Kinabukasan, maaga akong nagising para maglinis ng RV para kapag nagising siya, maaliwalas ang paligid. Walang kalat. Naghugas ako ng pinggan at nagwalis na rin sa labas. Aminado akong nahimatay ako kagabi sa walang tigil na pag-angkin niya sa akin, at ngayon paika-ika ako, pero kumilos pa rin. Hindi ako sanay na walang ginagawa. Nagluto muna ako ng pang-almusal niya bago umalis at nag-iwan ng note dahil nag-aalala ako kay Nanay. Ang importante naman sa akin ay maayos na ang pakiramdam niya. Ngunit habang pauwi ako, di pa sumisikat ang araw, panay ang ubo at singhot ko. Akala ko hindi na babalik ang lagnat ko, pero mali ako. Mukhang hindi ako makakapasok sa palengke dahil sa bigat ng pakiramdam ko, kaya matapos kong asikasuhin si Nanay, nagpahinga ako. Hindi naman siya nagtanong tungko

