Ika-Walong Kabanata - Sabay

1773 Words
Unang araw ni Selena bilang personal maid ni Kiel at ramdam na niya ang pressure kapag kasama ang lalaki. Katulad na lamang nang umagang iyon... "I'm always having a hard time looking for my things. My room is a total mess and I want you to clean it." Nagulat siya nang marinig ang boses na iyon ni Kiel. Nakatayo na pala ito sa pintuan at naka cross arms pa. Nagkatinginan sila ni Manang Aida na noo'y palabas na sana sa kuwarto habang siya naman ay nakahanda na sa pagpasok. "S-señorito... P-puwede po bang pagkauwi ko na lang mamayang hapon?" kinakabahan siya sa sinabi niyang iyon dahil hindi niya alam kung tama bang iyon ang isinagot niya. Tumalikod naglakad na palayo roon si Kiel bilang sagot sa kaniya. Hindi niya tuloy malaman kung anong gagawin. "Pumasok ka na. Tingin ko ay okay naman siya sa sagot mo. Masanay ka na lang na ganoon ang señorito. Kung tumanggi man iyon, sasabihin niya," saad ni Manang Aida sa kaniya. "Parang... Silence means yes po siya?" paniniyak niya pa sa mayordoma. "Parang ganoon na nga, Selena," nakangiting tugon ni Manang Aida. Napahugot na lang siya ng malalim na hininga bago rin tumango kay Manang Aida. Kinuha niya na ang kaniyang bag at sumabay na siya kay Manang Aida sa paglabas sa kuwarto nila. "Selena, buti naman at naabutan ka pa namin," paglapit ni Señora Shiela sa kaniya na kabababa lang sa hagdanan. Hindi pa siya nakakalabas sa mansiyon kaya naman nakita pa siya ng señora. Sa likod nito ay kasunod si Señor Clenton. Napaisip siya kung sinabi ba ni Kiel sa kanila ang tungkol kanina. Baka nagreklamo si Kiel na hindi niya kaagad ginawa ang ipinag-uutos nito sa kaniya. "Isasabay ka na namin magmula ngayon, Selena. Para hindi ka na mapagod maglakad palabas dito hanggang sa sakayan ng tricycle," si Señor Clenton ang nagsalita. "P-po? Nakakahiya naman po... Kaya ko naman po at nakasanayan ko na rin," ilang na sabi niya sa mga ito. "Huwag ka ng tumanggi, iha. Kami rin naman ay araw-araw umaalis kaya ayos lang kung isasabay ka na namin," saad ni Señora Shiela at inakay na siya nito palabas ng mansiyon kaya mas lalo na siyang hindi nakatanggi. Nakalabas na ng gate ang sasakyan nang matanaw niya sa hindi kalayuan si Kiel. Naglalakad ito. Hindi niya tuloy naiwasang mapatingin kay Señora Shiela na siya niyang katabi sa backseat habang si Señor Clenton ay nasa shotgun seat. Kung hindi siya kasabay ng mga ito ay ang mag-asawa ang magkatabi roon sa backseat habang mag-isa lang ang driver sa harapan. "He doesn't want to—" napayuko si Señora Shiela at hindi na naituloy ang mga sasabihin sana. Ngunit nahulaan niya naman kung ano sana ang sasabihin ng señora. Naglalakad ngayon si Kiel palabas ng Ciero Mil at hindi nila kasama sa loob ng sasakyan dahil ayaw ng lalaki. Nakaramdam siya ng inis dahil doon kahit na hindi niya naman alam kung saan pupunta si Kiel. Naawa kasi siya bigla sa mag-asawang Lemman. Tila napakasuwail ni Kiel na anak para sa kaniya. At mas lalo siyang naiinis dahil nga hindi niya makumpirma iyon. Pasimple siyang tumanaw sa bintana nang lagpasan na ng sasakyan nila ang naglalakad na si Kiel. Nakapantalon ang lalaki at rubber shoes na puti. Ang pang itaas nito ay isang makapal na kulay gray na pull over. Hindi niya alam kung maaawa rin ba siya sa lalaki. Narinig pa niya ang malalim na pagbuntonghininga ng señor mula sa kinauupuan nito. Kahit na gusto niya sanang magtanong kung bakit ganoon si Kiel sa mga ito ay hindi niya naman magawa. Lalabas naman siyang nakikialam sa problemang pampamilya ng mga ito... Pero bukod doon, gusto niya rin sanang malaman kung saan ba pupunta si Kiel. ************** Napaangat ang ulo ni Selena nang marinig ang bell hudyat na tapos na ang unang subject nila. "Tomorrow will be the distribution of your books, so don't be absent," paalam ng teacher nila. Habang hinihintay nila ang next teacher ay nagsimulang mag-ingay ang loob ng klase. Kaniya-kaniyang tanungan ang mga ito at nagpapakilala sa isa't-isa. Tahimik lang naman siyang nagmamasid sa mga kaklase. Isa-isa niyang tinitigan ang ilan sa kaniyang mga kaklase upang makita o maramdaman kung sino ang mga mababait o maaari niyang makasundo. Ginawa niya iyon hindi para makaiwas sa mga mararamdaman niyang hindi niya makakasundo kundi para tingnan kung nawala ba ang kakayanan niyang iyon. Ang katabi niyang babae na nerdy look ay naramdaman niyang hindi niya masyadong makakasundo. Hindi dahil sa mataray ito, kundi dahil mukhang ayaw nito sa mga kagaya niyang hindi nerdy look. Feeling niya ay isang nerd lang din ang makakasundo ng katabi niya. Natapos ang dalawa pa niyang subject at nananatiling si Kiel ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Iyon ay dahil sa binabalot talaga siya ng pagtataka tungkol sa lalaki dahil bukod tanging ito lang ang hindi niya makita o maramdaman ang pag-uugali. Papunta na siya sa canteen para kumain ng lunch nang biglang may tumawag sa kaniya. Ito ang kaklase niyang nakaupo sa katabing row na katapatan ng kaniyang kinauupuan sa bandang left side niya. "Can I join you?" tanong ng babae nang tuluyan ng makalapit sa kaniya. Tinitigan muna niya ito. "I-If you don't mind," napangiwi pa ang babae dahil sa paraan ng pagtitig niya rito. "No, it's okay," mabilis na niyang sagot sa pangambang baka isipin pa nitong mataray siyang tao. Napangiti ang babae. "I'm Shane Bautista," pakilala nito at inilahad pa ang kamay. Malugod niya naman iyong tinanggap at sinabi niya rin ang pangalan niya rito. Sabay na silang naglakad papuntang canteen nang may mahagip ang mga mata niya. Si Kiel. Natataranta tuloy niyang nahatak sa braso si Shane upang makaiwas na makita siya ni Kiel. "Why?" napakunot noo naman si Shane. "Sorry, may iniiwasan lang ako," paghingi niya ng paumanhin. Kahit nakakahiya sa bagong kakilala ay kinarir niya ang paglakad nang dahan-dahan habang nakayuko at hawak ang kamay ni Shane. Kapag dumeretso kasi sila sa dinadaanan ay may posibilidad na makita siya ni Kiel dahil nakatayo lang ang lalaki sa bandang gilid. Ipinagtataka niya pa kung anong ginagawa ni Kiel doon sa eskwelahan nila. Hindi naman siguro siya nito hinahanap para roon sa kuwarto nitong ipinalilinis sa kaniya. Laking pasasalamat niya nang makalayo na sila nang tuluyan doon. "I saw who you're looking at," saad ni Shane nang maglakad na silang muli. "Amo ko kasi iyon... Pero... Basta," hindi niya alam kung paano magkukwento rito lalo na at kakakilala lang nila. "Amo?" napatigil sa paglalakad si Shane. Nagtaka naman siya sa inakto ni Shane. Hanggang sa maisip niyang baka ayaw ni Shane magkaroon ng kaibigan na kagaya niya kahit pa mabait ito. Baka namimili rin ito ng kakaibiganin... "H-hindi ka mayaman?" tanong pang muli ni Shane. Sinasabi na nga ba niya. Maaari niya ngang maramdaman kung mabait o hindi ang isang tao ngunit hindi niya naman makokontrol o malalaman kung anong gustong ganap ng mga ito sa buhay nila. "M-mauna na ako sa canteen... Sorry kung nagkamali ka ng akala sa akin," walang hinanakit na wika niya bago siya tumalikod dito. "Wait!" habol ni Shane sa kaniya. "I'm sorry, hindi iyon ang ibig kong sabihin..." Nakinig siya sa mga sumunod na sinabi ni Shane at hindi niya inaasahan ang mga iyon. "A-akala ko kasi mayaman ka kaya nagpanggap pa tuloy akong sosyal... Pa english-english pa ako sa 'yo," nahiiyang ani Shane. Napatawa na lang siya sa narinig at sa huli ay magkasama rin silang kumain. Sabay na bumalik sa classroom at sabay ulit nag-break time. Pakiramdam niya ay nakahanap siya ulit ng kagaya ni Ellaine. Sabay din silang lumabas ng eskwelahan. Parehas silang sabay nagpunta sa paradahan ng tricycle at doon na sila nagkahiwalay dahil magkaiba ang daan nila. "Ciero Mil ka rin 'di ba? Dito ka na sumakay," naagaw ang atensiyon niya sa nagsalitang iyon. Iyon ang driver na sinakyan niya dati. Napansin niyang may nakasakay na sa loob ng tricycle na hula niyang sa Ciero Mil din ang punta. Napangiti siya dahil ibig sabihin ay hindi lang naman pala siya ang estudyante roon na taga Ciero Mil. Nagmamadali na siyang lumigid upang sumakay na sa tricycle para lang mapatda sa nakitang nakasakay sa loob. Si Kiel Lemman, ang kaniyang señorito! Ni hindi niya man lang nga naman naalala na nakita niya si Kiel sa loob ng eskwelahan. Kaya pala may papunta rin ng Ciero Mil. Hindi niya tuloy malaman kung paano sasakay o kung sasakay pa nga ba siya roon... "Sumakay ka na, iha, para makaalis na tayo," untag ng driver na nagpabalik sa huwisiyo niya. Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang sumakay na. Ang lakas din ng kabog ng dibdib niya nang umupo na siya sa tabi ni Kiel. Ngunit nagtataka rin siya dahil wala namang imik ang lalaki. Deretso at tila tagusan lang ang tingin nito. Ipinagpasalamat na lamang niya ang bagay na iyon. Pagkahinto ng tricycle sa Ciero Mil ay mabilis na siyang bumaba at iniabot ang bayad niya. Hindi niya rin malaman kung hihintayin na lang din ba niya si Kiel bilang paggalang naman na ito ang amo niya. Ngunit nagulat siya nang sabihan ni Kiel ang driver na ipasok umano ang tricycle sa Ciero Mil. Saka niya naalala na pasok nga pala si Kiel bilang isa sa mga may karapatan na magpapasok ng tricycle roon. Tinanaw na lang niya ang tricycle na nakapasok na sa Ciero Mil at saka na rin siya naglakad papasok. Habang naglalakad siya at tumatakbo naman sa isipan niya kung bakit nasa eskwelahan nila si Kiel kanina. Hindi niya rin ma-gets ang lalaki kung bakit hindi man lang siya nito kinausap o pinansin sa loob ng tricycle. Dahil sa abala siya sa pag-iisip, hindi na niya napansin ang isang itim na van sa kaniyang likuran. Basta na lang siyang tumawid at sa paglingon niya ay saka niya pa napansin ang sasakyan. Akala niya ay mababangga siya nito kaya naman napasigaw siya. Naka-preno naman kaagad ang sasakyan kaya walang nangyaring masama sa kaniya. Ang problema, dahil sa pagsigaw niya ay bigla na lamang nabasag ang ilaw ng sasakyan sa harapan pati na rin ang sa likuran ng sasakyan. "Ayos ka lang ba, iha?" dungaw ng isang may katandaang babae na may halong pag-aalala. Hindi siya halos makapagsalita ngunit mabilis naman siyang tumango dahil kailangan. Hindi maaaring bumaba ang sakay ng itim na van na iyon dahil tiyak na magugulat ang mga ito sa nangyari sa mga ilaw ng sasakyan nila. Nang makaalis na ang sasakyan ay nanlumo siyang bigla. Hindi niya alam kung dapat niya pa rin bang ipagpasalamat na hindi napalakas ang sigaw niya kaya mga nabasag na ilaw lang ang nangyari...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD