Malakas ang kabo ng dibdib ko na para bang malalaglag na ng puso ko. Namamawis ang mga kamay ko at para bang napako na ang paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. Ayaw kong humakbang, para na lang akong isang manikin na kung saan na lang dadalhin, sasama. Hindi ko na alam, ang hirap na ipaliwanag kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong tamang paliwanag sa mga bagay na ito. Basta ang alam ko lang ay nasa harapan na kami ngayon ng isang malaking bahay na mayroon ding nakakalula na malaking tarangkahan. Ang bahay na ito ay mas malaki pa kaysa sa bahay ng nanay ko. Mukhang masasabi ko kung gaano nga ba talaga kayaman ang tatay ko, isa sa dahilan kung bakit nag-aalangan ako na tatanggapin niya ang isang katulad ko. Paano rin kaya ang kaniyang asawa? Baka masira ko lang ang pa

