SERYOSONG nakatuon lamang sa unahan ng sasakyan ang paningin ni Hideo nang bigla siyang makadama ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Wala sa sariling napahawak siya sa tapat ng kaniyang dibdib at napakunot noo. Mayamaya ay biglang sumagi sa isipan niya ang kaniyang asawa. Wife! Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya sa ere pagkuwa’y nagmamadali siyang kinuha sa dashboard ang kaniyang cellphone at tinawagan si Ysolde. Ngunit panay ring lamang ang kabilang linya. Sinubukan niya ring tawagan si Arn, pero ganoon din. Panay ring lamang at walang may sumasagot. Tiim-bagang na muli siyang napabuntong-hininga nang malalim pagkuwa’y mabilis na kinabig ang manibela upang mag-Uturn. Malapit na sana siya sa kaniyang opisina pero hindi na siya tumuloy roon dahil sa kakaibang kaba at pag

