Chapter 9: Walang Malisya

1139 Words
Pagkatapos kong maligo ay naka tulog ako sa aking kama gusto ko lang sana magpahinga kaso nakatulugan ko siguro ang pagod. “Anong pagod ba ang sinasabi mo?” tanong naman ng isip ko. Hindi ko ginusto yun kusaa ang katawan ko na nag utos para gawin ko yun. Dali dali akong bumangon para bumaba para tumulong sa kanila. Mabilis akong naglakad pababa at nakita kong busy nga ang mga kasamahan ko parang naka uwi na si Senyora Nora. Nakapasok na ako ng kusina at nakita si Aling Maris na ngumingiti habang nagluluto ito sa kusina. “Ang saya natin Aling Maris ahh alam ko yan kung bakit ganyan ka kasaya dahil nakarating kana sa langit,” wika ng aking isipan. “Oh Liza kanina pa kita hinahanap nasaan ka ba galing?” tanong nito. “Sa kwarto lang po Aling Maris nakatulog po ako kanina magpapahinga lang sana ako,” sagot ko naman sa kanya. “Kaya pala hindi ka na bumaba at hindi kita nakita rito.” “Hinanap din kasi kita kanina Aling Maris wala ka rin dito hindi kita nakita saan ka po ba kanina?” sabay tanaw ko sa kanya. “Nandoon ako sa maids quarter Liza nagpapahinga.” “Kaya pala Aling Maris hindi kita makita rito masarap siguro din ang pahinga mo.” “Oo Liza napagod kasi ako Liza kanina.” “Ganun po ba Aling Maris siya nga po, anong maitutulong ko po sa inyo rito Aling Maris?” “Puwede pakihiwa ng mga Carrots Liza alam kong alam mo na kung paano yan hihiwain.” “Opo Aling Maris, sige ho.” “Salamat naman Ineng.” Ginawa ko nga ang sinabi ni Aling Maris kumuha ako ng kutsilyo at sinimulan ang gawain. “Naka uwi na po ba si Senyora?” “Oo Liza kararating lang kanina bago ka bumaba rito, nagpapahinga doon sa kwarto pagod yata sa biyahe.” “Saan nga po galing si Senyora?” pag uusisa ko kay Aling Maris. “Nako Liza, huwag ng maraming tanong kasi hindi ko rin alam iha mas mabuti pang bilisan mo na diyan dahil iyan ang isusunod ko sa paghalo.” “Sige po Aling Maris.” Nagtataka tuloy ako kong bakit hindi alam ni Aling Maris kung saan galing si Senyora baka alam nito pero ayaw lang sabihin sa akin. Bakit nga ba ako nag uusisa ehh alam ko naman na kahit kailan o saan lalakad si Senyora ay puwedeng puwede dahil marami silang pera saka may mga negosyo silang pinamumunuan. “Heto na po Aling Maris natapos ko na.” “Sige Liza ilagay mo diyan sa tabi salamat.” “May ipapagawa pa po ba kayo?” “Oo Liza puwede bang mag sain ka ng kanin para sa atin hindi pa kasi nakasaing si Mae kasi may ginagawa rin siya.” “Oo Aling Maris ako na po ang bahala, sige ho.” Sinunod ko ang utos ni Aling Maris pumunta ako sa may dirty kitchen para doon mag saing ng kanin dahil doon yung rice cooker na para sa amin. Alam ko na kong ilang cup ang isasaing ko dahil marami kami. Akala ko nga nakàsaing na sila kasi anong oras na kaso hindi pa pala baka abala sila kanina nung natutulog pa ako kasi hindi sila nakapag saing. Nagbantay ako hanggang sa naluto na yung kanin nandito lang ako naka upo sa upuan habang nakatingin sa rice cooker. Napa isip ako hindi siguro si Mang Kanor ang nagsundo kay Senyora kasi nandoon siya kay Aling Maris ehh. Nagtataka tuloy ako kong sino ang sumundo kay Senyora. Bakit ba ang dami kong iniisip wala naman akong paki alam doon kasi alam kong marami naman silang tauhan na hindi ko alam o kakilala. “Liza, nandito ka lang pala,”biglang sabi ng kasamahan ko. “Nako, nakakagulat ka naman bigla bigla ka na lang nagsasalita diyan.” “Saan ka ba kanina hinanap ka namin akala namin umuwi ka sa inyo?” “Wala, hindi ako umuwi nandoon lang ako sa kwarto nakatulog.” “Ayy! Ganun ba kung alam lang namin edi sana ginising ka namin sa kwarto mo ang dami kasi naming ginagawa kanina saka hindi pa namin mahanap si Aling Maris akala nga namin magkasama kayo ehh,” mahabang paliwanag nito. Hindi tuloy ako agad nakasagot sa kasamahan ko dahil initindi ko pa ang sinabi nito. Kaming dalawa pala ang hinahanap nila kanina siguro yun yung panahon na pumunta ako kay Aling Maris sa maid quarter tapos natagalan dahil nanood pa ako sa kanila ni Mang Kanor. Hindi ko rin nakita pa si Mang Kanor siguro nagpapahinga iyon. “Ahh ganun ba bakit niyo pala ako hinanap?” tanong ko naman sa kanya. “Kasi nautusan kasi ako ni Senyorito na hanapin ka kasi may mahalaga daw siyang pakay sayo.” Kumunot ang aking noo sa sinabi nito. Ano na naman kayang ibig sabihin ni Senyorito. Baka may ipapagawa lang ito sa akin kaya ako ang hinanap. “Natanong mo pa kung anong pakay niya sa akin?” “Hindi na Liza kasi nahihiya ako para ngang hindi ako makapag salita pag kaharap ko siya magtatanong na kaya.” “Sige magtatanong na lang ako kung magkita kami.” “Mas mabuti pa Liza dahil kung ako yung tatanongin mo wala rin akong alam hindi rin siya nagsabi.” “Hayyyy, nakakapagod maglinis.” Hindi na lang ako sumagot sa sinabi nito dahil alam kong totoo naman ang sinabi nito. Walang gawain na madali at hindi nakakapagod. Hinayaan ko siyang maka pagpahinga sa aking tabi habang minamasadan ko ang sinasaing ko kahit okay na iyon at luto na. Tumayo ako para kunin ang rice cookeer. “Mabuti na lang at nagsaing ka na Liza hindi kami nag atubili kanina dahil may ginagawa.” “Inutusan ako ni Aling Maris akala ko nga tapos na ehh kaya nagtataka ako.” Alam kong matagal pa kami makakain dahil may aasikaso pa sa kanila at alam kong nagugutom na itong mga kasamahan ko dahil sa ginagawa nila kanina. Iniwaan ko muna ang kasamahan mo doon para tingnan si Aling Maris may kutob na rin ako na tapos na siya sa pagluluto. “Aling Maris tapos na ho kayo may gagawin pa ba?” “Ayos na Liza kumakain na sila Senyora at Senyorito.” “Okay po Aling Maris.” “Bakit nagugutom ka na ba?” tanong nito sa akin. “Hindi pa naman ho pero yung iba ho baka gutom na sila kasi may ginawa pala sila kanina Aling Maris hindi ako nakatulong sa kanila dahil nakatulog ako sa itaas.” “Ohh siya sige, puwede na kayong magsi kain Liza sumabay kana sa kanila mamaya na ako sasabay na ako kay Mang Kanor mo,” walang malisyang sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD