Malalakas na katok sa pinto ang nagpahinto kay Kiel sa paghiga na sana sa malambot nitong kama. Napailing siya. Siguradong-sigurado siya kung sino ang kumakatok.
"Kiel!"
Hindi nga siya nagkamali nang buksan niya na ang pinto.
"Ate," bahagya pang napakamot sa ulo si Kiel.
"What is that?" nanlalaki ang mga matang singhal ni Kiera sa kapatid habang nakaturo ang daliri sa baba.
"What?" nagkunot-noo pa si Kiel sa kapatid.
"Don't what what me, Kiel!" inis na hinawi ni Kiera ang kapatid sa daan upang makapasok siya nang tuluyan sa kuwarto.
Mabilis namang isinara ni Kiel ang pinto.
"Kiel, halos kararating mo lang 'di ba?" may inis pa ring turan ni Kiera.
"Give me a break, ate," sagot lang naman ni Kiel bago ito tumalon padapa sa kama.
"Give you a break? For what? You did not even bother to greet dad and mom—"
"Stop it. Stop calling her that," seryosong bumangon si Kiel at naupo na lamang sa kama.
Kiera sighed while looking at his brother's eyes. She can see the bitterness.
"Come on, don't look at me like that," iwas ni Kiel.
"You startled our maids out there. And you really made a big mess in the kitchen. Is that how you introduce yourself to them?" napahagod pa sa sariling buhok si Kiera.
"They were the one's who got scared. I did not—"
"I don't know if I'll regret calling you here. If you think we are not worth it, you should go back to Tita Clarisse and forget that I exist, too," dismayado at nasasaktang turan ni Kiera bago ito naglakad palabas ng kuwarto ni Kiel.
Naiwan namang nakatulala sa pinto si Kiel. Kung siya lang, gagawin niya talaga ang sinabi ng ate niya na bumalik na lang siya sa Tita Clarisse niya sa Australia. But what's stopping him is the fact that he pissed off his only sister. Mas gusto niyang bumalik sa Australia, pero hindi niya naman gusto ang mga binitiwang salita ng Ate Kiera niya. Sira na ang relasyon niya sa mga magulang at ayaw niyang pati ang relasyon niya sa kaniyang Ate Kiera ay masira pa.
Tumayo si Kiel upang i-lock ang kaniyang pinto. Nahiga siya sa kama at ipinatong sa noo ang kaliwang braso niya habang nakapatong naman ang kanang kamay niya sa kaniyang tiyan. He remembered what happened when he arrived a while ago. At nalaman kaagad iyon ng Ate Kiera niya kaya ito galit sa kaniya. Pagkarating niya pa lang kasi kanina sa airport ay nakaramdam na kaagad siya ng pagkainis. Nandoon kasi at naghihintay na pala sa kaniya ang mga magulang. Hindi niya ipinaalam o itinawag sa ate niya na darating siya ngayong araw dahil ayaw niya ngang ipaalam dahil sigurado namang susunduin siya ng mga ito sa airport. Ngunit nang makita niya ang mga magulang doon ay nahulaan niya na kaagad na ang Tita Clarisse niya ang nagsabi ng pagdating niya. Yamot na yamot siyang sumakay sa sasakyan ng ama. He was talking to him but he chose to ignore. He even wore his sunglasses inside the car and leaned on the window to pretend he wanted to relax without saying it. At nang makarating na sila sa Ciero Mil na tatlong taon niya na ring hindi nasisilayan ay nakaramdam siya bigla ng sakit o hinanakit sa ama. Ang ama niya lang naman kasi ang dahilan kung bakit siya umalis doon at ngayon ay pinabalik naman siya rito. Pagkapasok nila sa mansiyon ay nabungaran niya ang mga katulong at masayang bumati sa kaniya. Ang tanging natatandaan niya lang doon ay ang mayordoma nilang si Manang Aida. Ang iba ay hindi niya na masyadong matandaan o sadyang hindi niya lang talaga mga nakilala noong doon pa siya nakatira. Dala ng pinaghalong inis at galit, basta na lamang niyang ibinagsak sa sahig ang nag-iisang bag na dala at saka dere-deretso siyang nagpunta sa kusina. Pasigaw rin siyang nagtawag ng katulong upang mag-asikaso sa kaniya sa pagkain. Gusto niyang ipakita sa mga magulang lalo na sa ama na nagkamali itong pabalikin pa siya roon...
At iyon ang nangyari kanina na nalaman ng Ate Kiera niya. Marahil ay nagsumbong ang kaniyang ama kaya naman pinuntahan siya roon ng kaniyang ate upang pagsabihan. Maya-maya ay tumagilid siya ng pagkakahiga at bigla na lamang pumasok sa isipan niya ang babaeng nakita kaninang nag CR siya sa baba. Tingin niya ay kaedaran niya lang ito. Natatandaan niyang Selena ang sinabi nitong pangalan sa kaniya. Nagtataka siya na kumuha ang kaniyang ama ng katulong na sa tingin niya ay wala pa sa legal age. Kung iisipin, hindi iyon puwede. Pero hindi rin naman siya ganoon kasigurado. Napansin niya rin na nakasuot ng unipormeng pang estudyante ang babae.
Napapikit si Kiel at pilit na iwinaglit sa isipan ang magandang mukha ni Selena. Sa pagtulog niyang iyon, muli na naman siyang dinalaw ng isang panaginip na may kinalaman sa mga nangyari sa kaniya noong bata pa siya... Noong nasa San Andres pa siya...
Mahihinang yugyug sa kaniyang balikat ang gumising sa batang si Kiel mula sa mahimbing nitong pagkakatulog. Nang magmulat ng mga mata si Kiel ay sumilay sa kaniya ang napakaamong mukha ng kaniyang ina.
"Mommy," mahinang sambit ni Kiel at pupungas-pungas itong bumangon.
"Time for breakfast! Bawal ma-late sa school, it's your first day!" masiglang wika ng mommy ni Kiel.
Mabilis namang sumunod ang batang si Kiel sa kaniyang mommy palabas sa kuwarto. Limang taon lamang ito at siya ay nasa kindergarten na. Nag-aaral ito sa isang private school kasama ang kapatid nitong si Kiera na noon ay nasa ikalawang baitang naman ng elementarya. Masayang sumakay sa kotse si Kiel kasama si Kiera. Ang mommy nila ay nasa driver's seat at ito ang maghahatid sa kanila sa pagpasok.
Biglang lumipat ang senaryo kung saan anim na taong gulang na ang batang si Kiel. Umiiyak itong tumatakbo palabas ng bahay nila. Ang sumunod na senaryo ay nasa dalampasigan na si Kiel at isang malaking alon ang nakatakdang bumagsak sa kaniya...
Pawisang napamulat ng mga mata si Kiel. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at naihilamos ang sariling mga palad sa kaniyang mukha. Isa na namang panaginip mula sa kaniyang pagkabata. Ang ilan ay natatandaan niyang totoong nangyari at ang iba naman ay tila isang babala lamang. Bahagya niyang naikuyom ang mga palad nang tila mag-flash muli sa kaniyang ala-ala ang mga panahong masaya pa siya kasama ang kaniyang mommy.
Maya-maya ay napansin niyang medyo madilim na sa kaniyang kuwarto. Bahagya siyang sumilip sa bintanang malapit lamang sa kaniyang kama at napagtanto niyang mag-aagaw dilim na pala. Nagpasya siyang tumayo upang buksan ang ilaw. Binuksan niya ang built-in cabinet at kumuha ng tuwalya doon. Halos walang ipinagbago o halos hindi nagalaw ang mga dati niyang gamit na nandoon. Dumeretso siya sa banyo at nagtagal siya roon. Hinayaan niya lang na nakatapat sa dutsa ang kaniyang ulo.
Nagbibihis na siya nang makarinig ng mga katok sa pinto. Hindi na siya nag-abalang maisuot nang tuluyan ang puting t-shirt na nakapasok na sa dalawang kamay niya at binuksan na niya ang pinto. Bumungad sa kaniya ang mukha ni Manang Aida. Tatlong taon lang nang huli niya itong makita at parang ang laki na ng itinanda nito.
"Señorito, kakain na raw po," sambit ni Manang Aida.
Hindi sumagot si Kiel ngunit lumabas na ito sa kuwarto habang patuloy na isinusuot ang kaniyang t-shirt. Naiiling na lang naman na sumunod si Manang Aida.
"Señorito, doon po ang—"
"I know where the dining room is. But I prefer to eat here," mabilis na putol ni Kiel kay Manang Aida. Sa kusina kasi siya dumeretso imbes na sa dining room mismo. Alam niyang nandoon ang lahat at ayaw niyang humarap. Maaari niya sanang tanggihan na lamang si Manang Aida kanina pero nagugutom din kasi siya.
"Ah, eh, señorito, kasi—" kusang itinigil ni Manang Aida ang pagsasalita at magalang na lamang na nag-excuse kay Kiel. Nagpunta ito sa komedor upang ipagbigay alam sa mag-asawang Lemman ang sinabi ni Kiel.
"I'll go get him," tumayo si Kiera mula sa pagkakaupo.
"No," mabilis namang pigil ni Señor Clenton.
"What? Dad, we can't let him do this everyday!" pagpiksi ni Kiera.
"Manang Aida, ikaw na ang bahala kay Kiel doon sa kusina," malumanay na baling ni Señor Clenton sa mayordoma.
"I can't believe this..." pabagsak na muling naupo si Kiera.
Si Selena naman na kaharap din nila sa hapagkainan ay tahimik lang at nakaramdam ng pagkailang. Ang mga katulong naman na nakatayo lang sa gilid ay pawang mga nakayuko na tila umiiwas mautusang mag-asikaso kay Kiel.
"Here I am."
Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa pagbungad doon ni Kiel. Si Manang Aida na paalis pa lang sana upan balikan si Kiel sa kusina ay natigilan din.
"Hey, Kiel, come sit with us," ang malambing na boses ni Señora Shiela.
Dismayadong ngiwi ang itinugon ni Kiel sa señora.
"I just decided to get my own food here to lighten your loads, everyone," walang emosyong wika ni Kiel at mabilis na nga itong naglagay ng pagkain sa hawak niyang pinggan.
Paalis na sana si Kiel nang muli itong pumihit paharap sa kanila at saka nagwika, "Who is she, anyway?" tanong niyang kay Selena nakatingin.
Napahigpit naman ang hawak ni Selena sa kutsara't tinidor nito. Hindi niya inaasahan ang pagtanong na iyon ni Kiel.
"Oh, I almost forgot to introduce her to you, son," halatang pinasigla lang ni Señor Clenton ang boses. "She's Selena Silva. And if you remember Felimon and Demetria, she's their daughter," pagpapakilala niya.
"What is she doing here? You adopt her?" lumipat ang paningin ni Kiel sa ama na ipinagpasalamat pa ni Selena.
"No, no, she's helping Fely in the kitchen. She's working here to support her—"
"Studies. Yes," hindi na pinatapos ni Kiel ang ama. Pagkasabi rin niyon ay walang paalam na itong umalis doon.
Mabilis namang tumayo si Kiera upang sundan sana si Kiel ngunit pinigilan ito ng ama.
"Kiera, just stay here," ang may pagsumamong sambit ni Señor Clenton sa panganay na anak.
Wala naman ng nagawa si Kiera kundi sundin ang pakiusap ng ama.
"I'm very sorry about my brother," hinging-paumanhin na lang din ni Kiera kay Selena at nakangiti namang tumango si Selena sa kaniya.
"Let's eat," bigla namang sabi ni Señora Shiela na mababakas ang lungkot sa mukha.
Sa kusina naman kung nasaan si Kiel ay magana itong kumakain ngunit may tumatakbo sa kaniyang isipan.
Si Selena.
Balak niya itong gamitin upang galitin lalo ang kaniyang pamilya...