Bakit ba minsan; hindi pala minsan, kung hindi madalas na lang akong sinusubok ng pagkakataon? Palagi na lang ma hadlang sa kung paano ko gustong maging masaya para lang sa sarili ko? Ang hirap nito lalo na kung kasama ko si Orwa tapos si Sir Tyron pa ang makakasalubong ko o hindi kaya ang kakausap sa akin? Kung hindi naman siya, si Lyka naman ang mangugulo kay Orwa. Bakit gano'n? Noong wala pa si Orwa at hindi ko pa inaalay sa akniya ang buong puso ko, hindi ako pinapansin ni Sir Tyron? Ang ganitong bagay, kasama ba ito sa kung ano ang kahaharapin ko sa mga susunod na araw? May kinalaman din ba 'to kay Orwa? “Bakit umuwi na tayo agad? Ang sabi mo gusto mong manood ng sine?” tanong ni Orwa nang makapasok na kami sa loob ng bahay. “Hindi na, dito na lang tayo manood. May mga movies nama

