Pumara agad ng taxi si Linux, halos hilahin ako papasakay. “Bilisan mo, girl! Sundan mo ‘yong itim na sasakyan!” sigaw niya sa driver. Sumunod naman agad ang driver pagkasakay namin doon, at ilang minuto lang ay nasa harap na kami ng isang napakalaking gusali sa mismong sentro ng Maynila. Nalula kaming tatlo habang nakatingala, mataas na mataas, puro salamin ang pader, parang abot hanggang langit. “Diyos ko…” bulong ni Linux, napanganga pa. “Girl, ito ba ‘yong kumpanya ng pamilya niya? Parang mall sa laki!” "Sabi ko naman sa inyo 'di ba? Hindi pangkaraniwang tao ang hinahanap niyo. O siya, hanggang dito na muna ako ha? Ipapaayos ko pa kasi sasakyan ko." "Sige, Dan. Maraming salamat," si Linux. "Ingayt kayo!" Hindi ko na siya nagawang pansinin. Nakatingala lang ako sa gusali. "Girl

