Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan nitong condo. Namamangha ang mga mata ko sa ganda ng disenyo nito. Color gray ang theme ng wall at may mga lampshade rin na nakasabit.
Mmhhh.. pasado sa taste ko.
Parang first floor lang ng bahay namin ang laki nito. Malawak at hindi aakalaing isang condo lang ito kasi mukha na siyang mansion sa laki.
Siya lang kaya dito mag isa? napakalaki naman nito kung siya lang ang nakatira dito.
Pumasok ako sa isang kwartong naroon. At nang nasa loob na ako ay bumungad kaagad sa akin mga cabinet na sa palagay ko ay puro mga damit niya ang nakalagay doon. May isang cabinet naman na puro mga sapatos ang laman.
Collertor ba siya ng mga gamit? hindi naman halata na hindi siya mahilig sa mga collection.
Napawow pa ako dahil glass ang door niyon kaya kita mo ang laman ng loob.
Kompleto ha? saka ang dami naman yata niyang mga damit at sapatos. Napakaganda pa ng closet.
Siguro may kasama siya dito nakatira? si Spinner kaya? o yung isa pang kapatid nito?
O baka naman girlfriend niya?
Hindi ko na binalak na buksan iyon dahil tumungo naman ako sa isang pinto. Tumambad sa akin ang napakalawak na kwarto at napakalaking kama. At sa laki nito ay baka ito na yung sinasabing king bed.
Ang laki naman kung siya lang ang natutulog rito?
May malaking flatscreen rin sa tapat ng higaan at mahabang couch.
Baka nga kasama n'ya rito ang live in partner niya? asawa? sa laki kasi ng kama hinding hindi sila mahuhulog dito kahit pa magtambling tambling pa silang dalawa.
Lihim akong napangiti sa kapilyuhan ng aking isip. Kung ano-ano nalang kasi naiisip ko dahil sa silid na ito.
Nilibot ko pa ang kwarto niyon at nahagip ng mga mata ko ang malaking kurtina na tumatabing doon.
Favorite color n'ya ba talaga is gray?
Lumapit ako roon at hinawi iyon.
Wow!
Hindi ko alam kung pang ilang beses na ako namangha.
isang glass window ang nasa likod ng malaking kurtina at kitang kita ang kabuuan ng labas.
Ang nagtataasan na mga building at mga kumikinang na iba't ibang mga ilaw.
Ang ganda..
Iba't ibang ilaw ng mga building na kasing taas nitong hotel na kinaroroonan ko.
Napaka perfect ng view!
Agad kong naisara iyon ng may sumagi sa isipan ko.
Iniisip ko na baka may makakita sa akin rito at baka kung ano pang isipin nila.
"Huwag kang mag alala."
Napalingon agad ako dahil sa may nagsalita.
"Tinted glass 'yan. Hinding hindi ka makikita dyan kahit maghubad ka pa."
Napakagat ako sa aking pang ibabang labi.
"Ito. Pamalit mo." inilapag nito sa kama ang isang paperbag.
Tumayo ito ng tuwid at inilagay ang mga kamay sa kaniyang bulsa ng pantalon.
"As if naman maghuhubad ako dito?" I smirk at him. Ang tinutukoy ko ay iyong sinabi niya kanina.
Agad ko namang tiningnan ang laman ng paperbag.
May pants at shirt akong nakita roon. And he really knows my tastes.
"Malay mo.."
Tiningnan ko ito ng masama sa mahina niyang pagkakasabi.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkalkal ng laman ng paperbag at hindi na ito pinansin.
Biglang napataas ang isang kilay ko nang may mahagip ako sa loob ng paperbag.
Sumulyap ako sa kaniya. Nakatingin rin pala ito sa akin kaya nagtama ang paningin namin.
Walang emosyon ang mukha nitong nakatitig sa akin.
Maya pa ay napataas ito ng kilay.
"I dont know if that's will fits for you" anito.
Huwag niyang sabihin na ang tinutukoy niya ay ang bagay na napansin ko?
Hindi ko naman inilabas iyon pero bakit nahulaan niya kaagad? yung undies kaya ang tinutukoy niya?
Napabuntong hininga ako.
"W-Wala bang.. pantulog?" tanong ko.
Natawa naman ito kaagad.
Natigilan naman ako at parang uminit ang buong mukha ko.
Gosh! ang ganda ng tawa nya! sh!t! dito ata ako maiinlove sa ngiti niya.
Ang gwapo mo, subra!
Wait?
Yung puso ko baka malalaglag?
Ay hindi! baka yung panty ko ang malaglag?
Shutaaa! ganito ba ang kiligin?
Napalunok ako ng sarili kong laway. Masyado akong humahanga sa kaniya at baka nga naglalaway na ako sa kanya.
"Sorry, I forgot. May pajamas naman ako dito. Wait lang kunin ko." anito ng matigil sa pagtawa.
"Ha? ah eh.." napisil ko ang aking tenga.
"Ano kasi.." nahihiya ko pang sabi.
"H-Hindi kasi ako.. nagsusuot ng pajamas o kahit pantulog sa tuwing matutulog ako.." napapilig ako ng ulo. "ganito kasi ang gusto ko kapag natutulog ako, eh." turo ko sa aking damit. "hindi kasi ako kumportableng matulog kapag nakapajama."
Tumaas naman ang isang kilay nito.
"Kung pwede lang.. p-pahiram nalang ako ng malaki mong damit?" nahihiya kong sabi.
Ano ba yong ginagawa ko?
"Uhm.. o-okay." napatango tango ito at tumalikod.
Pero humunto rin naman ito sa paghakbang nito at muling humaharap sa akin.
"Mas gusto mo talaga yung mga maluluwag na t-shirt?"
Napasulyap ako rito at kasabay ng pagtama ng mga mata namin ang matamis nitong ngiti.
Muntik pa akong masamid dahil doon. Pero hindi ko pinahalata na tinamaan ako ng ngiti niyang iyon.
"Mmhh!" tango lang ang naging sagot ko.
Iiling iling naman ito at tuluyan ng lumabas.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag dahil pigil na pigil ko ang aking sariling huwag mapasigaw sa kilig.
Kamuntikan pa akong malagutan ng hininga dahil doon ah?
Sige lang. Ngumiti ka lang ng ganyan sa akin at matutuluyan na ako sayo, kuya Weasley! este--Weasley!
Ayaw n'ya palang tinatawag na kuya.
Pumasok nalang ako sa banyo para maglinis ng katawan. Kaysa isipin ko ang ngiti niya mas maigi kung maglinis muna ako ng katawan ko para makapagpahinga na rin. Bukas na bukas ay makakauwi na ako dahil wala akong magagawa kung pipilitin akong iuwi ni Weasley sa amin.
May towel na nakalagay doon kaya hindi na ako mag-aatubili pang kumuha at humingi sa kaniya.
May mga pambabae ring liquid soap kaya malamang ay sa girlfriend niya ito.
Ang swerte naman ng babaeng yun. Mukhang maalagang tao si Weasley.
Pagkatapos kong magbabad sa tubig ay bigla ko naman naalala na wala pala akong dalang damit.
Hayst kainis!
Bago pala ako pumasok ng banyo, kumukuha pa ng damit si Weasley para ipahiram sa akin. Hindi ko man lang naisip kainis!
Wala akong magawa kundi ibalot ang tuwalya sa katawan ko at lumabas ng banyo para kunin ang susuutin ko.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko naman ang isang black t-shirt na nakalagay sa ibabaw ng kama. Siguro nilagay nalang niya ito dito. Kinuha ko iyon at kinuha kona rin ang undies at saka bumalik muli ng banyo.
Isinuot ko ulit ang short na gamit ko kanina dahil wala naman binili si Weasley short para sa akin. Hindi na rin ako nag abala pang magsuot ng bra kasi gabi narin naman and like i usual did when im sleeping. Napipreskuhan kasi ako pag ganon suutan ko sa gabi.
Lumabas akong muli ng banyo. Wala pa pala si Weasley dito. Magpapasalamat sana ako sa kaniya. Naabala ko kasi ito at nag-abala rin talaga siyang pagtuunan ako ng oras kahit hindi naman niya dapat gawin.
Lumabas ako ng kwarto para puntahan siya at magpasalamat narin sa kanya.
Nakarinig ako ng boses na nagsasalita kaya pinuntahan ko iyon kung nasaan.
Napadpad ako sa veranda kakasunod sa boses na aking naririnig. Sa palagay ko ay may kausap ito kaya minabuti kong hintayin na lamang siyang matapos makipag usap.
"Yes. She's with me. I bought a clothes for her. Yes, she's fine. Okay."
Wala ako masyadong narinig sa mga sinabi niya. Maybe he was talking someone on the other line.
Napansin naman nito ang prisensya ko kahit nakatalikod kaya naman napaharap ito sa akin.
"Kanina kapa ba dyan?" he ask. He put the cellphone in his pocket.
"Uhm, kararating ko lang." sagot ko.
"Sya nga pala. Gusto ko lang magpasalamat. Salamat dahil nag-abala ka pa. At pasinsya na kung naabala ko rin ang oras mo. Bukas, kahit hindi mo na ako ihatid. Uuwi narin ako." marahan akong apayuko. "baka kasi dumating ang girlfriend mo at mag-isip pa siya ng masama sa atin."
Nakita kong naglakad ito at pumunta sa sala. Naupo.
May isang bottle of wine doon sa center table at nagsalin ito sa baso.
"No need to thank of me. Saka nagpromise ako na ihahatid kita bukas."
Napaangat ako bigla ng ulo at nakakunot noong tumingin sa kaniya.
"Kanino ka naman nag promise?"
"Ha?" medyo nagulat pa ito "a-ah.. k-kay Spinner."
"Oo nga pala.." napahinga ako.
Nagsalin ulit ito sa baso at puno na iyon.
"Maybe it'll be a long time before he gets here." ininom nito ang laman ng baso at nagsalin muli.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang iabot naman niya iyon sa akin.
Umiling kaagad ako.
"Hindi pa ako umiinom."
Napalabi ito at tumango.
"Tha't good!" he said and drank it immediately.
"Sya nga pala, bakit mo naman nasabing may girlfriend ako?" natatawang sabi nito.
Naupo rin ako sa sofa katapat niya.
"Wala lang. Nakita ko lang kasi ang mga pambabaeng sabon doon sa banyo mo. Kaya naisip ko, may kasama ka rito sa condo. Ang laki kaya nitong condo mo." napanguso ako sa kabuuan ng condo niya.
Tumawa na naman ito.
Natigilan na naman ako sa pagtawa niya. Pangalawang pagkakataon ko na itong nakita siyang tumatawa.
Napapadalas yata ang pagtawa niya, ah?
Ituloy mo lang 'yan Weasley. Nawawala ang stress ko sa kontrata dahil sa'yo.
"Sa future wife ko yun. Malapit kona kasi siyang maging asawa kaya syempre, pinaghanda ko lang ang mga kakailanganin n'ya."
"Naku sorry! ibig sabihin ako ang unang gumamit non? kaya pala mga nakaseal pa ang takip! sorry talaga.." hingi ko kaagad ng paumanhin.
Nako naman.. nakakahiya!
"Okay lang. Sasabihin ko nalang sa kaniya na may pinatuloy ako rito." nakangiting anito.
"Pero hindi kaya magalit iyon kapag sinabi mo?" nag-aalala kong tanong.
"Haha! nah.. mabait naman iyon, eh."
Natahamik ako.
"Ang swerte naman n'ya. May boyfriend siyang maalalahanin." I pout and down my head. I feel a little bit envy. Sana ganoon rin ang future hubby ko. Gwapo na, mabait pa.
Ano kaya hitsura ng mapapangasawa ko? gwapo rin kaya siya tulad Weasley?
Ngumisi na naman ito.
"Talaga. Ang swerte n'ya na magkaroon siya ng katulad ko."
Nagtaka ako dahil iba ang tingin na ibinibigay niya sa akin. Seryuso ngunit may pagnanasa. Para bang ako yung tinutukoy niya?
"Kaso nga lang.." bigla itong nalungko. "mukhang hindi siya papayag na maging asawa ko."
"Ha? b-bakit naman?" tiningnan ko siya ng may pag-aalala. "sa bait at gwapo mong 'yan aayawan kapa n'ya? di hamak na mas may ibubuga ka naan kaysa sa iba?"
Lalo siyang napatawa ng napakalakas.
Hindi magtatagal, yung short kong suot luluwag na rin dahil sayo.
"Talaga? gwapo ako?" tawa pa rin ito ng tawa.
Maya maya ay tumigil din ito sa pagtawa at sumeryuso ulit.
Pinagmamasdan ko lang siya. Ewan ko ba, nadadala ako sa ngiti at tawa niya. Nakakaakit siyang tingnan.
Natawa na rin ako.
Maya pa ay itinukod nito ang isang siko sa kanyang tuhod habang nakabukakang nakaupo sa harapan ko. Hinihimas himas nito ang sariling baba wari bang may pinag-iisipan.
"Sa tingin mo, pakakasalan nya kaya ako?" he ask seriously.
"Mmmhh.." nag isip rin ako. "kinausap mo na ba s'ya tungkol dito?"
"Hindi. Hindi pa kami nagkakausap. Pero nalaman na niya ang tungkol sa kasal namin ngayon."
"Kasal? bakit? arrange din ba kayo?"
"Oo. At sa palagay ko ay tutol siya sa kasal na iyon.
"Dapat siguro kausapin mo siya ng maayos."
"Hindi nga kami nagkikita kaya paano ko siya makakausap?"
"Ha!?" gulat ako.
"Pero kasama ko sya ngayon." tumuwid ito ng upo.
Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi kaya napakunot ako.
"Hindi pa kami masyadong magkakilala. Hindi nya rin ako kilala pero sya kilala ko at nakakausap ko."
"Ha? hindi ko maintindihan." naguluhan ako sa mga sinabi niya. "hindi kayo magkakilala at hindi ka nya kilala. Pero kilala ka nya--ha!? ang gulo?" napakamot ako sa ulo.
Pati ako naguguluhan sa pinagsasabi ko.
Napatawa na naman sya.
"Uhm.." I pointed my cheek. "sa tingin ko.. mahirap yang sitwasyon mo. Parang gaya lang sa akin, tama ba?"
"Yeah. Exactly.." hindi nito inaalis ang tingin sa akin.
"Kahit ako naman, hindi ko rin naman siya kilala at hindi pa kami nagkikita. Hindi ko rin alam ang gagawin ko. Ang dami kong tanong na gusto kong masagot pero.. nakasalalay kase dito ang pamilya ko." malungkot kong sabi at napabuntong hininga.
"Anong gagawin mo?" pagkuwan tanong nito. "papayag kaba sa kasunduan at maikasal sa taong hindi mo pa naman nakikilala?" seryuso nitong tanong.
"Hindi ko alam. Hindi.." sunod sunod akong napailing at nahilamos ang mukha.
"Ikaw?" balik tanong ko rin a kanya.
Ewan ko ba kung bakit ganito na kami kaseryuso kung mag-usap. Samantalang kanina lang kami nagkakilala.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako panatag na makipag usap sa kaniya.
"Depende. Kung papayag s'ya, ganon na rin ako. At siguro matutuwa pa ako kasi nakita na kami at nagkausap ng kami lang."
Nagtataka ko na naman siyang tinignan.
"Ang sabi mo.."
"Wala. Huwag mo nalang pansinin ang sinabi ko."
"Ang gulo mo." inismiran ko sya.
Ngumisi lang ito.
"Ilang taon na pala kayo mula ng malaman nyo na pinagkasundo lang pala kayo?" pag iiba ko ng tanong.
"Walang kami kaya ang itanong mo ilang taon na ako."
"Walang kayo? as in no label?" gulat na naman ako.
"Arrange nga di'ba?"
Napanguso ako sa kaniya.
Oo nga naman.
Tumango tango lang ito at tumungga. "Im 30."
"30!?" gulat kong sabi. Lagi nalang akong nasusurpresa sa mga sinasabi nya.
Namilog ang mga mata ganon rin ang aking bibig sa gulat. "As in!?"
"Bakit? mukha na ba akong matanda sa lagay na 'to?"
"H-Hindi naman. Hindi lang ako makapaniwalang 30 years old kana kuya? wooaah.."
"I said, dont call me that. Hindi kita kapatid." bigla naman itong nainis at umismid.
Oo nga pala.
"Haha, sorry naman. Nakalimutan ko. Mas matanda ka kasi sa akin kaya syempre tatawagin kita ng kuya."
"Tsk!"
"Pero infairness kuya--este, Weasley pala. Mukha ka pong 25 years olad. You know baby face ang mukha mo kaya hindi ka mapagkakamalang 30? and sa katawan naman, I think.. sakto lang sa edad mo? mukha ring malalaki ang mussle mo at..?" napahinto ako sa pagsasalita. Nangingislap ang mga mata ko sa kanya dahil sa naiisip ko.
Kumunot naman ang noo nito.
"W-What?" inis nitong tanong.
Naeexcite akong itanong.
"May monay kaba?"
"What!?" lalong hindi maipinta ang mukha nito na naiinis ba o naaasar?
"A-Anong monay ang sinasabi mo?" nauutal pa itong umiwas ng tingin at nagsalin muli sa baso. At this time marami rami ang inilagay niya at saka iyon inisang inom.
"Yung monay? yung makikita sa lalaki?" hindi ko alam kung paano idiscribe kaya nahihirapan akong banggitin iyon. "yung ano, uhm.. m-malaki siya? yung ano? hindi ko mabanggit ano nga ba yun?" napakamot ako sa aking ulo.
Nakita ko namang sunod sunod ang paghinga nito at pagtungga ng alak. Napapalunok rin kahit nainom na niya ang alak at saka iwas na iwas sa aking tumingin.
Sa dami na siguro niyang nainom baka lasing na ito kaya ganito siya kabalisa.
"Yung ganito siya kalaki?" pinagdikit ko ang mga daliri ko at hinugis iyon ng bilog at ipinakita sa kaniya.
"Su-Sure ka na... ga-ga-ganyan.. ka-ka-kalaki?" nabubulol itong nagsasalita.
"Oo, sure ako! ano nga ba kasi yun? basta monay ang tawag doon, eh!"
"S-San mo nakita?"
Sa pagkakataong ito ay tumitig na siya sa akin ng deritso at seryuso ang mukhang nagtanong.
Kinabahan naman ako sa hitsura niya kaya hindi ko mabanggit banggit kaagad kung sino ang tinatanong niya.
"Dammit! where did you see that kind of thing!?"
Sa pagkakataong iyo ay natakot na ako sa klase ng boses niya.
"Ka-Kay.. S-Spinner."
"What the.."