Write To Be Love (Chapter 17)

1011 Words
Hae Son POV "Nakita mo na ba si Shine?" tanong ko kay, Hyun-ri na nakatayo sa tabi ko. "hindi ko pa siya nakikita, kamahalan." "Puntahan mo siya sa kanyang silid. Marahil ay hindi pa sila tapos ayusan ang binihini." utos ko sa kanya. "masusunod kamahalan." umalis na siya pagkasabi niyon. Shine/Shin Weol POV Papunta na ako sa silid ko ng mapansin ko na maraming taga silbi ang nakatayo sa tapat ng aking silid. "anong ginagawa nila rito?" tanong ko sa sarili ko. Dumiretso lang ako ng paglalakad. "mabuti at narito ka na, binibini." nakangiting sabi sakin ni Binibining He. "Binibining He?" nagulat ako na makita siya rito sa labas ng silid ko. "a-anong ginagawa mo rito? " takang tanong ko sa kanya. "pinapunta ako rito ng kamahalan upang tulungan ka." sabi niya. Napakunot noo ako. "tulungan saan?" nagtataka talaga ako. Ngumiti sa akin si Binibining He at siya na rin ang nagbukas ng pinto ng aking silid. "pumasok na tayo, Binibini." sabi niya. Naguguluhan man ako ngunit, sumunod na lang ako sa kanya. Pagkapasok namin sa loob agad na bumungad sa akin ang isang napakagandang hanbok dress. Puti ang pang itaas nito at kulay pink naman ang palda nito. Kahit hindi ko pa nahahawakan nararamdaman ko na ang lambot nito. Napakaganda rin sa mata ng kulay. Ito ang sinabi ng kamahalan bago siya magtungo sa bulwagan. "ipinag bilin ng kamahalan na tulungan kitang isuot iyan." sabi ni Binibining He. "naku! Hindi na kailangan. Kaya ko namang gawin iyon, Binibining He." sabi ko sa kanya. "alam ko naman na hindi ka papayag. Ngunit, kailangan mo ng aking tulong dahil, hindi madaling isuot ang damit na iyan kung wala kang katulong." sabi niya. "g-ganon ba?" naiilang talaga ako sa ganitong bagay. Tumango lang siya habang naka ngiti sakin. "halika na. Mag umpisa na tayo." lumapit siya sakin at inumpisahan akong ayusan at bihisan. "Binibining He, narito po si Pinunong Hyun-ri." sabi ng taga silbi mula sa labas ng silid. Si Hyun-ri? Bakit siya narito? Tapos na kami sa pag aayos. Tumayo na ako at tinignan ang aking repleksiyon sa malaking salamin ng bintana. Ako ba talaga itong nakikita ko? "napakaganda mo, Binibini." nakangiting sabi sakin ni Binibining He. "salamat." nakangiti kong turan. "halika na." inakay niya ako upang lumabas ng silid. Nakatayo si Hyun-ri sa labas ng aking silid. Mukha pa siyang nagulat ng makita ako kaya natawa ako bigla. Nagandahan rin kaya siya sa ayos ko? "ihahatid ko na siya." mayamaya ay sabi ni Hyun-ri ng makabawi sa pagkakagulat kanina. Tango lang ang tanging isinagot ni Binibining He. Naglalakad kami ni Hyun-ri ng makasalubong namin ang anak ni Ministro Jong kasama si Jang Guk. Nakatingin lang sila sa akin. "hindi ba't siya ang taga silbi ng hari?" sabi ng Binibini kay, Hyun-ri. "siya nga. Ngunit..." hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil nagsalita agad si Binibining Eun. "ngunit bakit siya nakabihis na parang isang maharlika?" sabi niya. "si Binibining Shin Weol ay panauhin ng hari kaya, nararapat lamang na bigyan siya ng atensiyon. Hindi lang siya isang hamak na taga silbi. Kung wala ka ng ibang sasabihin pa binibini, mauna na kami sa inyo." yumuko si Hyun-ri. "tayo na." sabi niya sakin. Agad akong kumilos at naglakad. Hae Seon POV "parating na po ang binibini." bulong sakin ni Hyun-ri pagkalapit. Tumingin ako sa pinto ng bulwagan at hinintay ang pagpasok niya. Maya maya lang ay nakita ko na siyang naglalakad papalapit sakin. Si binibining Shin Weol ba aking nakikita? Hindi rin alintana sakin ang paglingon at pagbubulungan ng karamihan sa pagpasok niya sa bulwagan. "sino ang binibining iyan?" "siya ba ang magiging reyna ng mahal na hari?" "saang angkan kaya siya nagmula?" "mukha siyang maharlika." "sana mabait siya kagaya ng ating hari." bulungan ng ilan. Tumayo ako upang salubungin ang binibini. Huminto naman siya sa paglalakad. Nakangiti kong inilahad sa kanya ang aking kamay at inabot niya ito ng nakangiti. Napakaganda ng kanyang ngiti at nagniningning ang kanyang mga mata. "masasabi ko na ikaw talaga si Shine at hindi ang mensaherang kawal na si Shin Weol." napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "ha? Anong ibig mong sabihin, kamahalan?" tanong niya. Naglalakad na kami papunta sa trono. "dahil, tunay na napaka ganda mo." sabi ko na ikinangiti niya. "hindi ko alam na magaling ka rin palang mambola." sabi niya. Shine/Shin Weol POV Kanina pa ako naiilang dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Bakit kasi kailangan ko pang dumalo sa pagtitipon na ito. Naupo na kami ng mahal na hari sa upuan na nakalaan sa amin. Magkakatabi kaming tatlo nila Hyun-ri. Hindi ko makalimutan ang pagpuri sa akin ng kamahalan. Naramdaman ko na nanginit ang mga pisngi ko ng sabihin niya ang bagay na iyon. "maligayang pagdating sa palasyo mga mamamayan ng Gyeonggi! Ang pagtitipon at kasiyahang ito ay para sa tagumpay at kapayapaan ng ating bayan! Magsaya kayo ngayong gabi!" sabi ng mahal na hari. Naupo na siya at ngumiti sakin. Ginantihan ko rin naman siya ng isang magandang ngiti. "magandang gabi sa iyo magandang binibini." bati sa akin ni Jang Guk na inilahad ang palad sa harap ko. "maari mo ba akong paanyayahan na isayaw ka?" tanong niya. Napatingin ako sa kamahalan na nakatingin sakin at hinihintay ang aking sagot. Bakit ganun ang mata ng mahal na hari? Parang galit ang kanyang mga mata. "tatangihan mo ba ang prinsipe?" tanong ni Eun na nasa tabi ni Jang Guk. "magsaya ka sa gabing ito binibini." sabi ng mahal na hari sakin. "ingatan mo ang mahal na binibini, Jang Guk." bilin ni Hyun-ri. "alam ko kung ano ang dapat kong gawin. Halika na binibini?" inilahad ni Jang Guk ang kamay niya at inabot ko ito. Hindi ko maintindihan pero parang may pumipigil sakin na wag akong sumama sa kanya. Ano kayang iniisip ng mahal na hari? "paano kayo nagkakilala ni Hae Seon?" maya maya ay tanong sakin ni Jang Guk habang sumasabay sa saliw ng musika. "iniligtas niya ako." "iniligtas?" napahinto siya sa pagsayaw. "oo. Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi ko matukoy ngunit mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD