MYSTERIOUS GUY

1173 Words
Kabanata 2 Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko. Sobrang sakit ng ulo ko pagkabangon ko. "ahhh! ang sakit ng ulo ko!" hawak ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto para kumuha ng malamig na tubig sa ref. "good morning." bati ko kay, Sunny na nagluluto. "anong nangyari sayo kahapon at sino yung lalaki na naghatid sayo kagabi?" napahinto ako sa paglagok ng tubig sa sinabi ni Sunny. Napaisip ako bigla. May naghatid sakin dito sa condo? Ano nga bang nangyari kagabi? Pumikit ako at inalala ang nangyari sakin kahapon. *flashback* Na riject ang story ko kaya nagpalipas ako ng oras sa mall at nag inom ako sa bar malapit sa condo. "isang bote pa!" sabi ko sa bartender. Nakaupo ako sa harap ng counter. Hindi ko alam kung nakakailang bote na ko ng beer, nararamdaman ko na kasi ang pagkahilo. "may kasama po ba kayo, mam?" lumingon ako sa paligid ko. "ako ba ang tinatanong mo, ha?!" turo ko sa sarili ko. "marami na po kasi kayong nainom. Hindi po namin alam kung saan kayo ihahatid." sabi ng bartender. "haha! ano ka ba? okay lang ako. Kaya ko ang sarili ko. Nakita mo ang building na katabi ng bar na 'to?" turo ko sa building kung nasaan ang condo ko. Tumango siya sakin. "dun ako nakatira. Malapit lang diba? Kaya naman bigyan mo pa ko ng isang bote. Kaya kong umuwing mag isa!" nahihilo na ko pero gusto ko pang uminom. Letche kasing editor yun e! "o-okay. Heto na po." "thank you!" tinungga ko kaagad ang beer pagkabigay niya sakin. "haist! Ang sarap! hihi!" "uy! Sir, long time no see! Ang tagal ko kayong hindi nakita, ah?" bati ng bartender sa dumating na lalaki. "medyo busy lang." "anong order niyo? Yung dati pa rin ba?" tanong ng bartender sa kanya. "oo." Umupo sa tabi ko ang lalaki. Tinignan ko siya at ngumiti siya sakin. Tao ba siya o isang anghel? Ipinikit ko ang mata ko at ipinilig ang ulo. Nananaginip na yata ako sa kalasingan. Pagmulat ng mga mata ko nakatingin siya sakin at tumawa. "your drunk." sabi ng napakagandang boses niya. "oo sir, lasing na nga siya. Kanina pa siya nandito e." sabi ng bartender. Nakatingin lang ako sa katabi kong lalaki. Ang ganda ng hugis ng mukha niya. Siya yung sinasabi na baby face pero hunk. Maganda ang mga mata niya na kumikinang kapag tinitignan. Matangos ang ilong. Mapula ang mga labi. Makapal ang kilay. Ngayon lang ako nakakita ng napaka gwapong lalaki na gaya niya. "kilala mo ba siya?" tanong niya sa bartender. "hindi po. Pero, sabi niya diyan siya nakatira sa katabing building nitong bar." "ah, okay. Ako na lang ang bahalang maghatid sa kanya." nagulat ako sa sinabi niya. "ihahatid mo ko?" sabat ko. "oo. Wag kang mag alala wala akong masamang balak sayo." nakangiting sabi niya sakin. "oo nga, miss. Mabait yan si Sir." sabat ng bartender. Haist! Bakit napakasarap sa pandinig ng boses niya? Sobrang ganda. "ayoko pang umuwi! mag inom pa tayo!" itinaas ko ang bote ng beer at tinungga. "ang hina mo palang mag inom." natatawang sabi niya sakin. "anong sinabi mo?! Ako mahina? Huh! Hindi pa ako lasing at kaya ko pang umuwi mag isa!" tinawag ko ang bartender. "bigyan mo pa nga kami ng dalawang bote ng beer! Hinahamon kasi ako ng isang 'to e!" tinignan ko ng masama ang lalaking katabi ko na tinatawag na sir ng bartender. "may problema ka ba kaya ka nandito?" tanong niya sakin pagkalagok ng beer. Uminom ako ng beer. "na riject ka na ba?" iyon ang kanina ko pa gustong itanong sa mga tao na nandito. "na riject na ako?" balik tanong niya sakin. Hindi niya ba ako naintindihan? Haist! " Haist! Oo! Naranasan mo na bang ma riject?" ulit ko. "hindi. Ako kasi ang madalas na gumagawa nun." sabi niya. Inirapan ko siya. "tss! Ang yabang mo naman!" "totoo ang sinasabi ko. Hahaha!" "Hay! Buti ka pa. Hindi ko alam kung anong kulang sakin." uminom ako. "ako na yata ang pinaka malas na tao! Gusto ko lang naman maging isang sikat na writer! Pero bakit di nila ma accept ang story ko?!" pagkatapos nun hindi ko na alam kung anong nangyari sakin. Nagulat na lang ang lalaki ng bumagsak na lang bigla si Shine sa mesa. Agad niyang dinaluhan ang dalaga na hindi man lang niya naitanong kung ano ang pangalan. "hey, miss?" ginising niya si Shine pero ungol lang ang sinagot ng dalaga. "hey, bro! magkano ang bill niya?" tanong ng lalaki sa bartender. "hala! Nakatulog na siya!" gulat na sabi ng bartender. "ihahatid ko na siya." "okay, sir. eto po ang bill niya." ibinigay ng bartender ang bill. "salamat. Keep the change." sabi ng lalaki pagkabalik ng bill na may perang nakasingit. "thank you, sir." sumaludo pa ang bartender. Binuhat ng lalaki si Shine at isinakay sa kotse niya. Ipinark niya ang sasakyan sa tapat ng Light Condominium Building kung saan daw nakatira ang dalaga. Binuksan niya ang pinto ng kotse at binuhat papasok ng building ang dalaga. Nakatingin sa kanila ang mga nakakasalubong na tao pero, hindi na lang niya pinansin ang mga ito. Lumapit siya sa information desk. "excuse me. Alam niyo ba kung anong room at floor number niya?" ibinigay niya ang ID ni Shine na nakuha niya sa bag ng dalaga. "Shine?" mula sa likuran ay tanong ng isang babae. Lumapit ang babae sa kanila. "kilala mo siya?" tanong ng lalaki. "oo. Kaibigan ko siya. Teka, anong nangyari sa kanya?! at saka, sino ka?" nag aalalang tanong ni Sunny. "uhmm...pwede bang mamaya mo na ko tanungin? Iakyat na muna natin siya." sabi niya sa kaibigan ng dalaga. "okay. Halika dito tayo." sinundan niya ang babae. "nakita ko lang siya sa bar at lasing na lasing kaya hinatid ko na lang. Mukhang problemado ang kaibigan mo." paliwanag niya pagkalabas ng kwarto pagkatapos mailapag sa kama ang dalaga. "salamat. Ay, teka! Sino ka nga pala?" tanong ni Sunny. Bigla namang nag ring ang phone ng lalaki. "sige mauna na ko." lumabas na siya ng condo. "sandali lang! Anong pangalan mo?!" habol ni Sunny pero, hindi na niya inabutan ang lalaki. *end of flashback* "oh my god! sino siya?!" Hindi ko siya kilala! Totoo ba na nakatulog ako sa bar at hinatid ako ng hindi ko kilalang lalaki?! Ano bang nangyayari sakin?! "hindi mo alam kung sino siya?" takang tanong ni Sunny sakin. Umiling ako. "hindi ko alam ang pangalan niya." "bakit ba kasi nag lasing ka?" naupo ako at ikinwento sa kanya ang nangyari kahapon. "okay lang yan. Makakahanap ka rin ng editor." pang aalo sakin ni Sunny. "sana nga." bagsaka ng balikat na sabi ko. "oh, heto kumain ka para mawala yang hangover mo." inilapag niya sa mesa ang chjcken soup na niluto niya. Napangiti ako bigla ng maamoy ang masarap na pagkain. "uhmmm... mukhang masarap! Salamat!" masayang sabi ko at sinimulang kainin ang inihanda niya. Magandang pampawala ng hangover ang soup na 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD