Chapter 1
Chapter 1
Chien's Pov
Napalapit ako kay Jake nang matanaw ko siya nag-iisa nakaupo sa malaking puno. Hindi niya ako napansin masyado malalim iniisip niya. Napaupo ako sa tabi niya. Nagulat siya ng makita niya ako. Nginitian ko lang siya. Ang dami namin napag-usapan ni Jake ng bigla na lang hilahin ni Gariel si Jake. Nagulat ako sa ginawa ni Gariel. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Ano 'to?" Walang sabi sinapak niya si Jake. Ako naman natulala lang habang mga kasama niya, wala man lang ginawa.
"Diba!" sabi ko sa'yo mataray sabi ni kim kan'ya. Ako naman naguluhan. Ano sinasabi ni Kim kay Gariel.
"So! Totoo pala may relasyon kayo ni Jake." Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya siya naparito pala pagbintangan ako na may relasyon kami ni Jake.
"Ano sinasabi mo?" sabi ko sa kan'ya
.
"'Wag ka nga girl mag-kunwari. Sinabi ko naman sa'yo Gariel, matagal ko na sila makikita magkasama. Niloloko ka lang ng girlfriend mo. Matagal na may relasyon dalawa na 'yan. Ngayon sabihin mo sa akin kung sinisiraan lang kita." Napatingin ako masama kay Kim. Ano sinasabi niya?
"Wala kami relasyon," sabi ko sa kan'ya.
"Tangina Chien naglolokohan ba tayo! Kitang-kita ng dalawang mata ko. Tapos magsisinungaling ka pa, harap-harapan pa talaga. Wow! Ah, talaga lang dito pa kayo nagyayakapan. Tapos dedeny mo pa." Napaatras ako sa sigaw ni Gariel.
"Wala naman talaga," madiin ko sabi sa kan'ya.
"Hoy! Jake sabihin mo, wala naman talaga." Tanging tahimik lang si Jake at wala man lang siya ginawa.
"Gago ka! Pinagkatiwalaan kita." Sabay sapak ni Gariel sa kan'ya. Inawat ko sila dahil naaawa ako kay Jake. Ang loko hindi man lang lumaban. Hindi man lang ipagtanggol sa sarili niya. Hinayaan lang niya nabugbog siya ni Gariel.
"Ano ba?" Hindi ko mapigilan sigawan si Gariel. Natawa bigla si Gariel hinarap ako.
"Talaga siya pinili mo!" Naiinis na ako sa kan'ya. Ano ba pinagsasabi niya? Nalilito na ako. 'Wag niya sabihin pinaniniwalaan niya si Kim. Kahit kailan hindi ko magawa manloko. Dahil wala ako ibang minamahal siya lang. 'Wag niya sabihin mas pinaniniwalaan niya si Kim na ako kasama niya, na ako girlfriend niya.
"Makipaghiwalay ka na sa kan'ya," sabi ni Kim sa kan'ya. Nakaharap ako kay Gariel. Mukha ni Gariel nakasalubong dalawang kilay. Sabay alis niya.
"Sabi ko sa'yo, akin lang si Gariel!" Sabay tawa ni Kim. Napatingin ako sa mga kasama niya nakatawa din ang mga loka loka. Iniwan na nila kami. Napatingin ako kay Jake, naawa ako sa mukha niya. Halos hindi ko siya mamukhaan sa tindi ng galit ni Gariel sa kan'ya. Kung hindi ko pa naawat mukha babasagin niya pagmumukha ni Jake.
"Sorry!" sabi niya sa'kin. Tahimik lang ako hanggang ngayon nalilito pa rin nangyayari. Nakaharap ako nakasalubong dalawang kilay. Pinagsasabi niya.
"Bakit ka nagsosorry! Wala naman tayo ginagawa masama. Nag-uusap lang naman tayo."
"Pero nakita niya nakayakap ka sa'kin!" Hindi na lang ako nagsalita. Sa totoo lang nahihirapan ako paano ko ipapaliwanag kay Gariel. Kilala ko siya. Alam ko kapag galit siya wala siya paniniwala iba. Bakit humantong pa sa ganito, magkasakitan sila.
"Tara na!" sabi ko sa kan'ya.
Tiningnan lang niya ako. Nagkunwari lang ako nakangiti. Kahit na ramdam ko ang kaba. Paano kung makipaghiwalay nga si Gariel? Kaya ko ba? Siya kasi first boyfriend ko. Bumalik na kami sa loob. Ito na kasi last JS PROM namin. Kinausap ko siya dahil nakita ko siya mag-isa. Ramdam ko malungkot siya, malapit din kasi ako sa kan'ya. Hindi ko akalain isang iglap mag aaway kami ni Gariel sa simple usapan lang. Napatingin ako sa kanila. Magkasama si Gariel at Kim, magkadikit pa ang dalawa, mukha nag-uusap. Tapos nakatawa pa si Kim. Gusto ko siya sabunutan, pero hindi ko magawa. Sa inis ko lumabas lang ako, gusto ko na umuwi. Pauwi na ako ng nakasalubong ko mga kaibigan ni Gariel. Tahimik lang sila tinignan ako. Hindi ko na sila pinansin. Wala ako sa mood makipag usap sa kanila. Nag abang na ako sa sakyan.
"Chien!" Napalingon ako sa tawag ni Shane. Nakalimutan ko nga pala mga kaibigan ko.
"Saan ka pupunta?" Lumapit sila sa'kin.
"Uuwi na ako," mahina ko sabi
"Bakit?" Nakakunot noo ako hinarap ni Shane. Ibig sabihin hindi nila alam.
"Aalis ka! Alam mo ba kanina pa ako naiinis sa Kim na 'yon. Kung maka buntot kay Gariel, akala mo siya girlfriend." Tahimik lang ako sinabi ni Shane.
"Teka nga bakit hindi mo kasama si Gariel?"
"'Wag ka na nga matanong? Sasama ka ba samin ni Chien uuwi o maiiwan ka?"
"Anong sasama! ako lang!" sabi ko kay Dave.
"No! Kung uuwi ka. Anong saysay manatili pa ako rito."
"Hala!" sabi ko na lang. Hindi ko mapigilan umiyak. Lumapit si Dave niyakap niya ako.
"Sabi ko naman sa'yo, 'Wag ka kasi masyado magtiwala kahit kanino. Ano na pala mo? Sinaktan ka ngayon, iniwan sa ere. Tapos asan siya ando'n nagpapasaya sa iba. Kanina ko pa gusto manapak tangina Chien. Tapos siya nagawa pa niya magsaya matapos ginawa niya sa'yo."
"Teka! Anong meron?"
"Bobo ka ba o sadyang tanga ka?" sabi ni Dave kay Shane.
"Alam mo?" sabi ko kay Dave. Tumango lang si Dave sa'kin.
"Nando'n ako," sabi niya.
"Nando'n ako ang nangyari lahat. Pinigilan ko lang sarili ko Chien. Pinigilan ko lang manapak. Gago siya pinaniniwalaan niya iba."
"Na ano?" Takang tanong ni Shane sa'min.
"Wala!" Sabay hila ni Dave sa'kin. Umalis na kami. Tahimik lang ako nakasakay sa kotse ni Dave, habang si Shane, panay tingin lang sa'min. Alam ko naguguluhan si Shane nangyayari, hindi niya magawang magtanong dahil kanina pa siya binabara ni Dave, kahit gano'n hindi magawa mainis ni Shane kay Dave dahil ramdam ko palihim may gusto si Shane kay Dave. Namalayan ko na lang napahinto sasakyan ni Dave ako una niya inatid. Nagpaalam na ako sa kanila. Pagkaalis nila, ako naman pumasok na nakaupo ako sa sopa. Napaisip ako sa nangyari kanina. Hindi ko napigilan umiiyak. Ang dami gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung ano sinabi sa kan'ya ni Kim para siraan niya ako, pero bakit siya naniniwala sa bagay na hindi naman totoo. Kilala niya ako, alam niya siya lang lalaki minahal ko. Bakit madali lang sa kan'ya bagay na 'to? Iiwan niya ba ako? Ipagpapalit niya ba ako? Pinikit ko mga mata ko. Hindi ko na kaya masakit ang ulo ko kaiisip sa bagay na wala naman katotohanan hanggang sa Nakatulog ako.