DAHAN-DAHAN akong kumalas sa mahigpit na yakap sa akin ni Hideo. Kaagad na ikinulong ko sa mga palad ko ang mukha niya at ako na ang kusang humalik sa mga labi niya. Pinaliguan ko ng halik ang pisngi niya, paulit-ulit kong hinagkan ang mga labi niya. “I missed you so much.” Saad ko sa kaniya. Ngumiti naman siya ng malapad at pinunasan ulit ang mga luha sa pisngi ko. “Sabi ko na nga ba’t naggagalit-galitan ka lang sa akin. But deep inside of you, you missed me and you still love me.” Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ilalim kong labi at muling ipinulupot sa leeg niya ang mga braso ko. Oh, God, sobrang gaan ng puso ko ngayon. Pakiramdam ko biglang naglahong parang bula ang galit, hinanakit at lungkot na nararamdaman ko sa loob ng isang taon dahil sa pagkawala ni papa. Dahil sa naging

