Ministro Jong
Gusto ng hari na maging reyna ang mensaherang kawal na iyon? Nahihibang na ba siya?!
Kailangan kong makagawa ng paraan upang mapaalis ng palasyo ang babaeng iyon. Hindi ako papayag na siya ang maging reyna ng hari!
"ama, maari ba akong pumasok?" napalingon ako sa pinto ng silid na kinaroroonan ko.
"tumuloy ka." bumukas ang pinto at pumasok siya.
"iginawa ko kayo ng tsaa, ama." sabi ng anak ko habang inilalapag ang dalang inumin.
Siya ang aking panganay na anak na si Eun. Maganda siya katulad ng kanyang ina. Isa rin siyang matalinong binibini at magaling sa paghawak ng pana. Bata pa lang ay hinasa ko na siya sa paggamit ng pana.
"ito po ang inumin niyo, ama." iniabot niya sa akin ang tasa na nilagyan niya ng tsaa.
Uminom ako ng tsaa.
"hindi ba't nais mong makapasok sa loob ng palasyo?" sabi ko sa kanya na mukha namang ikinagulat niya.
"opo, ama!" natutuwa niyang sabi. "Ngunit, bakit niyo ako tinatanong?" pagtataka niya.
"oras na makapasok ka sa palasyo, gusto ko lahat ng sasabihin ko ay susundin mo. Para rin iyon sa kapakanan mo, anak."
"kung anuman po iyon ay nakahanda ako, ama." matatag na sabi niya sakin.
"wala pang nagiging reyna ang hari at gusto kong paibigin mo ang hari upang ikaw ang kanyang maging reyna. Gawin mo ang lahat upang mapaibig mo siya at gagawin ko ang dapat kong gawin upang ikaw ang kanyang maging reyna."
Tumatango siyang sumagot sa akin.
"opo ama. Gagawin ko ang nais ninyo."
Sisiguraduhin ko na ang anak ko ang magiging reyna ng palasyo. At oras na mangyari yun, ang angkan na namin ang magiging makapangyarihan sa bayang ito!
"Ngunit, kailan ako makakapasok ng palasyo ama?" tanong ni Eun.
"sa lalong madaling panahon." uminom ako ng tsaa.
Hae-seon POV
"hindi maari! Minsan na siyang napaslang at ayoko na muling maulit iyon! " sabi ko kay Hyun-ri ng sabihin niya sakin ang sinabi ng babaylan.
Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Mga tanong na hindi masagot.
Sinong Ginoo ang tinutukoy ng babaylan?
Bakit kilala ni Ministro Jong ang mensaherang kawal?
"dalhin mo sa akin ngayon si Shine. Gusto ko siyang makausap." utos ko kay Hyun-ri.
Lumabas si Hyun-ri ng silid.
Gagawa ako ng paraan upang maprotektahan siya.
"kamahalan, narito po ang Inang Reyna!" sabi ng kawal mula sa labas.
Nagulat ako sa narinig ko. Anong ginagawa ng Inang Reyna dito sa palasyo?
Hinintay ko na makapasok ang Inang Reyna.
"magandang araw, kamahalan." bati niya sakin.
"bakit kayo naparito aking ina?" tanong ko sa kanya.
Hindi sa palasyo nakatira ang Inang Reyna dahil mas pinili nito na tumira sa labas ng Gyeonggi at malayo sa lahat.
"Naparito ako upang bisitahin ka. Kamusta ka na?" tanong niya sakin.
"mabuti ang aking kalagayan. Masaya ako na makita ka ina." nakangiti kong sabi.
"nalulungkot ako sa labas ng palasyo dahil, hindi kita kasama. Kailan ka ba hahanap ng iyong magiging reyna para magdala ng iyong tagapagmana?" tanong sakin ni ina.
"ina, may mga bagay pa akong dapat na unahin. Madali akong makakahanap kung sinoman ang gusto kong maging reyna ko at magiging ina ng anak ko. "
"sana ay mahanap mo na siya kaagad, kamahalan."
"tiyak na makikilala mo rin siya, ina." nakangiti kong sabi.
"kamahalan! Narito na po ang binibini!" mula sa labas ay sabi ni Hyun-ri.
Tumingin sakin ang inang reyna.
"binibini?" takang tanong niya.
Napangiti na lamang ako.
"papasukin mo siya." sabi ko.
Bumukas ang pinto at pumasok si Shine. Nakayuko siyang lumapit sa amin ng inang reyna.
"siya ang aking ina. Si Reyna Min." pakilala ko sa kanya kay, ina.
"ikinagagalak ko po kayong makilala, inang reyna." nakayuko niyang sabi kay ina.
Nagulat ako ng abutin niya ang kamay ni ina at inilagay niya ito sa kanyang noo.
Anong ginagawa niya?
Ngumiti siya samin.
"alam ko pong hindi niyo naintindihan ang aking ginawa ngunit, isa po itong pag galang sa mga nakatatanda sa amin." sabi niya.
"ganun ba?" nakangiting sabi ni ina. "mukhang isa kang napakatalinong binibini. Ano ang iyong pangalan?" tanong ni ina.
Magsasalita na sana siya ngunit, inunahan ko.
"siya si Shin Weol, ina."
Napatingin sa akin si Shine. Tinignan ko naman siya na nagsasabing huwag ipaalam ang totoo kay, ina at naintindihan naman niya. Hindi maaring malaman ni ina na galing siya sa isang lugar na walang sinomang nakakaalam kung saan iyon.
"Shin Weol? Parang narinig ko na ang pangalan na iyan." sabi ni ina.
"Si Shin Weol ay isang mensahera at narito siya sa palasyo upang maging tagapagsilbi ko." sabi ko kay, ina.
"natatandaan ko na! Ikaw ang mensahera na tumulong sa akin noon! Hindi kita kaagad nakilala dahil, iba ang iyong kasuotan ngayon." masayang sabi ni ina.
Nagkita na sila ng mensaherang kawal?
Naguguluhan man ngunit nakangiti lang si Shine.
"napakabuti mo dahil, hindi mo ako pinabayaan. Hinatid mo ako hanggang sa makarating ako sa aking tahanan." sabi ni ina.
"ina, hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi." naguguluhan ako sa sinasabi ni ina.
"namili ako noon sa bayan dahil naiinip ako sa aking tahanan. Pabalik na kami noon ng may biglang humarang sa amin na mga tulisan at kinuha ang mga dala namin. Mabuti na lamang at dumating ang isang kawal at niligtas ako sa kamay ng mga tulisan. Takot na takot ako ng araw na iyon dahil akala ko ay mamamatay na ako. Nagulat ako ng makita ko ang nagligtas sa akin na walang iba kundi isang binibini pala. Humanga ako sa angkin niyang galing sa pakikipaglaban. Sa kanya ko rin nalaman na isa pala siyang mensaherang kawal." kwento niya at tumingin siya kay, Shine.
Naintindihan ko na ngayon.
"ipinahanap kita nung umalis ka ng hindi man lang nagpaalam. Ngunit, nabalitaan ko na lang na pinaslang ka daw ng mga tulisan. Natutuwa ako dahil nagkita tayong muli at masaya ako na ikaw ang tagasilbi ng aking mahal na anak." nakangiting sabi ni ina.
"M-masaya rin po akong makita kayong m-muli, inang reyna." nauutal na sabi niya kay, ina.
Hindi na ako magugulat dahil mahusay talagang makipaglaban ang mensaherang kawal.
"kung iniligtas ka ni Shin-weol, anong nangyari sa mga tulisan?" tanong ko.
"napaslang silang lahat. Hindi ko alam kung paano niya nagawang kalabanin ang sampung tulisan na iyon. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa kagalingan niya sa pakikipaglaban at pag gamit ng espada. Maging ng pana." namamanghang sabi ni ina.
Napatingin ako kay, Shine. Posible kayang magaling din siyang makipaglaban at humawak ng espada? Paano kung kaluluwa lang nila ang nagkapalit at hindi kasama ang kakayahan?