Kumpara sa nararamdaman ko kagabi, mas maayos naman na ako ngayon. Hindi ko masasabing magaling dahil hindi naman na ako gagaling pa. Siguro may parte lang sa pagkatao ko na humilom na ngayon dahil nga sa nakita ko na si Orwa. Hindi ko kayang basta lang ipaliwanag ng salita kung gaano nga ba ako kasaya ngayon na kasama ko na ang lalaking mahal ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na hindi lang ito basta panaginip. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa tatay ko dahil sa ginawa niya. Siguro kaya siya umalis noong nakaraang araw, para lang gawaan ng paraan ang tungkol sa kaso ni Orwa. "Parang hindi mo na ako gustong bitawan?" tanong ni Orwa. Hanggang ngayon kasi ay nakayakap pa rin ako sa likuran niya at hindi ko siya binibitawan. akatanaw kami sa bintana habang ang ilan s amga

