Mula sa bintana, sinasalubong ako ng malamig na hangin. Nakasakay ako sa likod ng sasakyan ni papa, habang katabi ko Si Orwa. Ang sabi niya kasi may pupuntahan lang muna raw kami saglit bago ko gawin ang pagbalik sa bahay. kasama namin si Tita Maricar na nasa tabi naman ni papa na nagmamaneho. Nakatanaw lang ako sa berdeng tanawin. Papunta kami ng norte ngayon, kaya alam ko na sa balak nilang mag-outing. Ganito ba ang mayayaman, biglaan palagi ang desisyon? Kapag naisipan nila kinabukasan aalis na sila? Pero sa bagay, nais ko rin naman na makapagpahinga kahit na saglit. Gusto siguro ng tatay ko na kahit ngayon lang ay magkaroon naman kami ng bonding dalawa. "Hindi ka ba nahihilo, mahal?" tanong ni Orwa. Mahinahon lamang ang boses niya. Hindi ako nakatingin sa kaniya, pero alam ko na kani

