Write To Be Love ( Chapter 19 )

1032 Words
Ministro Jong-Bok POV "nagawa niyo ba?" tanong ko sa mga kawal ng palasyo. "opo! Ministro!" sabi ng pinuno sa kanila. "mahusay. Makakaalis na kayo." umalis na rin sila pagkatapos. Napangiti ako sa ibinalita nila. Sa wakas, wala na ang babaylan. Kaya naman, wala ng sinuman ang makakaalam ng aking lihim. At sisiguraduhin kong ang anak kong si Eun ang magiging reyna ng palasyo. Lumabas na ako aking tangapan ng aking makita ang hari at ang babaeng iyon na magkasama. Bahagya akong lumapit sa kanila upang marinig ko ang kanilang pinag uusapan. At laking gulat ko kung ano ang aking narinig. "nabalitaan mo na ba ang nangyari sa babaylan?" "hindi pa. Bakit, ano bang nangyari sa kanya?" "pinaslang ang babaylan." "P-pinaslang? K-kung sa ganun p-paano na ako? K-kung patay na siya paano na ako makakabalik sa pinanggalingan ko? Ibig bang sabihin nun dito na ako forever?" "binibini, wag kang umiyak. Ngayong pinaslang ang babaylan, siguradong nanganganib ang buhay mo. Hahanap tayo ng paraan upang makabalik ka. Sa ngayon, kailangan mong maging ligtas anumang oras, dahil nararamdaman ko na nasa loob lang ng palasyo ang salarin sa pagkamatay ng babaylan. " "kamahalan, natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin." "huwag kang matakot. Narito lang ako at hindi kita pababayaan, Shine." Ano ang ibig nilang ipahiwatig? Ano ang mga salita na lumabas sa bibig ng babaeng yun? Kakaibang salita. At kakaiba rin ang kanyang pangalan. Ano rin ang sinasabi niya na hindi na siya makakabalik sa pinanggalingan niya? At higit sa lahat alam ito ng mahal na hari. Nakaupo ako at nag iisip. Saan nagmula ang babaeng iyon na kamukhang kamukha ng napaslang na mensaherang kawal? Kailangan kong magsiyasat upang malaman kung sino ba talaga ang babaeng iyon. Kailangan kong pumunta kung saan ko unang nakita ang babaeng iyon. "M-ministro!" gulat na sabi ng manggagamot ng makita ako. "ako nga. Hindi mo ba inasahan ang pagdating ko?" nakikita ko sa mukha niya ang labis na pagkagulat. "a-ano p-pong kailangan niyo sakin?!" nanginginig ang katawan na tanong niya. "may mga kaunting katanungan lang ako, na nais kong sasagutin mo ng tama. Kung hindi... " mula sa aking likuran ay lumabas ang dalawang kawal at isang binibini na umiiyak. "ina! huhuhu! " palahaw ng binibini. "sung min! Anak! " tawag ng manggagamot. "papaslangin ko mismo sa harapan mo ang nag iisa at pinakamamahal mong anak! " sabi ko. "maawa po kayo, Ministro! Pakawalan niyo po ang aking anak!" umiiyak at nakaluhod na sabi ng manggagamot. "kung gusto mong mabuhay ang iyong anak. Ibibigay mo sa akin ang lahat ng nais kong kasagutan!" "k-kahit ano po, M-ministro!" "ang mensaherang kawal ba at ang babaeng panauhin ng hari sa palasyo ay iisa?" tanong ko na ikinagulat ng manggagamot. Ibig sabihin alam niya kung sino ang babaeng iyon. "sumagot ka!" nanginginig na ko sa galit dahil ang tagal bago siya sumagot. "i-isang gabi iyon. M-may dinala ang hari dito na sugatang tao. Noong una, akala namin ay isa itong ginoo ngunit nagulat kami ng makita namin na isang binibini ang kanyang dala. Ginamot ko siya dahil, iyon ang utos ng hari. Ilang lingo ang nakalipas bago siya nagkamalay. Nang magising siya, nagulat siya at kakaiba ang mga kinikilos niya. Nagsasalita siya ng ibang lenguahe na hindi ko alam. Narinig ko na nag uusap sila ng hari at sinasabi niya na hindi siya taga rito at sa ibang lugar siya galing. Ang lugar na sinasabi niya ay pilipinas at hindi rin daw siya isang mensaherang kawal. Shine ang kanyang thnag na pangalan. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari na iyon sa babae. Kaya naman, lingid sa kaalaman ng hari kumuha ako ng isang babaylan na kayang malaman kung ano ang tunay na katauhan nito. At nagulat ako ng sabihin sakin ng babaylan na hindi nga siya ang mensaherang kawal. Dahil ang mensaherang kawal na hinahanap niyo ay nasa ibang lugar na tinatawag nilang pilipinas." mahabang sabi ng mangagamot. "ibig sabihin, buhay pa ang bwisit na mensaherang kawal na iyon at nagtatago siya sa lugar na pinanggalingan ng babaeng nasa palasyo ngayon!" binalingan ko ang manggagamot. "nasaan ang babaylan na kinuha mo? Gusto ko siyang makausap!" itinuro niya kung saan ko matatagpuan ang babaylan. Hae-seon POV Narito kami sa parang upang makita ang pagsasanay ng mga kadalagahan ng palasyo. "bakit kailangan pang magsanay ng mga kababaihan sa pag gamit ng espada at pana?" tanong ni Shine na nasa tabi ko. "upang maging proteksiyon nila sa anumang naka ambang panganib." sabi ko. "ahh, para rin pala siyang self depends." sabi niya. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya at mukhang nahalata naman niya iyon. "ah! sa amin kasi ang tawag diyan ay self depends. Pero, sa amin hindi kailangan na gumamit ka pa ng pana o espada para iligtas ang sarili mo." paliwanag niya. "kung ganun, ano ang ginagamit niyo?" takang tanong ko. Iniangat naman niya ang dalawa niyang kamao sa hangin na akmang susuntok. "ito!" at bigla siyang sumuntok sa hangin. Pakiramdam ko nasaktan ako sa ginawa niya. "kamao lang." "ibig mong sabihin hindi ka pa nakakahawak ng mga bagay na iyan?" tanong ko. "kung tunay na espada at pana ang iyong sinasabi ay hindi pa." sabi niya. "gusto mong subukan?" tanong ko. "uhuh! Sige, i-try natin. I mean... subukan natin." Kumuha ako ng palaso at ibinigay sa kanya. Hindi niya alam kung paano ilalagay ang palaso kaya naman inalalayan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ang pana. "hindi ba't kasama ang binibini sa iyong pagpipilian na magiging reyna? Ngunit, bakit ikaw ang nagtuturo sa kanya sa pag gamit ng sandata?" Napahinto kami at nilingon si Jang Guk. "hindi patas sa iba kung gagawin mo iyan, Kamahalan." "hindi ka marunong humawak ng pana?" lumapit samin ang anak ni Ministro Jong na si Eun. "paano mo ipagtatangol ang iyong sarili kung wala kang alam sa pag gamit ng mga ito?" iniangat niya ang hawak na pana at itinutok sa target nito. Hinila at binitawan. "tumama sa pangalawa!" hiyaw ng kawal na nagbabantay mula roon. "kung gusto mong maging reyna, lumaban ka ng patas." sabi ni Eun. "patas ba kamo? Sige, pag bibigyan kita." nagulat ako ng sabihin iyon ni Shine. Sigurado ba siya? Nakita ko kanina na hindi siya marunong humawak ng pana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD