ACCIDENT

1098 Words
Kabanata 3 Naglalakad ako sa tabi ng daan habang dala-dala ang mga pinamili ko sa grocery. Iniisip ko pa rin kung sino yung lalaki na naghatid sakin sa condo, nung isang gabi na nalasing ako at nakatulog sa bar. Ano kayang pangalan niya? Napahinto ako sa paglalakad ng mapatapat ako sa bar kung saan ako nalasing ng gabing yun. Ano kaya kung itanong ko sa bartender ang pangalan ng lalaking yun? Siguro naman kilala niya ang taong yun. Pumasok ako sa loob ng bar at dumiretso sa bar counter. "welcome po!" "uhmm, excuse me. Diba ikaw yung bartender na naka assigned nung isang gabi? Natatandaan mo ba ako?" tanong ko sa bartender pagkalapit ko. "oh! Ikaw si Miss Writer! Nandito ka ba para mag inom ulit?" tumingin siya sa relo niya. "pero napaka aga pa para mag lasing ka." "Miss Writer ako?" takang tanong ko sa kanya. Paano niya nalaman na writer ako? May nasabi ba ako nung lasing ako? "oo! Yun ang ibinigay na pangalan sakin ni Sir nung, bumalik siya dito pagkatapos ka niyang ihatid." Inisip ko kung sino yung sinasabi niya. Siya nga ang lalaking yun. "uhmm, yung sir na sinasabi mo pumupunta pa ba siya dito?" "hindi pa ulit e. Bakit? May nangyari ba sa inyo kaya ka nandito at hinahanap siya? Hay! Sabi ko na nga ba hindi niya mapipigilan ang sarili niya." Ano bang sinasabi niya? Iniisip niya na may nangyari samin ng lalaki na yun? E, hindi ko nga alam kung anong pangalan nun! "alam mo Miss Writer, marami ang kagaya mo na pumupunta dito para itanong ang lalaking naka one night stand nila. Pero, iisa lang ang palagi kong isinasagot sa kanila. 'Hindi pa ulit' . Kaya, kung ako sayo wag mo na siyang hanapin." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa mga pinagsasabi ng mokong na 'to. "ano bang pinag sasabi mo diyan?! Virgin pa ako at hindi ko siya naka one night stand! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" inis na inis na sabi ko. "ano?! Ibig mong sabihin walang nangyari sa inyo? E, bakit nandito ka at hinahanap siya?" "itatanong ko kung anong pangalan niya. Hindi niya binigay ang pangalan niya sakin. Gusto kong pasalamatan siya kaya gusto kong malaman ang pangalan niya." "wow! Ibang klase ka Miss Writer! Kaso, hindi ko alam kung anong pangalan ni Sir, e." nanlumo ako bigla sa sinabi niya. "ganun ba? Sige mauna na ako." laglag ang balikat na sabi ko. "okay. Balik ka ulit. Malay mo magkita ulit kayo." nakangiting sabi sakin ng bartender. Umalis na ako sa bar. Bakit ba hinahanap ko pa siya? Hindi ko naman na yata siya makikita. "wag mo na siyang hanapin, Shine. Hindi niya ibinigay ang pangalan niya sayo kaya malabong makita mo pa siya ulit." sabi ko sa sarili ko habang naglalakad. Hay! *beep! beep! beep!* *bogss! blag! iiirrrk!* "hay! Diyos ko! Yung babae nasagasaan!" "tumawag kayo ng ambulansiya!" Masakit ang katawan ko. Bakit hindi ako makagalaw? Bakit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko? Bakit dumidilim ang paligid ko? *iniiiinooo! niiinooo!* "Miss Writer! wag kang pipikit! Imulat mo lang ang mata mo!" Anong ginagawa niya dito at bakit niya sinasabi yun? "excuse me, sir! Tumabi po muna kayo! Miss okay ka lang? Dadalhin ka namin sa ospital!" naramdaman ko ang pag angat ko. Anong gagawin namin sa ospital? "ikaw ba ang kasama niya? Sumunod ka na lang samin." *iniiiinooo! niiinooo!* Dito na ba matatapos ang lahat sakin? Paano na ang pangarap ko? Paano si Sunny? Hindi ko na mapigilan ang mga mata ko. Antok na antok na ako at pagod na pagod. *BAYAN NG GYEONGGI* "nariyan ba si Ginoong Moo? May mensahe siya mula sa bayan ng Gyeongbuk." "wala rito si Ginoong Moo. Ako na lang ang mag aabot sa kanya ng mensahe." "hindi maaari. Isang importanteng mensahe ito at tanging kay, Ginoong Moo lang maaring iabot." "wala ka bang tiwala sa akin?" Napangisi ang mensahera. "wala akong tiwala sa kahit na sino." Siya si Shin Weol, ang pinaka mahusay na mensaherang kawal sa bayan ng Gyeonggi na pinamumunuan ni Haring Hae Seon. Isang mensahe ang sinadya niya sa bayan ng Gyeongbuk upang iparating kay, Ginoong Moo na isang mangangalakal. "sadya pala talagang wala kang kinatatakutan mensaherang kawal." lumapit sa kanya ang kausap na lalaki. Malakas ang pakiramdam niya na isa itong bayarang mamamatay tao at anumang oras ay handa itong sugurin siya at patayin. Nakahanda siya sa anumang labanan kung sakali man. "wala akong dapat na ikatakot sa kahit kanino." hinawakan niya ang espadang nakatago sa suot niyang makapal na panlamig. "humanda ka sa kamatayan mo! yahhh!" bago pa man siya matamaan ng espadang hawak ng bayarang pulubi ay nasalag na niya agad ito. Itinulak niya ng malakas ang bayarang pulubi at napahiga ito. "ikaw ang humanda sa kamatayan mo! ahhh!" susugurin na niya ang bayarang pulubi ng biglang may sumaksak sa kanya mula sa likuran. "ahrk!" Tumagos ang espada sa katawan niya na kaagad niyang ikinatumba. Dumating ang isang Ginoo at tinulungan siya. Nilabanan nito ang mga pulubing bayaran na ikinasawi kaagad ng mga ito. "ahrk!" malaki ang sugat niya at nahihirapan na siyang huminga. "ayos ka lang ba, Ginoo?!" hindi na niya makita ang mukha ng tumulong sa kanya. "malaki ang sugat mo! Halika sumama ka sakin! Gagamutin kita!" bubuhatin na siya ng Ginoo ng pigilan niya ito. "h-h-hindi k-ko n-na k-k-kaya!" "huwag ka ng magsalita. Gagamutin kita!" binuhat na siya ng Ginoo. Hindi na niya kayang imulat ang kanyang mga mata. Unti-unti ng dumidilim ang paligid. Sa kalagayan niya ngayon hindi niya alam kung mabubuhay pa ba siya o hindi na. Kung mamamatay siya hindi na niya mapapasalamatan ang taong tumulong sa kanya. Salamat sa Ginoong ito na tumulong sa kanya. Dinala ng Ginoo ang mensaherang kawal sa bahay nito at tumawag ng manggagamot na titingin sa mensahera. "malalim ang sugat niya at nakatitiyak ako na matatagalan bago siya gumaling." sabi ng manggagamot. "magagamot mo ba siya?" tanong ng Ginoo. "wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat. Ngunit, may hihingin lang ako sayo." sabi ng babaeng manggagamot. "ano yun? Kahit ano ibibigay ko." sabi ng Ginoo. "hindi ka maaring manatili dito sa silid." "ano?!" nagtataka ang Ginoo sa sinabi ng manggagamot. "hindi siya isang, Ginoo kundi isa siyang, Binibini. Hindi ko siya maaring hubaran sa harapan mo, Ginoo." "I-isa siyang babae?!" hindi makapaniwalang tanong ng Ginoo. Tumango ang manggagamot. Kaagad naman na tumalikod ang Ginoo. "maghihintay na lang ako sa labas." sabi ng Ginoo at nahihiyang lumabas na ng silid. Hindi siya makapaniwala na isang binibini ang kanyang tinulungan sa kamay ng mga bayarang pulubi na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD