Chapter 34-36
Marrying an Arrogant Billionaire
-CNLove❤
Chapter 34
TRIXIE's POV
Pagkagaling namin ni Marco sa OB-gyne agad naman kaming dumiretso sa department store nila.
Agad syang namili ng mga gamit ng babies.
Aaminin kong nagagalak ang puso ko sa nakikita ko sa kanya ngayon. Sobra siguro ang saya na dahil magkakaanak na sya ng hindi lang isa kundi tatlo.
Bagamat masaya ako, nakakaramdam rin ako ng ilang dahil 8 weeks palang ang pinagbubuntis ko.
"Marco ang OA mo na, 8 weeks palang ang tiyan ko pero hindi ka na kandaugaga mamili ng gagamitin ng mga babies." Natatawang sabi ko sa kanya.
"No Babe, I want the best for my children."
Ito ata ang epekto kapag first time dad. Kung sya sobrang excited ako naman kabado. Base kasi sa mga naririnig ko sa mga mommies na yung kambal nga mahirap na dalahin, ano pa kaya at triplets itong nasa sinapupunan ko.
Ni hindi na nga hiningi ni Marco ang opinyon ko sa mga gamit na bibilihin, sya lang lahat ang namili.
"Marco bakit naman puro kulay blue yang pinili mo para sa babies?" Nagtatakang tanong ko.
"Because our babies are boys." Confident na sabi nya.
"Hala ka Marco ! Pano mo naman nalaman na boys sila e di pa nga natin pwedeng malaman ang gender?"
"Just gut feeling babe."
Bilib talaga ako sa confidence niya e, kompleto na agad sa gamit tapos sigurado pa syang lalaki ang triplets namin. Napanguso naman ako sa sinabi nya.
"Why babe? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong nya.
"Boys talaga lahat? Di ba pwedeng may babae rin sa kanila?" Sabi ko na may bahid ng pagtatampo.
"You want a baby girl, babe?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"Don't worry babe we can have a baby girl after the triplets." Sabi nya sabay kindat sa akin.
"Sure babe. Basta ba ikaw na ang magbubuntis at manganganak sa susunod." Inis na sabi ko sa kanya.
"Too serious babe. Di ko naman kasalanan na first shot three points agad." Sabi nya sabay taas pa ng kamay.
After nya makuntento sa lahat ng pinamili nya finally nagdecide na rin syang umuwi na.
Inabot ng 5 boxes lahat ng pinamili nya. My goodness! Sa gamit palang malamang puno na ang buong kwarto ng magiging babies namin.
"Akala ko hindi na tayo uuwi." Biro ko sa kanya.
"What if we order kiddie books for them?"
Di ko na talaga kinakaya ang preparations nya. Akala ko satisfied na sya. May naiisip pa pala.
"Marco, chill ka lang ha.. 8 weeks palang sila, 8 weeks. Di naman sila magbabasa agad paglabas nila di ba?" Sabi ko sabay hawak sa mukha nya.
Mukhang kumalma naman sya sa sinabi ko. Nag start na kaming lumakad palabas ng department store ng biglang may naalala na naman sya.
"Babe! I forgot something." Habang nakakunot ang noo nya.
"Ano yun?"
"I'm sorry babe. I'm too focused on baby stuffs and forget about you."
"Di kita magets."
Habang hawak nya ang mga kamay ko hinila nya ako sa area para sa mga mommy stuffs.
Una syang namili ng mga maternity dresses at kung anu-ano pa para daw sa pagbubuntis ko.
Tumagal ng halos isang oras ang pamimili nya bago kami tuluyang nakauwi.
Chapter 35
Pagdating namin sa bahay ay agad akong nakatulog, napagod ako sa excitement ni Marco.
Mga 2 oras ang nakalipas ng may maramdaman akong gumigising sa akin.
"Wake up, babe." Bulong ni Marco sa akin
"A-anong oras na?"
"6pm babe. Bangon ka na kasi kakain na tayo."
"Bakit ngayon mo lang ako ginising?"
"Masarap ang tulog mo kanina babe, baka masyado kitang napagod sa pamimili kanina."
Bumaba na kami para maghapunan. May nakahaing sinigang na baboy sa lamesa, manggang hinog at kung anu-anong prutas.
Ipinagsandok ako ni Marco ng pagkain, agad kong tinikman ang sinigang na baboy na request ko kay Manang.
"Hmmmm.. ang sarap naman ng sinigang na luto mo Manang." Puri ko kay Manang.
"Naku hija, hindi naman ako nagluto nyan. Masarap ba?"
"Ah opo." Napatingin ako kay Marco at halos mapunit na ang labi sa kakangiti.
"Ikaw ang nagluto nito Marco?"
"Yes babe. You like it?"
"Seryoso?"
"Oo hija, asawa mo ang nagluto nyan. May hidden talent naman sya sa pagluluto eh." Tuwang-tuwa na sabi ni manang.
"Marunong ka palang magluto?" Baling ko kay Marco.
"Actually hindi, nanoood lang ako ng video sa youtube para matuto."
"Wow naman. Ang galing mo naman." Masayang sabi ko sa kanya.
Natatouch ako sa ginagawa nyang effort para lang maipagluto nya ako.
"Ako naman ang magluluto para sayo babe, di ba nagustuhan mo yung baon kong adobo nun?"
"No. Wag kang magpapagod. Wag ka ng magkikilos dahil baka makasama yan sa babies natin. Marami namang tutorials sa youtube, I will study it for you at para pag lumabas na ang babies natin ako magluluto para sa kanila."
***********
After naming magdinner nag-stay muna kami sa sala para magkuwentuhan.
"Babe, I am really happy right now." Sabi ni Marco
"I know babe, kita ko yun sa mga mata mo."
"I promise to be the best husband to you, and father to our babies. Hinding-hindi ko kayo papabayaan." He said and kissed my forehead.
"Pangako ko din Marco, aalagaan ko ang sarili para sa maging healthy sina baby para di ka na mag alala sa amin."
"Pwede bang magtanung babe?" Tanong ko sa kanya. Matagal na kasi akong bumibwelo para itanung sa kanya yung tungkol kay Chanelle.
"Hmmm.. about what?"
"Tungkol kay Chanelle at sa plano natin? Saka yung tungkol sa issue ng kompanya mo."
"Don't worry about the issues of the company, I can handle it, just take care of our babies.
And about Chanelle, let us not talk about her this time. Promise, I will tell you everything soon, trust me."
Hindi na ako nangulit pa dahil may tiwala naman ako sa kanya.
Chapter 36
Paggising ko ay nakita ko si Marco na may mga taong kausap. Hindi na rin nya ako pinapapasok sa trabaho dahil makakasama daw sa akin ang sobrang pagod.
"Good morning babe, this is Isaiah and Jenny, a well-known interior designer in England. Sila ang magdidesign sa magiging kwarto ng triplets natin."
Napanganga ako sa kanya. Pwede namang kami na lang ang magdesign ng kwarto ng magiging anak namin pero kumuha pa sya ng interior designer.
Hinayaan ko nalang syang makipag-usap sa mga kinuha nyang designers. Dumiretso na lang ako sa baba para mag-almusal.
"Manang, kumain ka na po ba? Sabay na po tayo."
"Naku iha, kanina pa ako nag-agahan. Ikaw nalang."
Habang kumakain ako ay abala si Manang sa pag-asikaso ng ibang gawain.
"Ngayon ko lang nakitang ganyan ka-determinado yang si Señorito Marco.
Oo masikap talaga sya noon pa kaya naman sa kanya na ipinagkatiwala ang mga negosyo nila pero iba na ngayon, mas determinado at masayahin na sya."
"Talaga po Manang ? Kilala na po talaga ninyo si Marco simula pa po pagkabata?"
"Hindi naman sa mula sa pagkabata, bale 13 years old na sya nung nagtrabaho ako sa Hacienda ng mga De Luna. Nitong mga nakaraang taon lang nya ako pinalipat dito sa pinagawa nyang bahay."
"Manang, may alam po ba kayo sa traumatic experience daw ni Marco?"
Bago sumagot si Manang ay sinigurado muna nyang wala si Marco. Mukhang maselan nga ang usapin tungkol sa traumatic experience nya.
"Di ko alam ang masyadong detalye dun iha, pero ang rinig ko ay may kumidnap daw kay Señorito Marco nung 12 years old palang sya. Isang kakompetensya ng ama nya sa negosyo, nalugi ang kompanya nun at nasiraan ng bait kaya ang pinagbalingan ng galit ay si Marco.
Isang buwan na hindi mahanap si Marco nun. Kumbaga ay naging kidnap for ransom ang nangyari. Matagal-tagal na negosasyon ang nangyari bago tuluyang nabawi si Señorito Marco.
"Ano pong nangyari dun sa kumidnap?"
"Nung natunton na nila ang hide out nun ay nanlaban daw sa mga pulis kaya napatay."
"Bakit po pala takot na takot si Marco sa panali ng package?"
"Yun kasi ang pinang-gapos sa kanya sa loob ng isang buwan hija, alam mo na pala ang tungkol sa bagay na yun."
"Nagwala po kasi sya bigla noon sa opisina nung nakakita sya nga ganung panali."
"Taon ang lumipas at halos sa ospital na nakatira si Marco dahil sa trauma na inabot nya sa pangyayari. Nung naging maayos na ang lagay nya, naging mainitin na ulo nya at ang pagkakasabi pa nga ng iba ay arogante sya. Kahit 30 years old na sya patuloy pa rin syang naggagamutan. Nakakaawang bata.
Wala masyadong nakakaalam nung nangyari sa kanya dahil itinago yun ng pamilya nya, umiwas sila sa mga intriga ng media dahil maaapektuhan ang negosyo nila."
May itatanong pa sana ako kay Manang kaso dumating na si Marco.
"Have you eaten your breakfast babe?"
"Ah oo. Nag almusal ka na?"
"Not yet babe. I am busy on choosing the design of the room."
"Masyado ka kasing excited."
Kaya pala ganun sya, mali rin ako kasi naging judgmental agad ako. Mahirap pala ang pinagdaanan ni Marco noon at hanggang ngayon pinag-dadaanan nya pa rin.