Thisa’s POV Nakaramdam ako ng uhaw kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, at unang tumambad sa akin ang mukha ni Rozen. Nasa gilid siya ng kama, nakatihaya, mahimbing ang tulog. Nakalapat pa ang isang kamay niya sa gilid ko, para bang kahit tulog, gusto pa rin niyang maramdaman na nandoon ako. Napansin ko rin kung gaano siya ka-relaxed ngayon, unlike kapag gising, pilyo. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa itsura niya. Napaka-gandang nilalang talaga. Iyong tipong hindi ka magsasawa pagmasdan. Pero bago pa ako tuluyang matunaw sa itsura niya, napatingin ako sa may pinto. Nandoon si Nanay, nakasandal sa frame, nakangiti, iyong ngiting may ibig sabihin. Pakiramdam ko kanina pa siya nakatingin sa amin. Nahiya tuloy ako. Kagat-labi lang akong ngumiti pabalik, at dahan-dahang uman

