NAKAPIKIT ako nang maramdaman kong unti-unting pinakawalan nito ang mga labi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko. At sa pagkakataong ito, nakabukas na ang ilaw sa loob ng function hall na ito. Unang bumungad sa paningin ko ay ang mukha ni Hideo. Mataman siyang nakatitig sa mga mata ko. Oh, I knew it. Siya nga! Kilala ko talaga ang perfume niya. Kahit madilim kanina sigurado na akong siya nga ang humila sa kamay ko at dinala ako rito sa loob. “H-hideo!” sambit ko sa pangalan niya. Nakapulupot pa rin sa baywang ko ang isang braso niya habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa pisngi ko. Ngumiti siya sa akin. Oh, I missed that smile. Kahit tumubo na naman ang bigote at balbas sa mukha niya na halatang isang linggo na atang hindi naaahit, but he still damn handsome.

