MAHIGIT isang linggo akong nanatili sa ospital. Ang sabi naman ni Caspian ay hindi ko na kailangang magtagal doon dahil okay naman na ako at wala namang problema sa baby ko. Pero dahil sa pagpupumilit ng asawa ko na manatili pa kami roon para masigurong okay na talaga kami ng anak namin, wala na rin akong nagawa kun’di ang pagbigyan siya. Sa ilang araw na pananatili ko sa ospital, hindi ako iniwanan ni Hideo kagaya sa sinabi niya sa akin. Lagi siyang nasa tabi ko para alalayan at alagaan ako. Siya ang gumagawa lahat para sa akin. Nalaman ko rin mula sa kaniya na wala na si Damiano, ang kapatid niya na dumukot sa akin. Hindi na niya ikinuwento sa akin ang lahat ng nangyari nang araw na nadukot ako, pero sigurado akong wala na akong dapat na ipag-alala tungkol sa mga taong nanakit sa akin

