Chapter 13 to 17

3983 Words
CHAPTER 13- 17 Marrying an Arrogant Billionaire -CNLove❤ CHAPTER 13 Normal na lang sa akin ang gumising ng maaga pero mas inagahan ko ngayon. Nagprepare ako ng baon ko--- adobong baboy. Isa ito sa paborito kong lutuin para sa amin. At least kahit hindi ko sila kasabay kumain dahil lagi akong busy ngayon pakiramdam ko sama-sama pa rin kami. Masasabi ko rin sa pamilya ko ang totoo, hindi nga lang sa ngayon. Maaga akong nakarating sa opisina. Suot ko na ang isa sa mga binili ni Marco na damit para sa akin. Naabutan ko si Bea na may inaayos na papeles. "Good morning Bea." Bati ko "Good morning din Trixie." "Ang aga mo ah?" Puna ko sa kanya. "Naku may meeting ang board of directors ngayong umaga kaya madaming papeles ang dapat iready. Ay shooooktt! Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo yun kahapon. Di bale, maaga ka namang pumasok." "May maitutulong ba ako?" "Sige, i-arrange mo lang tong mga papeles by date. Reports yan tungkol sa sales ng kompanya. Bilisan mo lang dahil titignan agad ni Sir yan pagdating nya. At isa pa pala Trixie, isasama kita sa meeting mamaya. Since ikaw ang papalit sa akin kaya dapat alam mo din kung anong nangyayari during meeting." Ina-arrange ko lang yung pinapagawa sa akin ni Bea. "Is everything ready?" Sabi ni Marco na hindi ko man lang namalayang pumasok sa opisina. Kahit si Bea di rin sya napansin. Ganon ata ka-tense ang mga tao dito kapag may malakihang meeting." "Sorry sir di ko po namalayan ang pagdating nyo." Paghingi ng pasensya ni Bea. "10:00am ang start ng meeting, 9:30 dapat andun na tayo sa meeting. Trixie , nasabi naman na siguro sayo ni Beatriz na kasama sa trabaho mo ang sumama sa mga meetings." "O-opo." Maya maya nag-ring ang cellphone ni Marco. Habang may kausap sya pansin ko sa kanya na parang iritable sya sa kausap nya. Panay din ang hawak nya sa may puno ng ilong nya. Mukhang badtrip na naman sya. Ito pa naman ang unang meeting na sasama ako pero mukhang giyera ang sasabakan ko. Nagstay lang ako sa table ko habang hinihintay ang go signal nya para pumunta sa conference hall. Nagbasa basa din ako para may dagdag kaalaman naman ako sa trabaho ko. *********** Nagbigay na sya ng go signal kaya lumabas na kami ng opisina nya para pumunta sa conference hall. Habang naglalakad kami ay parang nakakita ng leong nakawala ang mga tao. Yung iba nag iiwas ng tingin, yung iba naman literal na umiiwas at parang takot na takot sa kanya. Pero may mga malakas naman ang loob na batiin sya--mga babaeng obvious namang nagpapacute sa kanya. Diretso lang ang lakad nya na parang walang nakikita o nadidinig. Napaka arogante talaga. Pero syempre hindi ako makakaligtas sa mapanuring paningin nila. Ramdam ko ang talim ng bawat tingin ng mga babaeng inuusisa kung bakit ako kasama ni Marco. Si Bea, alam nilang secretary sya. Nadidinig ko pa nga ang bulungan nila o sinasadya lang talaga nilang iparinig sa akin. "Yan na ba yun? Mas maganda pa ako dyan." Bulong nung isang babae. "Ano namang nakita ni Sir dyan. Baka kung san lang nya napulot yan." Dagdag pa ng isa. Kahit nadidinig ko lahat ng pangungutya na sinasabi nila patungkol sa akin nilalakasan ko lang ang loob ko, matatapos din tong pagpapanggap ko at babalik din sa dati ang pamumuhay ko. Nakarating na kami sa conference hall, halos lahat ng may mataas na katungkulan sa kompanya nya ay naroon na. Pagpasok namin bigla silang nagsitigil sa kwentuhan na kani-kanila lang ay masaya. Tahimik silang lahat na parang hinihintay lang ang sasabihin ni Marco. Umupo si Marco sa swivel chair na nasa unahan ng mga kasama sa meeting. Binulungan ako ni Bea, na isulat sa notebook ang mga mapag uusapan ngayon sa meeting nila. "Okay, let's start." Pagsisimula ni Marco. May isang tumayo at nagpresent sa lahat ng tungkol sa sales ng kompanya for the past 3 months at tungkol sa bagong product na ilalabas ng kompanya. Seryosong akong nakikinig sa pag explain nung presentor nang biglang hinampas ni Marco ng sobrang lakas ang mesa na talagang umalingawngaw sa buong conference hall. Lahat natahimik kahit yung presentor hindi na magawang ituloy pa ang sasabihin nya. Napatingin lang din ako ng diretso kay Marco. Si Bea naman nakayuko na lang. Lahat kami hinihintay ang sasabihin nya. "What are you trying to imply with your presentation? Is that all you have? Did you even use some of your brain cells to present something sensible? You are just wasting my time. Meeting adjourned." Seryosong sabi nya na punong puno ng otoridad. Bigla naman akong nalungkot para sa mga taong nandito ngayon sa meeting. Basta na lang sya nagagalit ng di iniisip yung mararamdaman nila. Naunang lumakad palabas ng conference hall si Marco. Nagpaiwan nalang si Bea, at pinasunod na ako kay Marco. Pagbalik namin sa opisina nya, tahimik lang syang umupo sa upuan nya. Kumuha ng wine at nagsimulang uminom. Sobra siguro ang galit nya sa meeting kanina. Malapit na ding maglunch kaya inalok ko na syang kumain. Kakahiya namang ako lang kumain habang umiinom sya ng wine. "M-marco. Tara kain na tayo." Pag aaya ko. "No, I'm not hungry." "Sayang naman andami ko pa namang niluto na ulam para sa atin kasi-----" naputol yung sasabihin ko pa sana kasi nagsalita sya. "Okay, let's eat." "Saan mo gustong kumain ? Dyan sa table mo o dito nalang sa table ko?" "Dyan nalang." Tipid na sagot nya. Naghain na ako ng kanin at nung adobo para sa aming dalawa. "Tara kain na tayo." Aya ko ulit. Kumuha sya ng kaunti at tinikman lang yung adobo, maya maya sunod-sunod na ang kuha nya. Mukhang nagustuhan nya ang luto ko. Di ko na pinuna baka mahiya na syang kumuha. "Bakit ka nga pala nagalit kanina? Ni hindi mo man lang pinatapos magsalita yung tao." Pag open ko. Medyo nagsalubong ang kilay nya sa tanong ko pero sumagot naman ng maayos. "The project to be launched by the company in the next few months is very important. Sales ng kompanya ang nakataya dun." "Alam ko naman na mahalaga ang bawat plano at pera ng kompanya mo. Pero mahalaga din ang mga tao mo. Kung wala sila, wala ding magtatrabaho sayo." Seryoso lang syang nakatingin sa akin. "I don't care. I can hire as many as possible. I don't tolerate incompetencies here in my company." "Pwede kang maghire ng madaming tao pero di mo pwedeng i-hire ang loyalty nila sayo at sa kompanya mo. Yan ang hirap sa inyong mayayaman eh, akala nyo lahat ng bagay pwedeng daanin sa pera." Tumahimik na sya after kong sabihin yun. Pero nagtanong ako ulit. "Eh bakit ako? Di naman ako deserving sa trabaho na binigay mo sa akin. Imagine, secretary na isang bilyonaryong kagaya mo ay isang high school graduate lang. Hindi rin ako competent." "Because you're different." Kumunot ang noo ko sa sinabi nyang "you're different." Magtatanong pa sana ako ulit kaso tumayo na sya. "Thanks for the lunch. It's delicious. Sana lagi kang magdala ng luto mo." Ang gaan ng pakiramdam ko sa sinabi nya. Nakaka inspire gumising ng maaga at magluto ng babaunin. CHAPTER 14 Pagod na pagod akong umuwi kina Wendy. Dito na ako halos umuuwi kasi malapit lang sa sakayan ang bahay nila. Diretso na ako agad sa kwarto para humiga. Sobrang sakit din ng binti ko at sugat sa paa dahil sa heels, di naman ako sanay magsuot ng ganun. Halos di na rin pala umuuwi ang bakla dahil busy sa mga raket nya. Wala din ang nanay nya at umuwi sa probinsya nila. In short, ako ang taga bantay ng bahay nila. Nagbukas ako ng sss para magpaantok. May nagfriend request sa akin. Si Kyle Santos. Ang long time crush ko. Inaaccept ko agad. Tinignan ko kung nagmessage ba sya sa akin. At di nga ako nagkamali nagchat sya sa akin. From: Kyle "Hello Claire. Kumusta ka na long time no see na. Nasan ka na ba ngayon? Pwede mo bang ibigay sa akin ang number mo para naman lagi tayong makapag kumustahan?" Ang tagal kong tinitigan ang chat ni Kyle sa akin. Oo nga, matagal ko na syang hindi nakukumusta man lang. Balita ko teacher na daw sya. Matagal na din akong naghihintay na mapansin nya ako. Nawawalan ako ng pag asa sa tuwing naiisip ko na malayo ang agwat ng pamumuhay namin ngayon. Teacher na sya, tapos ako eto paraket raket lang. Di ko na muna nireplyan ang chat nya, wala pa akong lakas ng loob. Tingin lang ng ako ng tingin sa mga post ng mga dati kong kaklase na asensado na ngayon. Puro post lang ng travel goals at food cravings nila tapos ako eto kayod-kalabaw pa din para makapag aral. Pinatay ko na ang data kasi nakakaramdam na ako ng antok nang biglang nagring ang binigay na cellphone ni Marco. Ano na naman kaya ang kailangan nya? "Hmm." Sagot ko sa tawag nya. "Are you sleeping already?" Tanong nya. "May tulog bang sumasagot pa ng tawag?" Sarkastikong sagot ko. "Okay fine. We're going somewhere tomorrow. Pack your things. I'll fetch you tomorrow morning 8am sharp." "Okay." Tipid na sagot ko. "Goodnight." Sabi nya at binaba na ang tawag. Nawala ang antok ko sa huling sinabi nya. Pinag iisip na naman nya ako. ******* Umaga na naman at nakahanda na lahat ng gamit ko. Ilang piraso lang ang nilagay ko sa bag. Mabilis lang naman siguro yung pupuntahan namin. Wala naman syang sinabing detalye eh. Narinig ko ang busina ng sasakyan sa labas ng bahay. Maaga nga sya. Nakagawian na siguro nya yun. Bumaba sya sa sasakyan at tinulungan akong ilagay sa sasakyan nya yung bag ko. Pinagbuksan din nya ako ng kotse. May topak ata kaya gentleman na naman. Habang nasa biyahe kami iniiwasan kong magtanong baka mahighblood ulit. "We are going to a private island. We are going to stay there 5 days, I guess." "Private island? Bakit di mo naman agad sinabi? Halos pormal ang dala kong damit." Inis na turan ko sa kanya. "Di ka naman nagtanong." "Ikaw kasi ang tumawag. Alangan namang alam ko agad ang sasabihin mo sa tuwing tumatawag ka sa akin." Tumawa sya ng bahagya. Tama ba yung nakikita ko? Tumawa sya??? Parang may himala atang nangyari sa kanya at maganda ang mood nya. "Don't worry about your clothes. I'll take care about it. Private helicopter namin ang sasakyan natin papunta doon." "Anong meron?" Curious talaga ako sa biglaang outing sa private island. "Family reunion. Tsk." Bakit parang ayaw nya makasama ang family nya. "Chanelle is also there." Pahabol nya. Di na ako nakaimik. Nung binanggit nya ang pangalan ni Chanelle parang may tumusok sa puso ko. Alam ko namang pagpapanggap lang ito kaya di dapat ako apektado pero nakakaramdam ako ng sakit kapag nababanggit nya si Chanelle. CHAPTER 15 Nakarating na kami sa kanilang private island. Napaka elegante ng isla at alagang alaga. Kahit wala akong idea kung anong magaganap sa pagstay namin dito nakaramdam ako ng excitement. Kakaunti naman pala ang kamag anak nya. Wala pa ngang sampu ang nasa reunion na sinasabi nya. Sana sa bahay nalang sila nagreunion. May lumapit sa aking babae. Hindi ko matantiya ang edad dahil mukha syang bata pa naman. "Hello hija, nice to meet you. Mommy ako ni Marco." At niyakap ako. Awkward. "Hi po. Trixie po ang pangalan ko." "Di naman nasabi ni Marco na maganda pala ang girlfriend nya. How old are you now?" "24 years old po." "Ohhhh matanda pala ng 6 years sayo ang anak ko. He's 30 years old. Di na nga ako makapag antay na bigyan nya ako ng apo." "Mommm! Stop it." Saway ni Marco sa mommy nya. Nakakatuwa ang reaksyon sa sinabi ng mommy nya. Naiilang pala sya sa usaping apo e 30 years old na sya. Inaya nya ako papasok sa guest house nila at dumiretso sa isang kwarto. Nilagay ko ang iilang mga gamit ko sa cabinet. Napatingin ako sa kanya dahil narealize kong wala syang dalang gamit. "Asan ang gamit mo?" "Nandyan sa isang cabinet." "Prepared huh?" Pang aasar ko. "Sa amin itong guest house. And it's not my first time staying here." Boba na naman ako sa part na yun. Bakit ba kasi nagtatanung ako ng mga bagay na obvious naman na ang sagot. "Here." Sabay hila sa isang maleta at inabot sa akin. "Ano to?" "Open it." Pagbukas ko ng maleta nagulantang ako sa mga beach outfits na pinabili na naman nya para sa kin for 5 days ???!! "You like it?" "Bat andami naman nito? Akala ko ba 5 days lang tayo dito e bat parang wala ng uwian ito?" "Dami mong satsat. Kung ayaw mo sunugin mo nalang." Pagkasabi nya ay nilayasan na ako. Gusto ko naman talaga yung mga damit. Pero syempre nanghihinayang ako dahil di ko naman masusuot lahat yung mga damit na binibili nya. Lumabas ako ng guesthouse para maglibot. Nakaka amaze ang ganda ng tanawin. Nakakarelax. Sana dumating yung araw na madala ko rin ang pamilya ko sa ganitong lugar. Ini-enjoy ko lang ang paglalakad lakad habang hinihintay ang paglubog ng araw, medyo maaga pa para hintayin ang sunset pero di ko mapigilang namnamin ang ganda ng tanawin dito. "Enjoying the view huh?" Sabi ng isang lalaking nakangisi sa akin. Parang nakita ko na sya pero di ko lang maalala kung saan. Nakatitig lang ako sa kanya at walang response. Nginitian ko lang sya at nagsimula na ulit maglakad. "Hey! Di mo na ako maalala Ms. Beautiful?" Tanong ulit nya. "Nagkita na ba tayo dati?" "Yes. At the party, remember?" Nakangiting sabi nya. "Sky?" Manghang sagot ko sa kanya. Kaya pala pamilyar sya sa akin. "Finally naalala mo na. Ambilis mong makalimot ha. Samantalang ako hindi makalimot sa ganda mo." "Bolero. Bakit ka nga pala andito?" "Family reunion daw. Ewan kung anong kabaduyan na naman ito." Pareho sila ni Marco ng reaksyon. Ano bang masama sa family reunion. "Kamag-anak mo si Marco?" "That De Luna guy is my cousin. Magkapatid ang daddy nya at mommy ko. Technically, De Luna din ako. Akala ko boring na naman itong reunion na to until I saw you here. It's gonna be exciting." Sabi nya na may nakakalokong ngiti. Mula sa pwesto namin ni Sky natanaw ko agad si Chanelle--- kasama si Marco. Mukhang miss na miss nila ang isa't-isa. Maaliwalas ang mukha ni Marco habang kausap si Chanelle. Mahal talaga nya siguro at ito na ang moment para masolo nya si Chanelle. Baka mangyari na din ang gusto nya na magkabalikan sila. Bakit ba ako nalulungkot? Dapat nga masaya ako kung ganun ang mangyari kasi matatapos na ang pagpapanggap ko. Gusto ko na ba si Marco? "Uyyyyyyy ang lalim ng iniisip mo ah?" Puna sa akin ni Sky "Hindi naman." "Anong hindi? Nakatitig ka lang kina Chanelle at Marco habang malalim ang iniisip. Wait ! Nagseselos ka ano?" Panunudyo na naman nya sa akin. "Hindi noh! Bakit naman ako magseselos." "Childhood bestfriends sila kaya ganyan sila ka-close. Family member na din ang turing kay Chanelle." "Hindi naman ako nagtatanong ah." Depensa ko. "Hindi nga. Pero kita naman sa mata mo na may gusto kang malaman." "Aba kelan ka pa naging psychic?" "I just know how to read people. You can't lie to me." Kinabahan ako bigla sa sinabi nya. Pano kung alam na pala nya yung tungkol sa pagpapanggap namin ni Marco. Baka masira ang plano namin. Sabay na kami ni Sky na nag abang ng sunset. Masaya akong may makakausap naman ako sa pagstay ko dito ng 5 days. CHAPTER 16 Nung dumilim na ay nagready na sila ng bonfire. At dun kami nakapalibot. Magkatabi si Chanelle at Marco na halos langgamin na sa sobrang sweet. Ako yung girlfriend pero iba ang kasama. Magkatabi naman ang parents ni Sky, solo lang yung mommy ni Marco at kami naman si Sky ang magkatabi. Nag-open bigla ng topic ang mommy ni Marco. " oh Sky kelan mo naman balak maghanap ng babaeng seseryosohin mo, di ka pa ba nagsasawa sa pagiging babaero mo?" Natatawang sabi ng mommy ni Marco. "Tita naman eh, wala ka pa ring pinagbago lagi mo pa ring iniissue ang lovelife ko." Sabay kamot sa ulo ni Sky. Aminado akong cute sya. "Totoo naman Sky. Puro ka fling. Tumatanda ka na din. Kailan mo ba balak na magseryoso?" "Bakit parang naka hot seat ako ngayon? Malay natin nandito lang sya sa tabi tabi." Sabay tingin sa akin ng nakakaloko. "Bago pa ako tuluyang matusta sa hot seat ni Tita Queenie let's have a drink." Alok ni Sky at kumuha ng beer sa cooler. Feeling ko hindi iniiba lang nya ang usapan dahil sya ang pinupuntirya ng mommy ni Marco. Ladies drink lang sa aming mga babae at beer naman sa mga lalaki. Actually, ito ang first time na iinom ako kahit ladies drink lang. Lumalalim ang usapan kasabay ng paglalim ng gabi. Napunta naman kay Chanelle at sa fiance nya ang usapan. "Chanelle hija, kailangan nyo naman balak magpakasal ni Troy?" Tanong ng mommy ni Sky. Bago pa makasagot si Chanelle ay napatingin ako sa reaksyon ni Marco----mas tamang sabihin na inaabangan ko ang reaksyon nya sa usapin ng kasal ni Chanelle; ng babaeng dahilan ng pagpapanggap namin ngayon. Gaya nga ng inaasahan ko nagsalubong ang dalawang kilay nya sa narinig. Masyado siguro syang affected sa topic. "Medyo matatagalan pa po yun tita, madami pa pong dapat na asikasuhin. Masyado rin po syang busy sa business ng family nila." Simpleng sagot ni Chanelle. "Naku magmadali na kayo, para naman mabigyan nyo na ng apo ang parents mo." Natatawa lang si Chanelle sa mga sinasabi sa kanya. Pero si Marco, sobrang seryoso pa rin na nakatingin sa kawalan. Kitang kita sa reaksyon nya na di nya gusto ang pinag uusapan. Maya maya pa ay nabaling naman sa amin ni Marco ang usapan. Alam kong hindi kami makakaligtas sa intriga dahil alam nilang girlfriend nya ako. "Trixie, buti naman at natatagalan mo ang mood swings ni Marco." Natatawang sabi nung mommy ni Sky. "Ayos lang naman po. Kaya ko naman po." "Kelan mo naman balak alukin ng kasal si Trixie ha Marco?" Baling ng mommy ni Sky kay Marco. "Soon tita." Seryosong sabi nya habang nakatingin ng diretso sa akin. Nakaramdam ako ng ilang sa sinabi nya. Bakit parang totoo yun. "Owwwwwww.. excited na kami marinig ang wedding bells, baka naman maunahan nyo pa sina Chanelle na engaged na." Tapos nagtawanan ang lahat. Awkward. Napaka-awkward pag usapan ang kasalan na alam kong never namang mangyayari sa amin. Baka sila ni Chanelle pwede pa. Nakadalawang bote palang ako ng ladies drink pero hindi na ako okay. Medyo nahihilo na ako. Feeling ko mapungay na ang mga mata ko, bumibigat na kasi ang talukap ng mata ko na parang inaantok na. Maya maya pa ay naramdaman kong hinawakan ako ni Marco at binuhat papasok sa Guest House. "Kung hindi ka naman pala umiinom sana tumanggi ka nalang nung inalok ka." Inis na sabi nya sa akin habang ibinababa ako sa kama. "Nakakahiya kasi. Baka sabihin nilang KJ ako." "They will understand if you tell them honestly." Umayos ako ng higa at feeling ko sobra na ang antok ko. Naramdaman kong tumabi sa akin si Marco. Iisa lang naman kasi ang kama. Baka nga kwarto nya ito. "Dun na lang ako sa sofa. Baka kasi hindi ka sanay na may katabi." Tumayo ako at lumakad papunta sa sofa na malapit lang din sa kama. Pero bigla akong hinila ni Marco kaya hindi sinasadyang napasubsob ako sa dibdib nya. Mas naaamoy ko ang pabangong madalàs kong maamoy sa sasakyan at opisina nya. Niyakap nya ako ng mahigpit. Yung higpit na parang ayaw na nya akong pakawalan. Lalo akong naguguluhan sa kanya at sa nararamdaman ko. Natatakot ako na baka sa dulo ng pagpapanggap na to maiwan akong nasasaktan dahil naging totoo na lahat para sa akin. Pinilit kong kumawala sa yakap nya. Pero mas lalo nyang hinigpitan. Inangat nya ang mukha ko at unti-unting inilapat ang labi nya sa labi ko. Napakalambot. Ramdam ko rin ang malalim na paghinga nya. Sinasabi ng isip ko na wag, pero sang ayon naman ang puso ko. Nagsimula ng gumalaw ang mga labi nya na parang ninanamnam ang labi ko. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sya ang unang umangkin sa labi ko, at sana sya na din ang huli. Di na ko nagpumiglas at nagpaubaya na ng tuluyan. Tuloy-tuloy lang sya sa ginagawa nya na parang ako ang pinaka espesyal na babae para sa kanya. Nadadala na rin ako sa ginagawa nya at sumabay na din sa kanya. Ginagaya ko lang yung mga ginagawa nya. Lumalalim ang mga halik nya at dahil sa sensasyong ibinibigay nya sa akin ay hindi ko namalayan na naihiga na nya akong muli sa kama. Sa kalagitnaan ng mainit na sensasyong pinagsasaluhan namin ay bigla syang tumigil at lumayo. "F*ck! I'm sorry Trixie. I didn't mean that. Matulog ka na. Makikitulog nalang ako kay Sky." At lumabas na sya ng kwarto. Nawala ang pagkahilo sa sinabi nya. He didn't mean it? Pati pala paghalik trip lang. Kasama ba sa bayad yun ? Napapaluha ako dahil yun ang first kiss ko, pero sa kanya aksidente lang. Ang tanga ko. Bakit kasi bumigay ako. CHAPTER 17 SKY POV Nakatambay lang ako sa labas ng guest house dahil hindi pa ako makatulog kahit nakainom na ako. Biglang lumapit sa akin si Marco at tinanung ako kung pwede daw bang makitulog sa kwarto ko. "Bakit ka naman sa kwarto ko matutulog? Di ba may kwarto kayo ni Trixie?" "Nevermind." "Hanggang kelan mo gagamitin si Chanelle para mapalapit kay Trixie? De Luna, pinagpapanggap mo ang babaeng sinusubaybayan mo sa loob ng 18 years para magkabalikan kayo ni Chanelle ? Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya ang totoo?" Tanong ko sakanya. "I can't. I just can't. Di pa sya ready. Baka mabigla sya." "Mabigla ? Sa tingin mo ba hindi sya mabibigla habang pinapatagal mo lalo? Damn ! 18 years na, ilang taon pa ba ang gusto mo bago mo sabihin?" "F*ck you Del Castillo ! Wag ka ngang mangialam. Alam ko ang ginagawa ko." Mainit na ang ulo nya. "So pwede ko syang ligawan? Tutal hindi naman totoong kayo. Palabas mo lang ang lahat. Pwede ko namang totohanin yun para kay Trixie." Kinuwelyuhan ako ni Marco. "Don't you dare Del Castillo." Masyado na ngang baliw itong De Luna na to kay Trixie. Nagawa nya pang magkunwari sila na magkarelasyon para mabalik sa kanya si Chanelle. Nakakatawa. Ewan ko din naman sa Chanelle na yun at suportado ang trip nito. Ito na ata ang epekto ng traumatic experience nya noon. Napakasimple lang ng problema nya ginagawa pang komplikado. "I can't promise, Marco. Trixie is a nice girl and pretty. Pasensyahan nalang tayo kung maunahan kita." Iniwan ko na sya bago pa uminit lalo ang ulo nya. Kailangan lang minsan matauhan ng Marco na yun. Bago ako pumasok sa kwarto ko ay hinila ni Chanelle ang tenga ko. "What was that Sky?" Tanong ni Chanelle. "A taste of his own medicine, I guess?" I answered with a grin. "Hayaan mo na lang sya, can't you see unti unting nag iimprove ang lagay ni Marco simula nung nasa paligid lang nya si Trixie. Don't be selfish. Pinsan mo pa rin sya." Punong puno ng concern na sabi ni Chanelle. "How come na sumang ayon ka sa palabas ni De Luna? Ambaduy nyo. Saka bakit ba lagi mo nalang hinihila ang tenga ko?" "Because you're stubborn Del Castillo." Sabay irap nya. "Wow. So nakakamature pala ang paghila sa tenga ng iba?" Sarcastic na tanong ko sa kanya. "Whatever." "Pinoproblema mo ang lagay ni Marco, bakit masaya ba ang arranged marriage Chanelle?" Biglang nagseryoso sa sinabi ko. At nag-walk out na. Pumasok na ako sa kwarto ko at nakaramdam na rin ako ng antok at sobrang pagkadismaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD