Pagkatapos ng mainit na eksena namin sa banyo, halos hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Nag-iinit pa rin ang pisngi ko, at halos bumigay na ang tuhod ko sa nangyari. Pero heto si Rozen, parang walang kapaguran, naka-akbay sa akin habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang tuwalya. “Baby,” bulong niya, nakangiti pa. “You still need to finish your bath. Ako na ang maliligo sa’yo.” “Ha? Huwag na, Rozen…” nahihiya kong tanggi, pero bago pa ako makapalag, inakay na niya paupo sa kandungan niya. Maingat ang bawat kilos niya, ibang-iba sa kung paano niya ako inangkin kanina. Pinaupo niya ako sa bangkito, saka kinuha ang tabo at dahan-dahang binuhusan ng malamig na tubig ang balikat ko. Ramdam ko ang lamig ng tubig, pero mas mainit ang tingin niya sa akin. “Relax, baby. Let me take care

