Mabilis dumaan ang mga araw, buwan at ngayon, kahit paunti-unti ay naipapayos din namin ang sira-sira naming bahay. Naipapa-check up ko rin si Nanay kada linggo at naibibili ng mga gamot na kailangan niya. Si Rozen nagpaalam sa akin nitong nakaraang linggo na babalik muna siya sa Maynila para asikasuhin ang trabahong naiwan doon. Kahit medyo nalulungkot ako sa pag-alis niya, sino ba naman ako para pigilan siya? Hindi pa naman kami official na magkasintahan. Hanggang ngayon masugid ko pa rin siyang manliligaw kahit ilang beses na niya akong naangkin. Pero sa totoo lang, kung hindi sana siya umalis, ngayon ko sana planong sagutin siya. “Ba't nakasimangot ang Thisa na ‘yan? Miss muna ba ang fafables mo?” si Linux, naging kaibigan kong bakla dito sa palengke. Kakalipat lang nila rito no'n

