PAGKADATING ko sa office ko ay kaagad kong tinapos ang trabaho kong naiwan ko kahapon. Wala pang kalahating oras ay natapos naman agad ako. Iniligpit ko agad ang mga gamit ko para makaalis na rin ako. Nangako kasi ako kay Hideo kanina na saglit lang ako at babalik din agad ako sa bahay niya. Mayamaya ay pumasok si Maya sa office ko. “Ma’am nasa line two po si Mr. Heracleo!” anito. “Thank you, Maya.” Saad ko at kaagad na kinuha sa lalagyan ang telepono ko. “Hello po, Mr. Heracleo, good morning po!” “Hija, how are you?” “Okay naman po.” Saad ko. “Pasensya na po pala kayo kung hindi na po ako nakabalik kagabi. Medyo... um, nahilo na po kasi ako dahil sa alak e.” Pagpapaliwanag ko rito. “That’s okay hija I understand you. Tumawag lang din ako ngayon para kumustahin ka. I was worried about

