Ika-Pitong Kabanata - Personal Maid

1594 Words
Kiel woke up early the next day. Sinadya niyang magising nang maaga upang maabutan ang ama bago pa ito makaalis papuntang trabaho. His father is a CEO of their own company and his mother is the one helping his father to run the said company. "Can you go knock on my parents room for me?" basta na lamang nagsalita si Kiel mula sa likuran ng isa sa mga katulong nila na una niyang nakita pagkababang pagkababa niya sa hagdanan. Saglit namang tila natigilan o nagulat ang katulong. "G-gigisingin k-ko p-po b-ba s-sila, s-señorito?" medyo kinakabahang tanong ng katulong. "What's your name?" sa halip ay tanong ni Kiel. "B-brenda po señ—" "How old are you?" sunod na tanong ni Kiel. "T-twenty s-sev—" "Well, Ate Brenda, I'm asking you to knock on their door which means you're gonna wake them up," pagputol muli ni Kiel bago niya tinalikuran si Brenda. Natatarantang mabilis na umakyat ang katulong na si Brenda sa hagdanan upang puntahan ang kaniyang mga amo. "Tell my father I want to talk to him, only him. I'll be waiting outside," pahabol na sabi ni Kiel bago ito lumabas ng mansiyon. Napasinghap pa si Kiel nang salubungin siya ng malamig na hangin. Alas kuwatro y-media iyon nang madaling araw kaya naman malamig-lamig pa sa labas. Inilibot niya ang paningin sa paligid at napansin niyang nandoon pa rin ang isang wooden seesaw swing na madalas niyang tambayan noon kasama ang kaniyang Ate Kiera three years ago. Dahan-dahan siyang naglakad palapit doon. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatitig sa swing na iyon bago siya nagpasyang maupo roon. Naalala niya pa noong madalas magpatawa ang kaniyang ama sa harapan nila ng kaniyang ate kapag nakikita silang malungkot na nakaupo sa swing. Napapikit si Kiel at pilit na iwinaksi sa isipan ang pagdalaw na naman ng nakaraan sa kaniyang isipan. Sa pagdilat muli ng mga mata niya ay natanaw niya ng nakatayo sa pintuan ang kaniyang ama at tila hinahagilap siya. Sinadya niyang ipagising ito nang maaga upang tingnan kung hanggang saan ang kakayanin ng kaniyang ama sa pananatili niya roon. Iyon ang balak niya. Ang inisin o maging sakit ng ulo ng mga magulang hanggang sa sila na mismo ang magsabi sa kaniyang bumalik na siya ng Australia. Kasama sa plano niya ang pasamain ang kaniyang imahe sa mga katulong kahit na hirap na hirap siya. Hindi naman kasi talaga siya iyong klase ng tao na ganoon o arogante. Alam niyang mali ang ginagawa niyang pagpapasama sa kaniyang imahe ngunit iyon lamang ang naiisip niyang paraan. Ayaw niyang bumalik ng Australia dahil lamang sa sinabi ng Ate Kiera niyang tutulungan siya nitong magsabi sa mga magulang. Ayaw niyang umalis na masama ang loob na kapatid sa kaniya. Ito nga ang dahilan kaya siya umuwi, dahil sa pakiusap ng kapatid. Hindi niya rin naman ito matiis. Kaya gagawa na lamang siya ng dahilan upang ang mga magulang na mismo ang magpabalik sa kaniya sa Australia. "What's the important matter, son?" ang sambit ni Señor Clenton habang palapit ito sa anak. Hindi man lang kinakitaan ni Kiel ng pagkairita ang ama. Sa halip ay tila nag-aalala pa ito sa kaniya. "It's about studying here," sagot kaagad ni Kiel. "And it can't wait until—" kusang hindi itinuloy ni Señor Clenton ang sasabihin. Humawak ito sa bubong ng swing na kinauupuan ni Kiel bago muling nagsalita. "What is it?" "I don't want to enroll at Arvel University where Ate Kiera goes," hindi plano ni Kiel na mapatagal ang usapan nilang mag-ama kaya sinabi niya na kaagad ang nais sabihin. At kasama iyon sa plano niya. Hindi siya puwedeng mag-aral kung saan nag-aaral ang kaniyang ate kung gusto niyang mas maging successful ang pagpapatigas niya ng ulo sa mga magulang. "But Arvel is one of the best school here..." mahinang anas ni Señor Clenton. "I'm not planning to enroll in a private or best school. I want to enroll in a public school," bahagyang dumukwang si Kiel mula sa pagkakaupo sa swing. Mas lalo namang nanlaki ang mga mata ni Señor Clenton. Alam nitong nananadya ang anak na gawin ang mga bagay na ayaw niya sana. "B-but—" "You have to allow me or I will just stop studying. It's up to you," turan ni Kiel bago ito lumabas sa swing. Nilagpasan niya lang basta ang ama upang bumalik na sa loob ng mansiyon. "Oh, and dad, I need a personal maid and I want Selena to be that one," sadyang pahabol pa ni Kiel sa ama. Napahawak na lang naman sa kaniyang sentido si Señor Clenton nang marinig ang pangalan ni Selena. Ayaw niya sana lalo pa at si Selena ang hiniling ng anak na maging personal maid. Ngunit paano naman siya tatanggi sa anak na ngayon niya na lang ulit nakasama? *************** Hindi alam ni Selena kung ano ang magiging reaksiyon sa sinabi ni Señor Clenton. Nasa harapan niya ito ngayon at nandito sila sa kuwarto nila ni Manang Aida. Pinuntahan lang siya roon ni Señor Clenton nang hapong iyon pagkagaling niya sa eskwelahan. At hindi niya inaasahan ang ipinapakiusap nito sa kaniya. "I know, it's kind of frustrating in your part, Selena. Pero isa lang ang nais kong siguraduhin sa iyo... Mabait ang anak ko at naniniwala akong wala naman siyang gagawing hindi maganda sa iyo," untag ni Señor Clenton sa hindi pag-imik ni Selena. Sinabi na kasi ni Señor Clenton kay Selena na gagawin niya itong personal maid ni Kiel. Ang hindi lang sinabi ng señor ay ang katotohanang si Kiel ang nag-request niyon. "Dadagdagan ko ang sahod mo, Selena. Sadyang wala na lang talaga kaming mahanap ni Shiela na halos kasing edad lang ni Kiel para maging personal maid niya. Ayaw kasi ni Kiel ang mga ka-edad nina Manang Aida o ni Fely..." patuloy sa pagsasalitang ani Señor Clenton. "A-Ayos lang po, Señor Clenton," sa wakas ay nagawa na ring ibuka ni Selena ang kaniyang bibig. Bagama't hindi niya gusto ang trabahong ibinibigay sa kaniya ay wala naman siyang magagawa. Lalo na at aminado siya sa sariling hindi talaga maituturing na trabaho ang pagtulong-tulong niya sa kusina. Bukod din doon ay nahihiya siya sa mag-asawang Lemman lalo na at naging maganda ang trato ng mga ito sa kaniya. "Maraming salamat, Selena!" halos mapatalon na lang sa tuwa si Señor Clenton. Masaya siyang maibigay ang mga hinihiling ng anak na si Kiel dahil umaasa siyang mahuhuli niya ulit ang loob ng anak. "K-Kailan po ba ako magsisimulang maging personal maid ni Señorito Kiel?" tanong ni Selena. "I'll talk to him again about that and I'll get back to you," sagot naman ni Señor Clenton bago ito nagpaalam sa kanila. Napabuga naman sa hangin si Selena nang makalabas na sa kuwarto nila ang señor. Ilang segundo lamang at siya namang pasok ni Manang Aida. "May problema ba, Selena? Anong sinabi sa 'yo ni Señor Clenton? Tungkol ba ito kagabi? Tungkol ba sa trabaho mo? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ni Manang Aida. "G-Gagawin daw po akong personal maid ni Señorito Kiel," sagot na rin kaagad ni Selena bago ipinihit ang kinauupuan paharap sa kaniyang study table. "Patawarin..." tila dismayado at may pag-aalalang turan ni Manang Aida. "Hindi naman po ako dapat tumanggi kaya tinanggap ko po... Isa pa ay baka napansin nina señor na wala talaga akong posisyon dito bilang isa sa mga katulong kaya binibigyan na ako ng trabaho talaga," kahit si Selena ay dismayado rin. Hindi dahil sa ayaw niya talaga kundi sa katotohanang hindi niya alam kung makakasundo niya ba si Kiel. Mabilis namang nahawakan ni Manang Aida ang mga kamay ni Selena na nakapatong sa study table. "Mabait naman ang batang iyon. Ngunit nagbago lang ang señorito mula nang—" Napatitig si Selena sa mga mata ni Manang Aida at hinihintay niyang tapusin nito ang pagsasalita. Bigla lang kasing huminto si Manang Aida. "Mula nang ano po, Manang Aida?" nais malaman ni Selena kung ano ang nais sabihin sana ng mayordoma. "Kalimutan mo na, Selena," pag-iwas ni Manang Aida at tumayo na ito upang bumalik na sa pagbabantay o pagtulong-tulong din sa iba pang mga katulong doon. "Wala lang din naman daw kasing makita o mahanap na si Señor Clenton na magiging personal maid ni Señorito Kiel kaya ako na lang daw ang naisip niya," pagbibigay detalye pa ni Selena. Napakunot-noo naman si Manang Aida. Napaisip siya sapagka't alam niyang kumukuha sa agency ang mag-asawang Lemman sa sandaling kailangan nila. Sa katunayan ay galing silang lahat doon sa isang agency. "Ang sabi po ng señor ay wala raw po silang mahanap na halos kaedaran lang ni Señorito Kiel upang maging personal maid nito," tila nabasa naman ni Selena ang tanong sa isipan ni Manang Aida. "Ganoon ba..." napatango-tangong sagot ni Manang Aida. "Kung ganoon ay magpahinga ka na lamang muna para kung sakaling magsimula ka na bilang personal maid ni Señorito Kiel ay hindi ka naman pagod," huling sabi niya kay Selena at nagpaalam na itong lumabas. Nang makalabas na si Manang Aida ay pumikit si Selena. Pinilit niya buuhin ang imahe ni Kiel sa kaniyang balintataw upang malaman niya kung mabait o mabuting tao naman ba si Kiel. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan, tila may kung anong humaharang o pumipigil sa kaniyang kakayanan na maramdaman kung anong klaseng tao si Kiel... Pagdilat niya ng mga mata ay tumayo siya at nagpabalik-balik ng lakad sa loob ng kuwarto. Nakaramdam siya ng pag-aalala at pangamba dahil si Kiel lamang ang bukod tanging tao na hindi niya maramdaman ang awra o klase ng pagkatao nito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD