“HEY, WIFE!” maingat na iniangat ni Hideo ang ulo ni Ysolde at ipinatong niya iyon sa kaniyang braso habang masuyo niya ring hinaplos ang pisngi ng asawa. Bahagyang nagmulat ng mga mata si Ysolde at tumitig sa kaniya, ngunit ilang saglit lang din ay muli itong pumikit. Mapait na ngumiti si Hideo at hinalikan sa noo ang asawa. “You’re safe wife. You’re safe.” Aniya at niyakap ito nang mahigpit. Ngayon, kahit papaano ay nawala na ang takot at pangamba sa kaniyang puso para sa kaniyang asawa. Labis din siyang nagpapasalamat kay Guilherme at Giuseppe dahil sa pagtulong ng dalawa na mailigtas ang kaniyang asawa. Muli niyang hinalikan ang noo ni Ysolde pagkatapos ay binalingan niya ng tingin ang tiyan nito at hinaplos niya iyon. “How are you buddy?” tanong niya. Nangunot naman ang noo ni Giusep

