." Lumakad na kami ni bakla, binilisan lang namin at wala ng lingon lingon. Basta ang goal makalabas kami ng building. Ewan ko ba naman kasi sa tatlong yun gagawa na lang ng moment sa hallway pa talaga. Palapit na kami ni bakla sa kanila ng biglang...... Hinila ako nung lalaking walang imik at inakbayan at sinabing. "I want you to meet my girlfriend." Sabay ngiti ng wagas. Kahit si bakla natameme. Ako rin walang masabi. Baka prank ito. Kinakalma ko ang sarili ko. Gusto lang namin na makalabas na ng building na to ng matiwasay pero ngayon kasali na ako sa tension. Ano bang gustong palabasin ng kumag na to? Ako girlfriend nya? Walang-wala na ata tong lalaking to kaya kahit sino hinihila na lang. "Oh I see." Sabi ni ate girl. Sobrang nakakakaba ang tension sa tinginan palang nila. Tinignan naman ako ni ate girl magmula ulo hanggang paa at medyo nagtaas ng kilay nya. "Mr. De Luna we're leaving, we have something important to attend. See you next time." Ay sa wakas, may ice breaker din. Akala ko aatakihin na ako sa puso sa kakaabang ng susunod nilang eksena. Wala silang masyadong salita pero nakakalunod ang tensyon na namamagitan sa kanila. Para nag aaway pero sa sosyal na paraan. Umalis na yung dalawa. Nakaakbay pa rin sa kin yung kumag. Amoy na amoy ko ang mabango nyang pabango na bumagay naman sa aura at pananamit nya. Halatang mayaman nga. Nung makalayo na yung dalawa inalis na nya ang pagkakaakbay nya sa akin at tumalikod na. Para palang loko yun eh, baka naman gusto nyang i-explain sa akin ang mga kaganapan kani-kanina lang. Bago pa sya makalayo tinanong ko agad. "Bakit mo ako hinila at ipinakilalang girlfriend mo? Ano yun trip mo lang?" "Do I need to tell you?" Sarcastic na sagot nya. At lumakad na palayo. Aba ! Idinawit nya ako sa tension nila tapos sya pa ang may ganang magsungit sa akin?? Pero bago pa ako makapagsalita ay hinila na agad ako ni bakla. "Bakla uwi na tayo. Wag ka ng makipagtalo sa gwapong nilalang na yan." Sabi ni Wendy, di ko alam kung concern ba sya sa akin o umiiral na naman ang kakerengkengan nya. Nakalabas na kami ni Wendy sa building na yun, para kaming nabunutan ng tinik sa dibdib at sobrang na-appreciate ang polusyon na may kaunting oxygen dito sa labas. "What was that?" Tanong ni bakla. "Aba naman bakla englishera ka na din. Hahahahaha yan ba ang epekto ng pagmanicure at pedicure sa ganito kagandang building?" "Bakla sana lagi tayong magservice dito, feeling ko tumatalino ako kapag nakakadinig ako ng mga sosyal na usapan." "Ay wow naman, nakakatalino pala ang pag usyoso sa usapan ng iba." Natatawang sagot ko sa kanya. "Infairness bakla, kung magkakaron ka ng ganung jowa kahit nakakainggit sobrang magiging happy ako para sayo." Seryosong sabi ni bakla. "Ano na naman ba yan? Saka imposible na may magkagusto sa akin na super gwapo at yaman. Alam mo namang mahirap lang ako, tapos high school graduate lang. Parang langit at putikan ang peg namin. Sino ba namang nasa langit ang gustong lumusong pa sa putilan." "Gaga ka talaga ! Masyado mo namang dinadown ang sarili mo. Alam mo girl, maganda ka. Totoo yun. Kulang ka lang sa ayos. Masyado mo kasing sinusubsob ang sarili mo sa pagtatrabaho. Alam ko naman na para sa mga pangarap mo yan pero sana wag mong kalimutan na mag enjoy at mag ayos ng sarili kahit papano. Pano ka makakahanap ng papables nyan kung mukha ka na ng nanganak ng isang basketball team kasama ang substitute. Hahahaha" Yan ang gusto ko kay bakla,kahit ilang ulit na akong nadown ay palagi nyang pinapalakas ang loob ko. Full support sya lagi sa akin. "Lagi mo nga akong nilalait and for the first time in forever pinuri mo ako." "Loka ka ! Syempre charot lang yun pang ookray ko sayo. Tanggap ko namang mas maganda ka kesa sa akin. Dun ka muna sa bahay namin dumiretso. Hinahanap ka ni mudra. Ikaw ata ang anak nun kesa sa akin. Tawag nalang tayo sa inyo para sabihing asa amin ka." CHAPTER 3 Dito muna ako mag istay ngayon kina Wendy, may ilang gamit na din ako dito kaya wala ng hassle. Gusto ng nanay niya na makipagchikahan sa akin. Madalas akong magstay dito kapag may mga raket kami ni bakla na kailangang puntahan ng maaga. "Iha, buti naman napagbigyan mo ang request ko na dumito ka muna." Sabi ng nanay ni Wendy. "Syempre naman po, malakas kayo sa akin eh. Saka malaki po ang utang na loob ko sa anak ninyo." "Maswerte talaga ako sa anak ko, lumaki syang mabuting tao." "At maganda.." sabat naman ni Wendy. "Oo na Wendy, baka pag kumontra ako pagselosan mo na naman ako. Di ko naman inaagaw ang nanay mo nuh?" Sabi ko. "Nagluto ako ng pancit bihon Trixie, kain muna kayo ni Wendy. Mukhang pagod na pagod kayo ngayon. Madami ba ang customer nyo?" "Wow naman mukhang mapapadami ang kain ko nito tita. Madami po kaming customer kanina. Saka mukhang mayayaman kaya malaki magbigay ng tip." Sagot ko kay tita habang kumakain ng pancit. Habang busy kaming kumain at magkuwentuhan may biglang tumawag kay Wendy. Lumayo muna sya sa amin para sagutin yung tawag. Maya maya bumalik sa amin. Di namin maexplain ang itsura nya, para syang namumutla na nai-excite. "Hoy bakla ! Bakit ganyan ang itsura mo? At sino ba yung kausap mo?" Di ko mapigilan ang curiosity ko sa itsura nya. "B-bakla....." nauutal nyang sabi. Lalo akong kinakabahan sa reaksyon nya. "Ano ngaaaa? Pinapakaba mo naman ako eh." "Tumawag sa akin yung kaibigan ko dun sa De Luna Empire Corporation. Pinapatawag ka daw sa opisina nung boss nila." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Wendy, napapaisip ako kung ano bang kapalpakan ang nagawa ko kanina at ipinapatawag ako ng boss nila. "K--kelan daw ako kailangang pumunta?" Nauutal na tanong ko. Pinagpapawisan ako ng malamig sa kaba. "Bukas daw bakla." "Ano naman ang kailangan nung boss nila sa akin?" "Di ko rin alam bakla, pero punta ka na lang. Malay mo panibagong raket yun. Di nga lang kita masasamahan bukas. Busy ako sa salon bukas. Ibibigay ko nalang sayo yung number ng kaibigan ko dun para naman may makontak ka kapag andun ka na. Don't worry mabait yun. Sasabihan ko nalang na salubungin ka sa labas ng building." After naming kumain ng pancit, nagpahinga muna ako sa kwarto. Masyado na ang pagod ko ngayong araw tapos puyat pa. Kahit nakahiga ako at dapat na mag-relax di mawala sa isip ko yung sinabi ni bakla na kailangan kong makipag usap sa boss ng kaibigan nya. Sana naman magandang balita ang makuha ko sa pagpunta dun. CHAPTER 4 Maaga akong gumising para magready sa pagpunta dun sa empire chuchu na yun. Nagdress ako ng kulay peach at sapatos na kulay peach din. Pinahiram ako ni Wendy ng gagamitin para daw magmukha naman akong tao sa pagharap ng boss ng kaibigan nya. Nilugay ko lang ang buhok ko, medyo wavy naman at nag apply ng light make up. Natural look lang ang gusto ko, di naman kasi ako komportable mag ayos. Kung hindi lang mamahaling building ang pupuntahan ko hindi man lang ako mag aabala mag ayos pa ng ganito. Hindi na din ako nag almusal, abot abot ang kaba ko ngayon. Baka bigla akong mapa-jebs dun. Nakakahiya. "Tita, mauna na po muna ako. Salamat ulit sa pagpapatuloy nyo sa akin." Paalam ko sa nanay ni Wendy. Maagang umalis si bakla kasi madami daw gagawin sa salon. Kahit kinakabahan ako kailangan kong bumalik sa lugar na yun. Bahala na si batman. *** Pagdating ko sa harap ng building ng Empire chuchu ay tinawagan ko na agad yung kaibigan ni Wendy. Ring......ringg.... "Hello, si Trixie po ito yung kaibigan ni Wendy. Andito na po ako sa labas ng building." Hinintay ko lang muna yung kaibigan ni Wendy. Habang naghihintay ako ay nakatingin lang ako sa mga kotseng dumarating at mga taong pumapasok sa building. Maya maya pa ay may dumating na isang itim na kotse. Bumaba ang isang matipunong lalaki, matangkad at sa pormahan pa lang nagsusumigaw ang appeal at yaman nya. Habang papalapit sya sa akin ay namumukhaan ko sya. "At aba naman... makikita ko pa pala ulit yung aroganteng lalaki na yun." Bulong ko sa sarili ko. Kung makapaglakad naman yung lalaking yun akala mo kanya itong building eh. Sabagay, kahit naman mga empleyado dito ay napakasosyal ng asta. Diretso lang ang lakad nya, kahit mga kasalubong nya napapaiwas sa kanya at nagpapaubaya ng daan. Iba pala talaga pag mayaman, di mo kailangang makipagsiksikan kasi sila mismo ang maggiveway sayo. Nawala lang ang atensyon ko sa lalaking yun nung dumating na yung kaibigan ni Wendy. "Hi girl!" Bati nya sa akin. "Hello." Medyo nahihiyang sagot ko sa kanya. "Ano ka ba wag kang mahihiya sa akin, di naman ako may ari ng kompanya. Hahahahaha Dun sa boss namin ka kabahan." Parang lalo akong kinabahan sa sinabi nya. "Anyways. Carl ang name ko. Pero mas bet kong Carla ang itawag mo sa akin." "Sir, sasamahan mo pa po ba sa office ng boss nyo?" "Wag mo nga akong tawaging Sir, nakakakilabot. Just call me Carla na lang. Ihahatid lang kita pero di na kita masasamahan sa loob ng office kahit gusto ko. Hahaha" "Bakit naman hindi? Dun ka naman nagtatrabahho." "Alam mo kasi girl, masungit yung boss namin. Kung sino lang ang pinatawag nya yun lang ang pwedeng pumasok sa office nya, and sad to say never pa akong nakapasok doon." *** Nakarating na kami sa harap ng office ng boss nya. "Uy girl, ikaw na lang bahalang kumatok dyan aa? Balik na ako sa work ko." "Oo sige. Salamat ah." Umalis na si Carl at iniwan na lang ako sa harap ng pinto ng boss nila. Kumatok ako at bumungad sa akin ang isang napakaganda at seksing babae. Ito siguro ang secretary nya. "Pinatawag daw po ako ng boss ninyo." Pagsisimula ko dun sa babae. "Okay Ma'am. Pasok po kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir." Pagpasok ko sa loob ng office, naamoy ko agad ang panlalaking pabango na bumabalot sa buong office. Napakasimple ng design. Elegante ang kinalabasan ng combination ng black and white na kulay ng kanyang opisina. Di muna ako umupo syempre, baka sabihin feel at home ako. Pinalabas nya yung secretary nya. Ako at yung lalaking nasa swivel chair nalang ang naiwan dito sa loob ng opisina. "Take your sit." Parang nagising ang diwa ko nung marinig ko ang baritonong boses na nagmumula sa taong nakatalikod na nakaupo sa swivel chair. Napaka arogante naman sa isip isip ko. Pwede namang sabihing you may take your sit. Daig pa ang nag papaupo ng aso eh. Umupo ako baka sabihin pabebe ako masyado. Humarap sa akin ang lalaking nakaupo sa swivel chair at....... "Ikaaawwwww? Ano na naman bang kailangan mo sa akin ?" Medyo pasigaw kong sabi. Akalain mo ba namang yung lalaking humila sa akin at nagpakilalang girlfriend ako at isama mo pang boss ni Carl ay andito sa harapan ko. Kumalma ako ng konti, parang exaggerated na yung reaction ko. "Bakit mo ako pinatawag?" Tanong ko ulit. "I want you to work for me." Tipid na sagot nya. "Magpapalinis ka ba ng kuko? Sana naman ininform mo ako agad para nadala ko yung mga gamit ko." Tuloy-tuloy na sabi ko. "What?" Nakakunot ang noo nyang tanong sa akin. "Anong what? Pinatawag mo ako sa kaibigan ng kaibigan ko at sabi mo kani-kanina lang gusto mong magtrabaho ako sayo. Well, paglilinis ng kuko saka pag make up ang trabaho ko. Hindi ka naman siguro magpapa- make up sa akin?" Nakangising tanong ko. "Just cut the crap, lady." Seryosong sagot nya. "Ano bang work ang sinasabi mo?" "I want you to act as my girlfriend." "Girlfriend? Sira ka pala eh. Ang yaman yaman mo tapos kukuha ka ng girlfriend na manicurista lang. Para ano ? Para laitin ako ng mga mayayamang mga kakilala mo?" Medyo highblood na ako sa offer nya. "Just hear me out first, masyado kang madaldal." "Sorry naman. O sige mag explain ka na." "Do you remember what happened last time----" "Of course, yung hinila mo ako at pinakilalang girlfriend mo? Tapos lumayas ka nalang agad agad?" "I'm sorry about that, she is my girlfrien-- I mean ex-girlfriend. And the guy is her fiancee. I want her back. So bad. That's why I am asking a favor no, I am negotiating with you to pretend as my girlfriend. I want her to get jealous and leave that f*cking guy." Napanganga ako sa sinabi nya. "Akala ko sa teleserye lang yung ganun, nangyayari pala yun sa totoong buhay. Kung gusto mo pala na balikan ka nya, bakit hindi mo sya ligawan ulit? Ipakita mo sa kanya na ayaw mo syang mawala sa buhay mo. Na gagawin mo ang lahat para magkabalikan kayo." "Are you lecturing me right now?" Masungit na sagot nya sa akin. Napakasungit naman talaga. Kaya ipinagpalit eh. "Sinasabi ko lang naman yung opinyon ko. Gusto mo pala sya pero imbis na ligawan mo kukuha ka ng magpapanggap na girlfriend mo." "Do you want this job or not?" "Ano namang mapapala ko kapag ginawa ko yang gusto mo ?" "I'll give you anything you want." "Sure k-kaaa?" Kabado ako pero baka ito na ang sagot sa mga panalangin ko. Magpapanggap lang naman ako. Raket din ito. First boyfriend ko sya kung sakaling magstart na yung palabas nya. Wala akong alam kung pano maging girlfriend, kakayanin ko naman siguro. "Yes. Anything you want, just name it." "Okay sige. Payag na ako. Pero may mga kondisyon ako." "What is it?" Medyo nagliwanag na ang itsura nya nung pumayag ako. "Magpapanggap lang tayo kapag kaharap yang ex mo. No kissing, no dates, wala ding yakap. Yung akbay pwede na. At saka ang gusto kong bayad kung okay lang naman sayo e scholarship. Gusto ko sana mag enroll ngayong pasukan kaso kulang pa ang ipon ko." "Yun lang? Okay it's a deal. Choose a school where you want to study." "Pwede pag isipan ko muna yung school matagal pa naman ang pasukan?" "Sure. But remember to do your job well. I am going to pay you big time. And you will get an incentive once this plan suceed. See you tomorrow." "Tomorrow ?" "Yes. You will start tomorrow. Come here at my office 8am sharp." "Okay sige... thank you." "You may go." Napapaisip ako kung kakayanin ko ba itong pinasok ko. Kaso pagkakataon ko na para makapag aral gaya ng pinapangarap ko. Magpapanggap lang ako kapalit naman nun yung kinabukasan ng pamilya ko. CHAPTER 5 Kinuwento ko agad kay Wendy yung nangyari sa Empire chuchu pag uwi ko. Kahit sya nawindang sa bagong raket ko. "Talaga baklaaaaaa?" Di makapaniwalang tanung ni Wendy." "Oo bakla kahit ako hindi makapaniwala. Tinanggap ko na maganda naman yung offer. Magpapanggap lang akong girlfriend nya tapos pag nagselos ang ex nya at binalikan na sya okay na. Kapalit naman nun ay scholarship." "Naku mukhang hulog ng langit sayo ang papable na yan ha.. Ang tanong? Ano namang alam mo sa pagiging girlfriend e never ka pang nagkajowa?" "Bahala na bakla. Ang mahalaga siguradong makakapag aral na ako. Two months pa naman bago magpasukan siguro naman magkakabalikan na sila nong ex nya. Para wala na din akong isipin kapag nagsimula na akong mag aral ulit." "Trixie..." seryosong sabi ni bakla. "Hmm?" "Alam ko masaya ka kasi nabigyan ka na ng chance para makapag aral ulit. Pero sana aware ka na pagpapanggap na girlfriend ang gagawin mo, baka naman ma-fall ka. Mayaman yun saka gwapo." Pag aalalang sabi ni Wendy sa akin. "Hindi ako mapo-fall sa aroganteng yun nuh bakla. Oo gwapo sya, pero ang hirap pakibagayan ng ugali nya. Hindi naman ganung klase ng lalaki ang gusto ko." "Okay. Sabi mo eh. Basta pinaalalahanan na kita." **** Maaga akong nag ayos para maaga rin akong makarating sa dun sa De Luna Empire Corporation. Hindi ko pa nasasabi kina nanay ang bago kong raket. Saka nalang siguro kapag success na ang pagpapanggap ko. 7:30 pa lang nakarating na ako sa building ng mga De Luna kahit 8am pa ang call time ko. Mabuti na yung magpakitang gilas sa first day of work. Naghintay lang ako sa lounge ng building. Mamaya nalang ako pupunta sa office ni sungit kapag malapit na mag 8. Baka late pumapasok yun. Nagpifacebook ako ng may biglang nagsalita. "Come with me." Pamilyar sa akin ang boses. Ang aga naman palang pumasok ni sungit. Tumayo ako at nagbigay galang. Ayaw ko man sa kanya kailangan kong maging professional kasi sya ang boss ko ngayon. "You don't need to greet me like that. You're my girlfriend, right?" Parang bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi nya. "Eh di ba girlfriend mo lang ako kapag kaharap si Chanelle?" "I will introduce you as my girlfriend. So technically with or without Chanelle they know you as my girlfriend." Parang nabilaukan ako ng kaunti sa sinabi nya. Di ko naisip yun. Kapag nalaman naman nila ako ang girlfriend nya kahit wala si Chanelle nya, yun pa din ang tingin ng tao sa akin. "Get ready. We're going somewhere." "Saan po ?" Infairness magalang na ako sa kanya ngayon. "No asking. Just follow me." Cold na sagot nya. Dire-diretso lang kami ng lakad palabas na ng building. Mukhang di ata sa building nila yung trabaho ko ah. Dumiretso kami sa parking lot. "Get in." Utos nya. Di man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kotse. Basta sumakay na lang. Kailangan ko talaga ng madaming pasensya sa ganitong klase ng boss. Habang nasa biyahe kami wala kaming imikan. Di naman sya yung tipo ng tao na kakausapin ka kung wala syang iuutos. Naglakas loob ako na basagin ang katahimikan. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pero hindi ko sya tinitignan. "You'll see." Napakatipid lang ng mga sagot nya. Di na ako nagtanong ulit. Mukhang hindi sya mahilig makipag usap. Nakarating na kami sa isang mall. Ano naman kaya ang gagawin namin sa Mall? Akala ko ba girlfriend mukhang chimi-a-a ata ang talagang trabaho ko. "Let's go inside." Malamig na sabi nya. Pagpasok namin sa Mall lahat ng mga empleyado ay nagbigay-galang sa kanya. Iba naman talaga ang epekto ng pagiging mayaman. Dumiretso sya sa mga pambabaeng gamit. Sumusunod lang ako sa kanya. May lumapit na babae. Yung manager siguro. "How may I help you Mr. De Luna?" Tanong nung babae. Wow kilala agad. "Give the best gown for her. And give her the best dresses you have here. Oh by the way, the gown must be appropriate for a gala." "This way Ma'am." Sabi nung babae. Sumunod na lang din ako. Ang dami nilang damit na ininhanda para sa akin. Nalulula ako sa ganda. Hindi ko na nga alam kung ano ang pipiliin ko. "Bakit parang ang dami naman po nito?" Tanong ko dun sa babaeng nag aassist sa akin. "Yun po kasi ang order ni Mr. De Luna, sumusunod lang po kami sa orders nya." "Kaso sa sobrang dami naman po nito paniguradong mahal po ito. Wala po akong pambayad." "Don't worry miss sagot lahat ni Sir ito. Maswerte ka nga eh, ang daming nagkakandarapa dyan kay Sir na makasama man lang o makausap pero mailap. Samantalang ikaw isinama ka at ibibilhan pa ng mamahaling mga gamit." Parang nahiya naman ako bigla sa sinabi nung Manager ng Mall. Ganun ba talaga kapag girlfriend ng mayaman. Kahit nga magkandakuba ako sa pagtrabaho di ko afford bumili ng kahit isang piraso ng damit dito. Napapagod na ako sa pagsukat ng mga damit na inihanda nila. Ang order daw sa kanila ni sungit dapat bagay sa akin yung mga bibilhing damit. "Miss, gown naman po ang isusukat nyo." Sabi nung manager. "P-po ?!" Gulat na sagot ko. "Isusukat nyo po ang mga ihahanda naming gown at si sir na po ang magdidecide kung okay sa kanya ang design." "Ibig sabihin nyo po ba magsusukat ako ng gown pero si sungit este si Sir De Luna ang mag aappruba kung gusto nya o hindi ang gown ?" "Yes po. Start na po tayo. Don't worry Miss, top 5 signature gowns ang isusukat mo. Mabilis lang yun." Nakangiting sabi nung Manager. Nagsimula na ako magsukat ng gown para ipakita kay sungit kung okay ba o hindi. Bud green long serpentina gown ang sinukat ko, simple lang na may kaunting design na makinang at halatang pangmayaman. Lumabas ako sa fitting room at pinakita kay sungit. "Oh eto na yung gown. Ang ganda di ba ?" Nakangiting sabi ko. "No, I don't like that. The shade is too dark. Try another one." Walang emosyong sabi nya. "Okay." Bumuntong hininga na lang ako. Para sa ekonomiya, kakayanin ko to. Ako na nga ang bibilhan ng damit aarte pa ba ako? Next naman ay red gown naman ang sinukat ko. "Try another one." Ganun lang ulit ang sagot nya. Napaka arte nya sa damit. Lahat ng isinukat ko inayawan nya. Di ko alam kung bulag ba sya o ano. Magaganda naman lahat. Last na yung isusukat ko powder pink ang kulay na may spaghetti strap at revealing ang likod. Siguro naman okay na to, last na to eh. Alangan namang magpahanap na naman sya ng ibang gown. Hayssss.. nakakapagod kaya magsukat. "Perfect." Nakangiting sabi nya. Marunong naman pala syang ngumiti eh at infairnes ang gwapo nya lalo kapag nakangiti sya. "Okay na to?" Tanong ko. "Yes." "Bakit ba kailangan ko ng gown? " "We are going to a gala tomorrow 8pm, and Chanelle and his fiance is there." Parang biglang uminit ang ulo nya nung binanggit nyang andun si Chanelle at yung fiance nya. "How much in all?" Baling nya dun sa manager. "Total of 300,000, Sir." Sagot nung manager. Pagkasabi nung Manager ng presyo naglabas sya ng black card at inabot. Napanganga naman ako sa presyo nung mga binili nya. Kasama ba sa trabaho ko ito? "You are my girlfriend and Chanelle is there so you must act and dress accordingly. Pano sya maniniwalang girlfriend kita kung mukha kang utusan dun." Napatahimik ako. Tama naman sya eh, di talaga ako mapagkakamalang girlfriend ng isang bilyonaryo sa itsura ko. Hindi ko naman kasi afford na bumili ng mga magaganda at mamahaling mga damit. Tila napansin nya yung pananahimik ko. "It's not what I mean, it's a gala and all other business tycoons are going there, that's why you need to prepare para di ka ma-intimidate sa mga makikita mo dun." Di nalang ako sumagot hanggang sa makasakay kami sa sasakyan nya. Pauwi na kami. Ang daming bag na puno ng mga bagong damit ko ang iuuwi ko. Kina Wendy muna ako nagpahatid at dun ko ilalagay ang mga pinamili ni Marco para sa akin, tiyak kapag sa bahay ko ito dinala magwawala na naman ang pamilya ko baka akalain pang naging kabit na ako ng matandang mayaman. Marco's POV Inaya ko si Trixie para mamili ng isusuot sa gala bukas ng gabi. I admit, kahit anong isuot nya bagay sa kanya. She's really pretty. Di nakakaumay ang ganda nya. Feeling ko pagod na sya sa pagsusukat ng mga damit. Actually, she doesn't need to try all the dresses there, natutuwa lang ako makita syang magsuot ng iba't ibang damit. Ganun din kasi ako dati kay Chanelle. It's been a long while. Dati-rati sya ang kasama kong mamili ng mga damit. And I hope this plan will work out for the best. I missed her.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Matchmaker to the Ruthless Billionaire (TAGALOG)

read
577.8K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.7K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.8K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

The Billionaire's Surrogate (Filipino)

read
2.0M
bc

THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR

read
751.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook