Kabanata 1

1120 Words
Pasado alas syete ng gabi, pero nandito pa rin ako sa palengke. May mga nagsara na ng pwesto, at umuwi na rin. Pero sa kagaya ko na gustong makabenta ng marami, ako na yata ang huling magsasara. Hindi naman delikado rito dahil may mga CCTV at rumurondang mga tanod sa paligid. Takot lang nila sa chairman. Halos wala na ring tao. Tapos na ang bentahan, at eto ako, nag-aayos na rin ng mga hindi nabenta. Iniisa-isa ko ang mga natirang isda, tinatanggal ang mga malalambot na para i-uwi at i-ulam. Sayang naman kung itatapon ko lang. Bukas, baka pwede pa ‘yung iba kung maayos ang storage. Sa gilid, may basket akong puno ng yelo, plastic containers, at mga gamit ko para sa bentahan. Mabigat. As in, sobra. Pero wala akong choice. Kailangan kong iuwi lahat sa bahay. Wala naman akong assistant. Saka nakakabahala rin kung iiwan ko rito. Baka may magnakaw. Hinanda ko na ang sarili ko. Huminga nang malalim, saka binuhat ang basket. At napamura sa bigat. Halos mamilipit ang balikat ko sa sakit. Pero bago pa man ako tuluyang maka-angat, naramdaman ko na lang na nawala sa kamay ko ‘yung basket. Akala ko magnanakaw, pero nang makita ko kung sino, nakahinga ako ng maluwag. Pinakaba ako ng lalaking 'to. Akala ko magiging bato na ang ulam namin, bwisit! “Hoy! Anong problema mo?" singhal ko sa kanya. "Akin na 'yan!" Ang makulit na Rozen lang naman ang umagaw sa akin ng basket ko. Nakita siguro niyang nahihirapan ako. Nakasuot siya ng simpleng gray na hoodie, nakataas ang sleeves, pawisan ang leeg, at may itim na backpack sa likod. Pero ‘yung ngiti niya? Gano’n pa rin, nakakainis. Saan ba 'to pupunta? Tutulak sa dagat? “Bigat nito, ah,” aniya, na parang wala lang sa kanya ang bigat no'n. "Ako na ang magdadala. You look tired and... helpless. Wala ka bang kasama? Kapatid? Any relatives?" Natahimik ako sandali. "Nanay ko lang ang meron ako," tugon ko. Hindi siya umimik at tumitig lang sa akin na para bang mabusisi niya akong pinag-aaralan. "Eh 'di ako na lang," biglang sabi niya dahilan para matigilan ako. "I'll be more than willing to be your assistant kahit alilain mo pa ako," natatawang dagdag niya. "Baliw. Hindi ko kailangan ng assistant. Kaya kong mag-isa. Akin na 'yan. Uuwi na ako." "Ayaw. Bakit ba ayaw mong tulungan kita? Ayaw mo ba sa pogi at maskuladong tulad ko? You can depend on me. I won't ask anything in return." Napangiwi ako na siyang ikinasimangot niya. "Hindi ko kailangan. Bingi ka ba?" "Sama mo. Nagmamagandang loob na nga 'yong tao, hmp!" Kulit nito! Nakakakonsensya tuloy. Huminga ako ng malalim. “Bago ka pa lang dito at kakakilala mo lang sa akin. So, what do you expect? Lumambitin ako sa'yo? Saka ano bang ginagawa mo rito?” tanong ko at humakbang palapit sa kanya para agawin ang basket. Pero umatras siya, sabay taas ng basket sa ulo niya na parang nang-aasar. Pinanliitan ko siya ng mata. Mukhang hindi mapapadali ang pag-uwi ko nito. "Hm, who told you na kakakilala ko lang sa'yo? Saka sinadya kong pumunta rito para icheck ka. Mabuti na lang pala at pumunta ako." Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. Kilala ba niya ako? Pero saan? "Ewan ko sa'yo. Akin na 'yan. Uuwi na ako! Hinihintay pa ako ng nanay ko." “Let me carry this, Thisa. I know you're tired kaya hayaan muna ako. Ihahatid na kita pauwi sa inyo." “Hindi mo na kailangang gawin ‘yon,” iritado kong sagot. "Kaya kong umuwi mag-isa." “Eh bakit hirap na hirap ka kanina na buhatin 'to?" pang-aasar niya. Umirap ako at hindi na siya pinilit pa. Pagod na ako para makipagtalo pa. "Bahala ka nga!" "Yon, pumayag din!" Napabuntong hininga na lamang ako. Lalo lang kasi siyang natutuwa kapag napipikon ako. Kaya imbes na agawin pa, nauna na lang akong maglakad paalis ng palengke. Sumunod siya sa likod ko na parang bodyguard na may bitbit na basket. Tahimik kami sa una. Saka wala na rin akong gana makipag-usap. Pagod na pagod ako sa trabaho. Pakiramdam ko hindi ako aabot sa bahay. “Are you sure this is the way to your home?” tanong niya matapos ang ilang minuto pananahimik. Natatakot siguro siya dahil sa maliit na eskinita tapos madilim pa. “Hindi. Gusto ko lang umikot-ikot." Sarkastikong sabi ko. Tumawa siya. “Sungit mo talaga.” “Natural. Hindi naman kita kilala saka dito ang daan pauwi. Kung hindi mo na kaya, akin na 'yan at umuwi ka na—" “Rozen. Sinabi ko na kanina 'di ba?" “Pangalan, oo, pero pagkatao mo hindi, malay ko bang stalker ka pala." "Paano kung sabihin kong stalker mo 'ko? Matatakot ka ba sa akin?" Nilingon ko siya. "Sa mukha mong 'yan? Imposible." Napangisi siya. "Dahil ba pogi ako?" Mahina akong umiling. "May stalker naman na pangit." "Hoy!" Humagalpak siya ng tawa. "Sa mukha kong 'to? Pangit sa'yo?" "May sinabi ba ako?" pamimilospo ko sa kanya at humarap sa nilalakaran. "So, pangit ka?" "Hindi. Pogi ako. Sigurado ako dyan." "Yabang," bulong ko. "Pero pangit talaga ako sa paningin mo?" Hindi ko na sinagot. Mas lalo lang siyang nasisiyahan kapag pinapatulan ko. Ilang minuto pa, narating na namin ang bahay. Maliit lang, gawa sa kahoy at yero. Medyo masikip, pero importante may masisilungan. “Dito na ‘ko,” sabi ko, sabay harap sa kanya. “Iabot mo na ‘yan.” Napansin kong nakatingin siya sa bahay, at saka ibinalik sa akin. “Are you sure you're okay?” tanong niya. “Ihatid ko na—" “Hindi,” putol ko. “Salamat sa pagbitbit. Pero hanggang dito ka lang." Napakamot siya ng batok. “Hindi mo man lang ako i-invite sa loob? Tubig?" “Tubig?” tanong ko, sabay taas ng kilay. “Sa Maynila, ganun ba kadali makapasok sa bahay ng babae? Tubig lang ang puhunan?” Napangisi siya. “Sige na nga. Sungit mo." Akala siguro niya hindi ko mapapansin, sa pa-english at suotan pa lang. “Mabuti." Iniabot niya ang basket at kinuha ko naman agad. Hindi ko gusto ‘to. Ayoko ng ganito. ‘Yung pakiramdam na may taong pumipilit pumasok sa buhay ko kahit hindi ko naman hinihingi. Natuto na ako sa una. Hindi ko makalimutan 'yong nangyari sa akin noon. Naglakad siya paatras, pero bago tuluyang tumalikod, ngumiti ulit siya. “Bukas ulit, Thisa.” “Wala nang bukas.” “But I'm hoping and do the same thing like this.” Hindi na ako umimik. Basta pinanood ko siyang lumayo habang kumakaway. "Good night, Thisa!" pahabol pa niya pero tumalikod na ako. Ano bang meron sa lalaking 'yon? Napaka-misteryoso!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD