Jang Guk POV
Iniligtas siya ni Hae Seon? Ngunit paano? Ano kayang dahilan kung bakit iniligtas siya ni Hae Seon?
"makinig kayong lahat na narito sa loob ng palasyo!" narinig kong sigaw ni Hyun Ri.
Napahinto ang lahat sa mga kanilang ginagawa.
"sa ikalabing apat sa darating na buwan! Ang mahal na hari ay pipili na ng kanyang magiging reyna! Ang lahat ng dalaga na narito ngayon sa bayan ng Gyeonggi ay kasali sa gaganaping pagpili ng mahal na hari! Lahat kayo ay magsasanay sa pag gamit ng sandata sa loob ng palasyo hanggang sa maging karapat dapat kayong maging reyna ng mahal na hari!" pahayag ni Hyun Ri.
Pagkatapos nun wala na akong narinig pa kundi ang mga bulungan ng mga tao sa pagtitipon na ito.
Kung kasali ang lahat ng dalaga na narito sa Gyeonggi, marahil ay kasama rin si Shin Weol sa mga pagpipilian ng mahal na hari.
"tama ba ang narinig ko? Lahat ng dalaga sa bayang ito ay pagpipilian ng hari upang maging reyna niya?" narinig kong tanong ni Shin Weol. Hindi ko alam kung ako ba ang tinanong niya o ang sarili niya.
"tama ang iyong narinig, binibini. At marahil ay kasama ka sa mga pagpipilian ng hari." napalingon sakin si Shin Weol dahil sa sinabi ko.
"ngunit, isa lang akong dayuhan sa bayang ito." sabi niya.
"dayuhan ka man o taga rito ay kasama ka sa aking pagpipilian upang aking maging reyna, binibini." mula sa likuran namin ay sabi ng kamahalan. Katabi niya si Hyun Ri.
"ngunit..." magsasalita pa sana si Shin Weol ng pigilan siya ng hari.
"pagod na ako, binibini at gusto ko ng magpahinga. Halika na upang maihanda mo na ang aking silid." sabi ng hari.
Yumuko ang binibini at sumunod sa hari.
Napaisip ako.
Saan nga kayang bayan nagmula ang binibini?
Napakaraming katanungan ang gumugulo sa akin. Napakahiwaga ng binibining ito.
Shin Weol POV
"handa na ang inyong silid kamahalan. Aalis na ako upang makapag pahinga na kayo. " nakayuko kong sabi sa hari. Aalis na sana ako ng biglang magsalita ang hari.
"hindi mo ba nais na maging reyna ko?" tanong niya sakin na ikinahinto ko.
Humarap ako sa kanya at lumapit.
"alam mo naman na hindi ako taga rito, kamahalan. Paano kung malaman ng mga mamamayan mo na galing ako sa ibang lugar? Sa lugar na kahit na sino sa inyo ay hindi alam."
"hindi mo nga nais na maging reyna ko. Kung iyan ang iyong nais, binibini." mababa ang boses na sabi ng kamahalan.
"hindi ako nararapat na maging reyna mo, kamahalan. Hindi ako magtatagal sa lugar na ito, dahil kailangan kong makabalik kung saan ako nagmula. Diba sinabi mo sa akin na tutulungan mo akong makabalik? Ngunit bakit ngayon ay gusto mo akong maging reyna? Bakit kailangan mo pang mamili sa mga kadalagahan na narito, kung ako naman pala ang nais mo?" tanong ko sa kanya.
"kamahalan, gising pa ba kayo?" tanong mula sa pintuan ng silid ng kamahalan.
"pumasok ka."
Bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Hyun Ri. Nagulat pa siya ng makita ako.
"kamahalan, nawawala po ang babaylan." sabi niya.
"babaylan? Siya ba ang babaylan na gumamit ng itim na mahika?" di ko napigilan na itanong.
Tumango si Hyun Ri.
"siya nga."
"hanapin mo siya at isama mo ang iba nating mga kawal." utos ng hari.
"masusunod kamahalan." umalis na si Hyun Ri.
"kung wala ka ng nais pang sabihin. Magpapahinga na ako." sabi ng mahal na hari.
"ngunit..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumayo na siya at lumapit na sa higaan niya. Tinignan ko lang siya. Bakit kaya nais niya na ako ang maging reyna? Ano kayang pakiramdam na kayakap at katabi ko ang hari sa pagtulog? Napapilig ako sa naisip ko.
"ano bang pinagsasabi mo, Shine?! Lumabas ka na nga! " sabi ko sa sarili ko. Lumabas na ako ng silid ng hari at nagtungo sa silid ko.
Hae-seon POV
"kamahalan, natagpuan na namin ang babaylan. Ngunit wala na itong buhay." pagbabalita sakin ni Hyun-ri na ikinagulat ko.
"alamin mo kung sino ang may kagagawan nito."
"masusunnod kamahalan!" umalis na rin agad si Hyun-ri.
Pinaslang ang babaylan dahil alam nito ang nangyaring pagpaslang kay, Ginoong Moo. At nanganganib ang buhay ni Shin-weol. Dahil nasa loob lang ng palasyo ang salarin ng pagpaslang sa babaylan. At kung sino man yun, ay yun ang dapat kong alamin.
Kailangan kong ipaalam sa kanya kung bakit gusto ko siya na aking maging reyna. Para maprotektahan ko siya.
Nasaan na kaya ang binibini? Dapat ay narito na siya sa aking silid upang maghanda ng aking agahan.
Lumabas ako ng aking silid at pinuntahan siya. Nakita ko siya na nakatayo sa tapat ng kanyang silid at nakatitig sa maliwanag at maaliwalas na kalangitan.
"kailan kaya ako makakabalik sa amin? I miss, Sunny. Kamusta na kaya siya? " kinakausap niya ang kanyang sarili?
"napakaganda ng kalangitan. " nagulat siya ng makita ako.
"kamahalan! Kanina pa ba kayo riyan? " gulat na tanong niya.
"kanina pa ako naghihintay sa iyo. Narito ka lang pala at kinakausap ang iyong sarili."
"naku! paumanhin kamahalan! Nakalimutan ko kayong ipaghanda ng inyong agahan. Tara na sa inyong silid at ipaghahanda ko kayo."
"hindi na kailangan. Samahan mo na lang ako na mag ikot sa palasyo."
"kung iyan ang inyong gusto. Sige po."
Inalalayan ko siya na bumaba sa tinutuntungan niyang kahoy.
"salamat po kamahalan." nakangiti niyang sabi.
"nabalitaan mo na ba ang nangyari sa babaylan?" tanong ko sa kanya.
"hindi pa. Bakit, ano bang nangyari sa kanya?"
"pinaslang ang babaylan." natigilan siya sa sinabi ko.
"P-pinaslang? K-kung sa ganun p-paano na ako? K-kung patay na siya paano na ako makakabalik sa pinanggalingan ko? Ibig bang sabihin nun dito na ako forever?" naiiyak niyang sabi.
Kinabahan ako dahil nakita kong pumatak ang luha niya.
"binibini, wag kang umiyak. Ngayong pinaslang ang babaylan, siguradong nanganganib ang buhay mo. Hahanap tayo ng paraan upang makabalik ka. Sa ngayon, kailangan mong maging ligtas anumang oras, dahil nararamdaman ko na nasa loob lang ng palasyo ang salarin sa pagkamatay ng babaylan. " sabi ko.
"kamahalan, natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin." umiiyak niyang turan.
Nilapitan ko siya at niyakap.
"huwag kang matakot. Narito lang ako at hindi kita pababayaan, Shine."
Mula sa isang sulok may isang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanilang dalawa.