Chapter 16

2168 Words
Nagising ako sa isang malumanay na pagyugyog. Salubong ang kilay kong iminulat ang mga mata ko, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Orwa. "Gumising ka na mahal, alam mo namang may trabaho pa tayo," utos nito at saglit akong hinalikan sa noo. Tamad na tamad akong umupo at tumingin sa alarm clock, grabe naman ito. Mas nauna pa akong gisingin, mamaya pa tutunog ang alarm clock, eh. Sayang 10 minutes, ilang senaryo din sa panaginip 'yon. "Oo na, lalabas na ako," tamad ko palayas sa kaniya. "Mamaya ka na maligo, kumain na muna tayo," alok nito habang nakatayo sa gilid ko. Napalunok pa ako at pilit na tinatatagan ang loob, para hindi bumaba ang makasalanan kong mata sa kaniyang suot na boxer. Taena! Bakit ba ganito siya? Nakabalandra sa mukha ko ang katawan at tanging boxer lang suot? Nahiya pa siya, sana pati boxer inalis na niya. "Ayoko nga, baka sabihin mo ang baho ko," pag-iinarte ko at agad inalis ang tingin sa kaniya. Thank you Lord, nalampasan ko ang tukso. "Ayos lang naman, hindi ka naman mabaho. Ang sarap nga ng amoy mo, eh. Ang sarap ng tulog ko," may panunukso at pang-aakit sa boses nito. "Ano? Magkatabi tayong natulog?" Gulat kong tanong at agad napayakap sa sarili. Natawa pa ito at hinawi ang kaniyang buhok. "Oo naman, ang sarap pa nga ng tulog mo sa braso ko. Tumutulo pa laway mo," sumingkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Tapos parang tuwang-tuwa ka pang inaamoy kita," dagdag pa nito. Tumalim ang tingin ko at kinuyom ang kamao. Matagal na kong nagtitimpi sa mga ganito niyang biro, nakakainis kaya. Siya lang ang may alam tapos ako wala. Saang part niya ako inaamoy? "Manyak!" Bulyaw ko dito at agad umamba ng suntok, pero agad akong natumba dahil sa pagpulupot ng kumot sa paa ko. Mahinang bumagsak ang tuhod ko at agad akong napayuko. Nanlamig ang buo kong katawan ng mapagtanto ang isang bagay. Sa bilis ng pangyayari kanina hindi ko namalayan na napakapit ako sa suot na boxer ni Orwa, at nang bumagsak ako paibaba ay nahila ko ito. Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ito, na nakababa sa kaniyang sakong. Dahan-dahan akong napabitaw dito ay pinagpatuloy ang pagyuko. Mariin pa akong napapikit at umikot patalikod. What the! Nahubad ko ang boxer na suot niya at ngayon alam kong nakabalandra ang buo niyang katawan. Ang kaniyang alagang makamandag na labrador ay alam kong nakadungaw. s**t! Ayokong lumingon, baka bigla ako nitong gulatin. "Hindi mo naman sinabing ito pala ang gusto mong maging almusal," panunukso pa nito. Susmaryosep! Ang aga-aga ganito agad ang bungad sa akin? GHAD! Bakit ngayon buhay na buhay na ang pagkatao ko? Parang hindi na ako nakakatulog hanggang bukas. Pota! Paano pa kung nakita ko ng tuluyan iyon? Baka buong maghapon akong lutang. "Sumunod ka na sa kusina, baka kung ano pang gawin mo sa katawan ko," mariin kong ipiniig ang ulo ko sa gilid ng kama. Bwisit ka Orwa! Kung pwede lang talagang magpalamon sa lupa, ginawa ko na. Simula pa noon puro na lang kahihiyan ang nangyayari sa akin, baka isipin nitong sobrang tigang ko na. Bwisit talaga! Paano ko siya haharapin? Nakakahiya talaga at nakakahinayang, sana kahit konti dumungaw at nag-hello manlang ako. Hay! Ang utak ko talaga, konti na lang masusunog na ako sa sobrang makasalanan. Halos mapatalon ako ng biglang tumunog ang alarm clock na nasa gilid ng kama ko, agad ko itong itinaob at agad napahilamos ng kamay sa mukha. "Be professional," kumbinsi ko sa sarili habang pinipilit tumayo. Huminga ako ng malalim at tumingin sa salamin, nag-alis muna ako ng muta at inayos ang buhok bago lumabas. Napalunok ako at umiwas ng tingin kay Orwa, nakakainis ba naman ang ngisi niya. Akala mo palaging nang-aakit. Agad akong kumuha ng inumin at mabilis itong inubos. Sumusulyap pa ako kay Orwa na abalang naghahain ng pagkain namin. May suot na siyang short at sando ngayon, pero hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang nakakahiyang naganap. Umaga pa lang ito, ano pa kaya mamaya? Oo nga pala, anong naging ganap kahapon? Malamang yari ako nito. Pero okay lang, ano bang pakialam ko sa kanila? Hindi pala kami nakapag-usap ni Sunny, malamang bubulyawan na naman ako ng bulol na 'yon, dahil buong maghapon nakasarado ang cellphone ko. "Ano? Ganiyan ka na lang? Ayaw mo bang kainin ang hotdog ko?" Para akong timang na agad humarap kay Orwa. Hotdog niya daw papakain niya sa akin? As in? "Umupo ka na, tinatawag ka na ng hotdog ko," pilyo nitong alok. Para naman akong naging isang alagad sa mga utos nito, tuwang-tuwa pa akong umupo sa upuang hinila niya. Hotdog ni Orwa, shems! "Damihan mo ang kain, para naman hindi ganiyan ang tumatakbo sa utak mo," natatawa nitong hain sa plato ko. Nakatingin ako sa kaniya ng masama habang inilalagay ang hotdog na luto niya. "Ang tawag dyan ay, hotdog ala Orwa. Masarap 'yan, malinamnam at juicy," sabay taas baba ng kilay nito. Napasinghal ako at padabog na kinuha ang kutsara. "Pati sa harap ng pagkain, ang manyak mo," sabay irap ko dito. "Bakit? Ano bang sinabi ko? Baka ikaw, kung anu-anong tumatakbo sa utak mo," rinig ko pa ang impit ng tawa nito. Muli akong tumingin sa kaniya at pinandilatan ito ng mata. "Kalma, baka mahulog 'yang mata mo. Alam mo namang sobrang laki na niyan, pinapalaki mo pa," lait pa nito. Talaga nga naman! "Ganda-ganda talaga ng mahal ko," pang-uto nito na hindi ko pa rin pinansin. Duh! Matagal na akong maganda, alam ko na 'yon. Natapos kaming kumain, patuloy ang pang-aasar ni Orwa habang ako ay tahimik at taimtim na kumakain ng kaniyang hotdog. Masarap pala talaga ito, parang gusto ko pa tuloy kumain nito hanggang sa maubos. Tapos iyong totoong hotdog naman niya ang kakainin ko. Owww...aylabet. "Bilisan mo, kung anu-ano na namang nasa utak mo," muli lang akong bumalik sa realidad matapos nitong pigain ang ilong ko. Agad kong pinalo ang kamay niya at tumingin ng masama. "Baka ikaw ang may iniisip," pag-iinarte ko habang tumatayo. Rinig ko pa ang pagtawa nito habang sinasalansan ang mga platong ginamit namin. "Maligo ka na, ako na dito," utos ko dito. Ako na ngayon ang maghuhugas ng plato, mamaya isipin pa nitong wala na akong ginagawa dito kung hindi pag-isipan siya ng puro kalaswaan. "Ayoko, gusto ko sabay tayo," halos maputol ang paghinga ko ng igala nito ang mga kamay niya sa bewang ko. Mabilis itong nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam, mabilis ang t***k ng puso ko at nanunuyo ang lalamunan. "Bilisan mo, maliligo pa tayo," bulong nito habang ang kaniyang baba ay nakapatong sa balikat ko, mahigpit pa rin ang hawak Niya sa bewang ko. Lutang at atat kong tinapos ang paghuhugas ng plato, bahala na kung may mga bula pa ba ito. Basta agad ko itong itinaob sa lagayan ng plato. "Tapos na," masaya akong humarap sa kaniya, basa pa ang kamay kong ipinunas sa gilid ng damit ko. "Maligo na tayo?" Aya nito mula sa nakakalokong tingin. OMG! Mukhang ngayon lang ako magiging masaya maligo kapag umaga, mukhang walang malamig na tubig sa mainit kong katawan. Paano ba ito? Ako na ba ang magsasabon sa buo niyang katawan? Tapos siya naman ang magsasabon sa buo kong pagkatao? "Tara na," sabay higit nito sa bewang ko para mas lalong lumapit sa kaniya. "Wag ka ngang atat," maarte kong hampas sa dibdib nito. "Kanina ko pa gustong maligo," mapang-akit nitong bulong. Napakagat labi pa ako habang tinutusok ng daliri ang dibdib nito. Dali-dali kaming naglakad patungo sa kwarto ko, para kaming mga batang atat na maligo sa swimming pool. Basta excited ako, iniisip ko pa lang ang paghagod ng mga kamay ko sa katawan nito pababa sa kaniyang...ugh! Basta, naiinitan ako, gusto ko ng paliguan ni Orwa. "Ayan, maligo ka na. Doon ako sa kabila, para magsabay tayo," mga salitang bumasag sa mga imahinasyon ko. Park na naman ba ito? Inaakit na naman ba niya ako? Tapos pagtatawanan? Paano na 'yong maghilod? Paano na 'yong magpapaligo niya sa akin? What the! "A-akala ko ba sabay tayo?" Pagtataka kong tanong. "Sabay nga tayo, pero doon ako sa kabila. Bakit gusto mo bang sabay tayong maligo dito?" Inosente pero pilyo itong ngumiti. "A-asa ka naman, lumayas ka na nga!" Bulyaw ko dito at agad siyang itinulak sa dibdib. Napangisi pa ito habang umaatras. "Ikaw ha, gusto mo lang hawakan ang dibdib ko," sabay hagod nito sa kaniyang dibdib. Mabilis umuwang ang bibig ko habang nakatingin sa mga kamay niyang parang inaakit ako. "B-bastos!" Pilit kong sigaw dito at padabog na isinarado ang pinto. Mabilis ko itong ni-lock at sumandal. Hindi ito pwede, dapat makaganti ako sa mga ginagawa niya sa akin. Hindi ako pinalaking talunan, dapat makaganti ako. Humanda ka sa akin mamaya Orwa. Sisiguraduhin kong bibigay ka sa prank na gagawin ko sa 'yo. Ang mainit kong katawan ay muling nanlamig, halos makipagtitigan akong muli sa tubig para lang uminit. Kanina atat na akong maligo, ngayon naman tamad na tamad ako. Kakainis na Orwa 'yon, malaki naman ang banyo na ito. Bakit hindi pa siya sumabay sa akin maligo? Hay! Bakit ba iniisip ko pa rin? Kaya talagang nadadali ako nito, kaya mabilis akong maloko, eh. Simula ngayon, kailangan kong maging strong, hindi ako basta-basta maging marupok. Sa bawat joke ni Orwa, dapat chill lang, kalma lang. "1...2...3... Susmaryosep! Susmaryosep!" Sunod-sunod kong buhos ng malamig na tubig. "Karupukan, sumabay ka na sa tubig. Umalis ka na sa katawan ko," paulit-ulit kong sinasabi na para bang may sinasagawa akong ritwal. Dapat talaga, dapat ipaanod ko na sa tubig ang karupukan ko. Simula ngayon, mamaya pala. Paglabas ko ng banyo, hindi na ko marupok. Dapat magaling na akong sumabay sa biro ni Orwa. Dapat kaya ko na rin siyang hulihin, dapat siya ang mababaliw sa akin. Matapos ang ritwal ng pagpapalayas ng karupukan. Agad akong nagbalot ng tuwalya. Paglabas ko ng banyo, nakaisip ako ng kalokohan. May ngisi sa labi akong lumabas ng kwarto, napansin ko na nasa kusina si Orwa, nakasuot na siya ng pantalon ngayon. Mukhang tapos ng maligo dahil may iilang butil pang umaagos sa likod niya. Dahil sa kalokohan, hindi muna ako nagbihis. Nagtungo ako sa kusina habang mapag-akit kong pinupunasan ang buhok kong hindi kahabaan. Mas lalo ko pang nilandian ang pagpunas ng tubig na tumutulo sa leeg ko, nang tumingin si Orwa sa kinatatayuan ko. Namilog ang mga mata nitong titig sa akin, pababa sa tuwalyang nakabalot sa katawan mo. Natanaw ko pa ang paglunok nito at ang dahan-dahan niyang pagbaba ng baso. "Nauuhaw ako," malanding tono. Lumakad pa ako palapit sa kaniya at kinuha ang basong binaba niya, malagkit akong nakatingin sa kaniya habang nagsasalin ako ng tubig. Tingnan natin ngayon Orwa, tingnan natin kung sinong mas magaling sa ating mang-akit. Tanaw na tanaw ko ang pagiging tulala nito habang ang mga bibig ay nakauwang, gusto kong matawa pero ayokong masira ang moment naming dalawa. Tuwang-tuwa pa akong nakikita siyang parang asong bahag ang buntot. "Oww..." Inda ko matapos kong sadyaing ibuhos ang tubig sa katawan ko. Napakagat labi pa ako matapos maramdaman ang lamig nito. Shems! Galing pala ito sa ref, ang lamig. "M-magbihis ka na," panginginig ng boses nito at mabilis na tumalikod sa akin. Ano ka ngayon Orwa? Akala mo ba hindi ako marunong nito? Para saan pa ang mga natutunan ko sa mga librong mabasa ko? At sa mga napapanood kong palabas? "Paano kung ayokong magbihis?" Kita ko ang pag-iwas nito ng ipagapang ko ang isa kong daliri sa batok niya. Malamang kinikilabutan na ito at tumatayo na ang lahat ng pwedeng tumayo. "Baka ma-late pa tayo, pumasok ka na sa kwarto mo," pilit nitong utos. Gusto ko pa sanang maging seryoso pero hindi ko na napigil ang sarili kong matawa. Maluha-luha akong humagalpak ng tawa habang hinahampas siya sa balikat. Maya-maya pa ay matalim itong tumingin sa akin, seryosong-seryoso talaga ito. Para siyang matandang bagong gising na hindi mo pwedeng biruin. "Bakit? Ngayon ikaw naman ang nadali ko, anong tumatakbo sa isip mo?" Biro ko pa dito. Patuloy ako sa pagtawa habang siya ay maitim pa ring nakatitig at parang nagtitimping huwag akong masapak. Well, sorry ka Orwa. Mas magaling pa rin ako sa 'yo. Ilang saglit pa akong hindi magkaugalapay sa katatawa, nang bigla itong padabog na umalis sa harapan ko. Rinig na rinig ko pa ang malakas nitong pagsarado sa pinto. Halos magiba na ito sa sobrang pwersa niyang isara. Ano daw kaya iyon? Pikunin, ay. Samantalang siya ang unang gumawa nito sa akin. Ang saya pala nitong asarin, mukhang makakaganti ako sa kaniya. Kahit nakakatakot siyang magalit, gusto ko pa rin itong gawin. Muli akong uminom ng tubig bago pumasok sa kwarto. Sa tuwing naiisip ko ang reaction ni Orwa kanina hindi ko mapigil matawa, ano kaya kung palagi ko itong gawin sa kaniya? Tingnan ko kung sino sa amin ang marupok at marumi ang pag-iisip. Mukhang nakatulong ang ritwal na alis karupukan, kanina. Ayos, sana dati ko pa ginawa ang ritwal na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD