WRITE TO BE LOVE ( Chapter 15 )

1176 Words
Ministro Jong POV Walang ibang dapat na makaalam ng nangyari sa pagkamatay ni Ginoong Moo. Kapag nangyari iyon siguradong mapapatalsik ako sa palasyo at ayokong mangyari iyon! Matagal akong nag silbi sa palasyo kaya, hindi ko hahayaan na mawala na lang ang mga pinaghirapan ko sa loob ng maraming taon. "ama, narito na po ang inyong tsaa." "pumasok ka." pumasok si Eun sa aking silid at inilapag ang tsaa sa lamesitang nasa tabi ko. Humigop ako ng tsaa. "kailangan na nating magmadali upang ikaw ang maging reyna ng hari." "ngunit, paano natin gagawin iyon kung ipinagbabawal ng hari na pumasok ang taga labas sa loob ng palasyo?" "magkakaroon ng isang piging sa loob ng palasyo para sa kaayusan ng palasyo sa susunod na lingo. At pinahintulutan ng hari na isama ng mga nagtatrabaho sa loob ng palasyo ang kanilang mga pamilya. Gawin mo iyong isang pagkakataon upang mapalapit sa mahal na hari." sabi ko sa aking anak. "gagawin ko kung anuman ang inyong ipag utos, Ama." "mabuti kung ganun." uminom ako ng tsaa. Shine/Shin-Weol POV Naglalakad ako palabas ng palasyo nang makita ko si Hyun-ri na palabas ng palasyo. Napakunot noo ako. Bakit hindi niya yata kasama ang kamahalan? Sinundan ko siya. Saan kaya siya pupunta? Nakita ko siya na sumakay ng kabayo. "mangangabayo siya?" takang tanong ko. Pinatakbo niya ang kabayo palayo. Naku! Dapat ko siyang masundan! Malakas ang kutob ko na magsisiyasat siya tungkol kay Shin Weol. Nakita ko na may isa pang kabayo ang nakatali kaya naman nilapitan ko ito. Hindi ako maalam mangabayo pero, susubukan ko. Marami na akong nabasa kung paano mangabayo kaya gagamitin ko na lang iyon. Isa akong novel writer kaya alam ko kung paano ko papaamuhin ang kabayo. Lumapit ako sa puting kabayo at hinimas ito sa ulo. "good girl ka naman hindi ba? Sasakay lang ako sayo ha? Wag mo akong ihuhulog. " nakangiting pagkausap ko sa kabayo. Ungol lang naman ang sinagot niya sakin. Sumakay na ako ng kabayo at pinatakbo iyon. "yah!" Nagulat ako sa ginawa ko. Ngayon lang ako sumakay ng kabayo kaya nakakatuwa dahil napaamo ko ito. Sinundan ko si Hyun-ri kung saan siya papunta. Nakita ko siya na huminto sa isang abandonadong bahay. Anong gagawin niya sa bahay na iyon? Saka sino ang pakay niya dun? Bumaba ako ng kabayo at itinali ito sa isang puno. "hintayin mo lang ako dito, ha?" Pumasok ako sa loob kung saan pumasok si Hyun-ri. Ang creppy naman sa bahay na 'to. Ano kayang pakay niya dito? Napakaraming gamit ang nakatambak at karamihan ay puro sapot na. Lumapit ako sa isang puro alikabok na mesa na maraming nakapatong na libro. Mukhang mahilig magbasa ang may ari ng bahay ng mga aklat. Binuklat ko ang ilan sa mga aklat. Iba ang mga nakasulat na lengwahe. Hangeul ang pagkakasulat ng laman ng libro. Bilang isang writer kahit naman papaano naiintindihan ko ng kaunti ang hangeul dahil pinag aralan ko rin ito. Inumpisahan kong basahin ang nakasulat. ' Isang binibini ang darating sa bayan na ito at mapapalapit sa mahal na hari. Ang binibini rin na iyon ang magdadala ng tagapagmana ng hari. ' "ako ba ang tinutukoy ng nasa libro na ito?" tanong ko sa hawak ko na libro. Hays! Ano ba 'tong naiisip ko. Hindi ako ang tinutukoy sa libro dahil kathang isip lamang ito ng sumulat. Binuklat ko ulit ang isang pahina ng libro at mula roon ay may nahulog na isang puting papel. Kinuha ko ito at pinagmasdan. "hmm? Ano kaya ito?" bubuksan ko na sana ang papel ng may marinig akong kaluskos mula sa labas. Oo nga pala! Nandito rin si Hyun-ri. Itinago ko ang papel sa suot kong kulay rosas na hanbok at lumabas ng silid. Tinignan ko kung naroon pa si Hyun-ri. Nasaan na kaya siya? Lalabas na sana ako ng bahay ngunit biglang may humarang sa daraanan ko at may nakatutok sa akin na espada. "anong ginagawa mo sa bahay ni Ginoong Moo?" tanong sakin ng lalaking kaharap ko. Napakunot noo ako. Ginoong Moo? Ibig niyang sabihin bahay ito ng ginoong pinaslang? "sumagot ka! Sino ka at bakit ka narito?!" sigaw niya sakin. Natatakot na ako ngunit, hindi ako nagpahalata. Kailangan kong makagawa ng paraan upang makaalis sa lugar na ito. "kung hindi ka magsasalita mabuting paslangin na kita!" sabi niya sakin. Hahampasin na sana niya ako ng espadang hawak niya ng may makita akong mahabang kahoy sa tabi ko. Kinuha ko iyon at isinalag sa espada. Ibinigay ko ang buong lakas ko upang maitulak siya at nagtagumpay naman ako. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon pero, masaya ako dahil buhay pa ako. Susugurin niya sana ulit ako ngunit, nagulat ako sa ginawa ko sa kanya. Hinampas ko siya ng kahoy na hawak ko na para bang isang mandirigma na agad niyang ikinatumba. Ako ba talaga ang gumawa niyon? Hindi ako makapaniwala. "napakahusay mong gumamit ng sandatang gawa sa kahoy na para bang isa kang mandirigma." Napalingon ako sa nagsalita. Nakatayo si Hyun-ri sa likuran ko at nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya. "nakita mo rin ba yun? Hindi ko alam kung paano ko nagawa yun. Pakiramdam ko ng mga oras na yun ay isa akong mandirigma." sabi ko sa kanya. "ngunit, bakit narito ka? Hindi ba dapat ay nasa palasyo ka at kasama ang kamahalan?" tanong niya sakin "ha? ah... kasi..." ano bang dapat kong idahilan? "sinundan mo ba ako rito upang may makalap na impormasyon?" tanong niya sakin. "p-parang ganun na nga." napakahusay niyang bumasa ng isip. "kakaiba ka talagang babae." naiiling na sabi niya. "totoo ba na kay, Ginoong Moo ang bahay na ito?" tanong ko sa kanya. "hindi tayo dapat na mag usap rito. Baka may mga tulisan pa sa paligid." hinawakan niya ang kamay ko. "bumalik na tayo ng palasyo." sabi niya. Lumabas na kami ng tahanan ni Ginoong Moo. "sandali lang." huminto siya sa pagtakbo ng may maalala. "bakit?" tanong ko. "kung sinundan mo ako rito. Anong ginamit mo upang makarating sa lugar na ito?" nagtatakang tanong niya. Napangiti ako at naalala bigla ang kabayong iniwan ko sa ilalim ng puno. "nangabayo ako." sabi ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko. "gumamit ka ng kabayo?! Kailan mo natutunan ang sumakay ng kabayo?" namamangha na tanong niya. "sa palasyo na lamang natin iyan pag usapan." nakangiti kong sabi at umuna ng maglakad. Binalikan ko ang kabayong ginamit ko na naghihintay pa rin kung saan ko siya iniwan. "mabuti naman at hindi mo ako iniwan." nakangiti kong sabi sa puting kabayo habang hinihimas ang pisngi nito. Napakabuti mong alaga." sabi ko. "ang puting kabayo na iyan ba ang iyong ginamit?" tanong sakin ni Hyun-ri. Tumango ako sa kanya. "Oo at napakabait niya." nakangiting sabi ko. "alam mo ba na matagal ng hindi ginagamit ang kabayo na iyan dahil, walang makapag paamo sa kanya? Lahat ng nagtangkang sumakay diyan ay napapahamak at namamatay." "pero, buhay pa naman ako." nakangiti kong sabi. "hindi ako makapaniwala na napaamo mo siya." naiiling na sabi niya. "tayo na?" sumakay na ako sa kabayo at ganun din siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD