WRITE TO BE LOVE ( CHAPTER 14 )

1144 Words
Shin-Weol POV Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng inang reyna kaya sinakyan ko na lang. Mabait ang ina ng hari. Hindi siya katulad ng mga napapanood ko sa k-drama na isang masungit na inang reyna. Kagaya ng sinabi ng hari, ako ay kanyang taga silbi kahit na hindi ko alam kung bakit sinabi niya ang bagay na iyon sa harap ng inang reyna. Pinag panggap pa niya akong si Shin-Weol. Hayss! Nasa tabi lang ako ng hari habang naglalakad sila ng inang reyna sa paligid ng palasyo. Sa totoo lang mas gusto ko pang nagsusulat kesa nagbabantay ng ganito. Nakakainip masyado. Wala akong ginawa kundi ang tumingin sa kanila ng inang reyna. "Shin-Weol?" tawag sakin ng inang reyna. "ano po iyon, kamahalan?" lumapit ako sa kanya. "sabihin mo sa akin kapag pinahirapan ka ng aking anak. Kapag nangyari yun, mananagot talaga siya sa akin. Kahit na siya pa ang hari!" sabi ng inang reyna habang natatawa. "huwag kayong mabahala, ina. Hindi ko gagawin iyon sa tagasilbi ko." nakangiting sabi ng hari. "mabuti naman kung ganon." naglakad na muli kami. Napangiti na lang ako. Naalala ko bigla si mama. Kung buhay pa siguro siya, siguradong katulad rin namin sila. "siya nga pala, ina. Kailan kayo babalik sa inyong tahanan?" maya-maya ay tanong ng kamahalan. "bu... oh! si Ministro Jong ba iyon?" tanong ng inang reyna ng makitang papalapit sa amin si Ministro Jong at may kasama siyang isang binibini. "sino ang kasama niyang binibini?" sabi ng inang reyna. "mahal na reyna, narito pala kayo sa palasyo. Masaya akong makita ka kamahalan." nakangiting sabi ni Ministro Jong pagkalapit sa amin. "kamusta na, Ministro Jong? Sino ang binibining kasama mo?" tanong ng inang reyna. Tumingin muna sa amin ni Hae Seon, si Ministro Jong bago nagsalita. "siya ang aking anak na si Eun, kamahalan." lumapit ang binibini sa inang reyna at yumuko. "kamusta po kayo, mahal na reyna? Ako po si Eun." pakilala niya. Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin. Hindi ko alam kung inirapan ba niya ako o ano. Hindi ko na lang pinansin. Lumapit siya kay, Hae Seon. "masaya akong makita ka, kamahalan." sabi niya. "bakit narito ang iyong anak, Ministro Jong?" tanong ni Hae Seon. "paumanhin kamahalan kung isinama ko siya dito." nakayukong sabi ni Ministro Jong. "hindi ko pinahihintulutan ang kahit na sino, na magsama sa loob ng palasyo ng isang taga labas. " sabi ni Hae Seon. "Shin Weol?"tawag sakin ni Hae Seon. "kamahalan?" "ihatid mo ang binibini sa pintuan ng palasyo." sabi niya. "ngunit, kamahalan?!" protesta ni Ministro Jong. "ihatid mo na siya." hindi siya pinansin ni Hae Seon. "tayo na binibini." hinawakan ko siya sa braso para alalayan pero, bigla na lang niyang tinabig ang kamay ko. Muntikan na akong mawalan ng balanse ngunit naalalayan agad ako ni Hae Seon. "ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong niya sakin. "ayos lang po ako, kamahalan." nakayuko kong sabi. "Ministro Jong, mukhang hindi niyo yata naturuan ng kagandahang asal ang inyong anak? Kaya ba narito kayo sa palasyo kasama siya ay upang ituro sa kanya ang kagandahang asal?" "patawarin niyo po ang aking anak, kamahalan! Mauuna na po kami." paalam ni Ministro Jong. Yumuko ako sa harapan ng inang reyna. "ipagpaumanhin niyo po ang nangyari mahal na reyna." sabi ko. "hindi ka dapat humingi ng paumahin sa akin. Hindi ikaw ang may kasalanan. Magpapahinga na ako sa aking silid." paalam ng inang reyna. Hinatid siya ng mga tagasilbi sa kanyang silid. Malapit ng lumubog ang araw kaya naman naglakad-lakad pa kami ng mahal na hari. "manood tayo ng paglubog ng araw." aya ko sa kamahalan. Pumayag naman siya sa sinabi ko. "hindi ko inasahan na kilala pala ng aking ina ang mensaherang kawal." basag niya sa pagitan ng aming katahimikan. Tumingin ako sa kanya na nakatingin sa papalubog na araw. "ngunit, bakit pinakilala mo ako bilang, Shin Weol sa inang reyna?" tanong ko. "walang ibang dapat na makaalam kung sino ka talaga at galing ka sa ibang lugar. Mapapahamak ka at ayokong mangyari yun." sabi niya sakin. Napakurap-kurap ako. Nag aalala ba sakin ang kamahalan? Teka, bakit parang kinilig ako sa sinabi niya? Iniwas ko ang tingin sa kanya at yumuko. "M-mapapahamak din naman ako dahil inaakala ng marami na ako ang mensaherang kawal na pumatay sa isang ginoo." sabi ko. "sisiguraduhin ko na hindi ka mapapahamak." sabi niya sakin. "bilang isang tagasilbi, ano ang mga bagay na ipapagawa mo sakin? Wala akong alam sa mga bagay bagay dito sa palasyo. Ang tanging alam ko lang na gawin ay magsulat ng mga nobela. Kaya, gusto kong malaman kung ano ang aking gagawin bilang tagasilbi mo." sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. "manatili ka lang sa tabi ko." sabi niya. "a-ano?" nagulat ako sa sinabi niya. Manatili ako sa tabi niya? Hays! Bakit kasi nagtanong pa ako. "iyon ang bagay na gusto kong gawin mo." Sumang ayon na lang ako sa sinabi niya. Bakit ba kampanteng kampante ako sa kanya? Kapag nandiyan siya sobrang palagay ang loob ko. Eun POV "inaakala ba niya na ganun na lang niya ako mapapaalis ng palasyo? Huh! Nagkakamali siya! " inis na sabi ko habang inaalala ang nangyari kanina. Nakalabas na kami ng palasyo ni ama. Hinatid niya lang ako at bumalik ng muli sa loob ng palasyo. Bakit ba may ganun pang patakaran ang mahal na hari? Nakakainis! "hindi basta naaakit ang kamahalan sa ganda lamang." nilingon ko ang nag salita. Nakatayo si Jang Guk malapit sakin at nakatingin sa maliwanag pang kalangitan. "ikaw?! Kailan ka dumating?" tanong ko kay, Jang Guk. Kababata ko siya at kaibigan na rin. Hindi ganun kalalim ang pagkakaibigan namin dahil, pinadala siya noon sa hiling bayan ng Gyeonggi. "kung gusto mong mapalapit sa hari kailangan mong mapalitan sa pwesto ang taga silbi na iyon." sabi niya sakin. Sinasabi ba niyang dapat akong maging alipin at palitan ang babaeng iyon? "gusto mong palitan ko ang alipin na yun para mapalapit sa hari? Nahihibang ka na ba?" natatawa kong sabi sa kanya. "akala ko ay matalino ang anak ni Ministro Jong. Mukhang nagkamali yata ako ng akala." natatawang sabi niya. "wala akong panahon makipag diskusyon sa iyo kaya, maiwan na kita." paalam ko sa kanya. "hindi lang siya basta tagasilbi ng hari." napalingon ako sa kanya. "ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko. "hindi ko alam kung bakit siya kinuhang tagasilbi ng hari gayong isa siyang panauhin ng palasyo." "kung gayon, lubos siyang pinagkakatiwalaan ng hari." "kung gusto mong mapansin ka ng kamahalan, gamitin mo ang kanyang tagasilbi upang mapalapit ka sa kanya." "hindi mo ako kailangang turuan sa dapat kong gawin. May sarili akong kilos. Kung wala ka ng sasabihin maiwan na kita." umalis na ako at iniwan siyang nakatayo. Kaya pala ganun na lang siya kalapit sa hari. Gagawa ako ng paraan upang mawala ka sa landas ng kamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD