Chapter 2
Chien's Pov
Maaga ako nagising. Napatingin ako sa salamin. Inayos ko sa sarili ko namamaga kasi kakaiyak ko. Tinignan ko kung may text man lang galing sa kan'ya. Galit nga siya sa'kin wala man lang text ako nareceive nang bigla ako nakaramdam ng gutom. Hindi nga pala ako nakakain ng maayos. Nagluto ako almusal. Dahil sa wala pasok. Naglaba ako at naglinis ng bahay. Nang hapon na nakatingin ako sa cp ko, hindi pa rin niya ako nagawang tawagan o itext. Ngayon lang niya ginawa 'to. Kahit naman may hindi kami na pag unawaan. Nagawa niya ako tawagan o puntahan. Naisipan ko puntahan siya. Pagkarating ko sa kanila. Nakasalubong ko siya palabas. Nagulat ako kasama niya si Kim. Nagkatinginan lang kami ni Gariel. Hindi man lang niya ako magawang lapitan. Ako ang kusa lumapit sa kan'ya.
"Puwede ba tayo mag-usap?" sabi ko sa kan'ya.
"Tanga ka ba? Nakita mo may lakad kami ni Gariel." Hinarap ko si Kim. Hindi ko mapigilan tarayan siya. Bakit ba magkasama sila? Sila na ba?
"Please mag-usap naman tayo?" Pangungulit ko kay Gariel. Nakatingin lang si Gariel sa'kin.
"Ano ba umalis ka nga?"
"Hindi ikaw kausap ko! Please Gariel." Nagulat ako ng talikuran ako ni Gariel. Para ako nanghihina sa ginawa ni Gariel. Hanggang sa umalis na sila. Ako naman umalis na rin. Galit nga siya sa'kin. Wala naman ako ginawa masama. Bakit nagagalit siya? Hindi ko na alam saan ako pupunta. Tanging alam ko lang gusto ko mapag-isa. Pumunta ako sa lugar na tahimik. Sa lugar madalas na pinuntahan ni Gariel, dito kami dalawang nakatambay. Nandito ako ngayon sa maliit na kubo. Napaupo lang ako sa sulok. Nakatingala sa langit. Hindi ko na alam saan ako magsisimula parang hindi lang 'to simple tampuhan namin. Kung meron man magalit ako 'yon. Minsan ko na sila pinagdududahan ni Kim. Madalas ko sila makikita magkasama, pero wala siya narinig sa'kin. Hindi ako na galit sa kan'ya. Pero bakit ako minsan ko lang kausap si Jake, pero pinagdududahan niya kami. Wala naman ako ginawa masama sa kan'ya, pero ako hindi ko siya tinanong kahit may naririnig ako about sa kanila. Hindi ko namalayan ang oras gabi na pala, mukha uulan pa. Nagmamadali ako, umuwi, pero naabutan pa rin ako ng ulan. Hinayaan ko na lang nagpaulan na ako. Pagkauwi ko naligo na ako at kumain. Pagkatapos ko kumain, hinugasan ko na mga kinain ko ng bigla may nag doorbell, nagtaka ako wala naman lalabas ng ganitong oras napakalakas ng ulan. Kumuha ko nga payong at nagmadali lumabas. Pagbukas ko nakita ko si Lex nakatayo seryoso mukha niya nakaharap sa'kin.
"Ginagawa mo rito?"
"Ok ka lang?" Nakakunot noo ako hinarap siya.
"Ok lang ako, pumunta ka pa rito para sabihin sa'kin bagay na yan. Isa pa malakas ang ulan. Pumasok ka nga! Magkakasakit ka pa sa ginagawa mo." Nginitian niya lang ako, ako naman ginawa ko hinila ko na siya papasok. Pareho pa kami magkakasakit ginagawa niya. Napasunod lang siya sa'kin.
"Dito ka lang?" Iniwan ko si Lex kumuha ako ng tuwalya at damit niya. Madalas may naiiwan siya sa bag ko. Ang tamad kasi loko 'to, minsan pasimple niya nilalagay damit niya pagkatapos niya maglaro ng basketball. Nagugulat na lang ako kapag makikita ko damit niya. Dahil sa wala ako magawa binabalik ko sa kan'ya kapag nalaman ko na mga damit niya. Tanging ngiti lang ang loko. Bumalik na ako sa labas. Nakatulog na siya. Nakaligo na nga pala siya, tanging tuwalya lang suot niya.
"Ang baboy mo. Magbihis ka nga?" Napamulat siya nginitian niya lang ako.
"Ikaw saan ka nagpunta?" Napa seryoso siya nakaupo sa akin.
"Wala, nag isip isip lang ako."
"Tungkol saan?"
"Wala!" Ayaw ko sabihin sa kan'ya. Ayaw ko makasira ng kaibigan. Alam ko magkaibigan sila ni Gariel, labas sila sa gulo namin ni Gariel.
"Yong isang araw?"
"'Wag na natin pag-usapan bagay na 'yan!" Pinutol ko sasabihin niya.
"Chien! Sorry kung hindi kita maprotektahan, sabihin mo lang Chien. Kahit ngayon Chien."
"Lex! Puwede manahimik ka. Hindi ka makakatulong." Nanahimik na lang si Lex para kaming istatwa pagtitinginan lang. Alam ko nag alala siya para sa'kin, pero kaya ko pa naman. Hindi ako susuko basta basta, ipaglalaban ko pa rin pagmamahalan namin ni Gariel, hanggang sa marealize niya na mahal pa rin niya ako at handa patawarin anuman kasalanan ko sa kan'ya. Simple tampuhan lang 'to. Napatingin ako sa katabi ko nakatulog na si Lex. Ginising ko siya para naman hindi siya mahirapan sa pagtulog niya. Buti na lang hindi ako nahirapan gisingin ang loko 'to. Nginitian niya lang ako at tulog ulit. Napahiling na lang ako. Nasanay na ako sa kalokohan ni Lex. Nilock ko na lang pintuan, baka may makapasok ng magnanakaw si Lex pa masaktan. Ako naman pumasok na sa loob ng padapa ako sa kama. Ang dami nangyari ngayon araw. Una 'yong hindi pagpansin ni Gariel sa'kin, pero kasama niya si Kim. Pangalawa biglang pagbuhos ng ulan, para hindi ko maramdaman ang sakit nararamdaman ko ngayon at ang huli pagdating ni Lex na bihira ko siya makakausap dahil sa hindi naman kami nag uusap dalawa kahit na iisang room lang kami. Pipikit ko na lang mga mata ko napatingin ako sa cp ko. Bigla na lang kasi umilaw, nagmamadali ako kunin phone, baka sakali si Gariel ang nagtext sa akin, pero iba nagtext si Kuya Chiz lang kinakamusta ako. Dahil sa nababalitaan masama ang panahon. Kaya naman pala bigla na lang bumuhos ang ulan, ngayon ko lang napagtanto kung bakit andito si Lex dahil sinasamahan niya ako.
"Ok lang ako!" Nirelplayan ko si Kuya Chiz para hindi sila mag alala Inoff ko na phone ko pagkatapos ko mag text sa kuya ko. Tumayo ako binuksan ko bintana. Grabe ang lakas ng hangin. Sa dami ng iniisip ko, hindi ko namalayan na may bagyo na pala, tanging nasa utak ko lang si Gariel, nawala naman pakialam sa'kin. Hindi man lang niya ako magawa kamustahin talaga pinanindigan niya wala na kami. Gano'n lang 'yon, hindi man lang niya ako magawa kausapin mahirap ba magpatawad? Nakisabay ako sa buhos ng ulan at hangin naiiyak na lang ako. Nahihirapan na ako, hindi ko na alam kung tama ba ipaglaban pa relasyon namin o hahayaan ko siya masaya sa iba? Kung gano'n kailangan ko ihanda sarili ko na wala na kaming dalawa, pero hindi ko kaya sigaw ng utak ko. Napahiling na lang ako para kang sirang plaka nag iimagine ang dami gumugulo sa utak ko. Napadapa na lang ako sa kama ko. Pilit ko inaalis lahat nasa isip ko hanggang sa nakatulog ako.