"Bakit kaba umalis sa inyo?" tanong ni kuya Weasley.
Narito kami sa isang restaurant na malapit lang sa boutique kung saan kami nagkita kanina.
Nag order ito ng pagkain para sa amin. Hindi na ako nagpakipot pa nang alukin niya ako para kumain dahil lebre naman niya iyon kaya ok's na ok's dahil gutom narin naman ako.
Kanina nong umalis ako sa bahay, hindi pa ako nagkakapaghapunan non. Sana man lang kasi naghapunan muna kami bago ipinakita nila Mama at Papa yung contract. Tuloy nalipasan ako ng guton, Idagdag pa na iyak ako ng iyak kanina kaya malamang dehydrated na ako ngayon.
Nasa harapan na namin ang mga inorder niya.
Napayuko ako nang umalis yung waiter na nagserve sa amin.
"N-Nagalit kasi ako sa parents ko. Dahil iyon doon sa ipinakita nilang kontrata sa akin." malungkot kong pagkakasabi.
"K-Kontrata?"
Napaangat ako ng mukha at tumingin sa kaniya. Kita ko sa mga mata niya ang koryusidad ngunit halata ang pagkakunot ng noo nito.
"A-Ano naman ang tungkol sa kontrata?" curious na tanong nito.
"As I stated, about the agreed of marriage."
Nakita kong napaawang ang bibig nito at saka napalunok ng sunod sunod. He looks like anxious.
"B-Bakit? may problema ba?" nag-aalala kong tanong.
I'm curious about his face. His reaction.
"Uhm, w-wala naman! m-mabuti pa, kumain muna tayo. Mhmm, let's talk about the contract you said later."
"Sure kang okay kalang?"
"Yes! I'm truely fine, don't worry."
Nagtataka man ay napatango na lamang ako. Nagtata ako dahil sa ikinikilos niya. Pero isinantabi ko muna ang pagtataka ko dahil sa sinabi niya na okay lang s'ya.
Hindi na ako nag usisa pa at inumpisahan nalang ang pagkain.
Napapasulyap parin ako sa kaniya paminsan minsan habang kumakain ito.
Gwapo talaga si kuya Weasley kaysa kay Spinner. Gwapo rin naman si Spinner pero mas nakakaattract tingnan ang mukha niya. Siya yung tipo ng lalaki na kahit napakaseryuso ng mukha, hindi nababawasan ang pagkagwapo niya.
Ang kilay nitong makakapal, ang matangos na ilong, ang mga labi nitong hugis puso ang ibabaw.
Haa.. napaka perfect!
Naipilig ko ang aking ulo. Hindi ako dapat nagpapadala sa mukha niya. Nakatakda na ako sa iba kaya kailangang iwasan kong maakit sa ibang lalaki.
Hindi ko pa nga nakikita yung lalaking nakasundo sa akin tapos nagnanasa ako sa kasama ko. Wala rin naman kasing nakasulat sa kontrata kung sino ang nakatakdang lalaki para sa akin. Malamang alam ni papa kung sino iyon?
Naisip ko lang, may ganon ba talagang batas ang organisasyong kagaya ng organisasyong nasasangkutan ni Papa? mas mabuti sigurong magreaserch muna ako para kahit papaano may alam naman ako about sa mga ganyan.
Sinulyapan ko ulit si kuya Weasley. Seryuso lang itong kumakain.
Ano kayang nangyari at bigla na lamang siyang natahimik?
Hanggang sa makatapos na kaming kumain at lumabas rin kaagad sa restaurant ay ganoon parin ito. Tahimik. Hindi parin ito umiimik. Akala ko ba pag uusapan namin yung about sa contract? may pa let's talk let's talk pa siyang nalalaman later.
Hhmmpp! bigla bigla nalang siyang natatahimik.
"Get in." malamig nitong sabi.
Huh?
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng sasakyan nya.
Waaaeeehh?
Mabilis ko siyang sinulyapan. Magsasalita na sana ako ng umurong naman bigla ang dila ko dahil sa napakalamig nitong mga matang nakatingin sa akin maging ang aura nito. Blangko ang mukha pero mapanganib na nakasulyap.
Ano to? sapilitan?
Pero bakit ang tipid niya magsalita? galit ba s'ya o sinapian na ng maligno?
Nakita kong nakabukas ang pintuan ng sasakyan nito at hinihintay nalang pala ang pagsakay ko.
Seriously? sabi na ngang ayuko pang umuwi, eh!
Sa hitsura niya kasing napakacold, siguradong malalagutan ako ng hininga kapag hindi ako sumunod.
Whatwill I do? f**k!
"Kailangan na kitang ihatid, Bisky. Hinihintay kana ng mga magulang mo. Nag aalala na rin sila sayo. Hindi mo naman siguro gustong mag alala sila at may mangyaring masama sa kanila kakaisip kung nasaan kana? paano nalang kung may mangyaring masama sayo kung hindi ako dumating at hindi kita nakita--"
Hindi kona pinakinggan pa ang iba pa niyang sasabihin dahil pumasok na ako kaagad sa kotse nito. Padabog akong umupo at humalukipkip.
Heto na naman kasi ang puso ko. Nababaliw na naman at ayaw kumalma nang marinig ang boses niya. Yung seryuso at napakacold niyang histura, napalitan naman iyon ng napakalambing na boses.
Ganoon ba talaga siya magsalita? kahit galit ang mukha malambing parin magsalita.
Yung baritono niyang boses pero masarap pakinggan kaya lumalakas at gustong kumawala nitong walang hiyang puso ko.
Bakit ba lagi nalang ganito ito sa tuwing maririnig ko ang boses nyang napakalambing? napakalamyos pakinggan na para bang nasa langit ako? nakakabaliw.
Nababaliw rin kakaisip kung saan ko nga ba narinig iyon at hindi ako makapag isip ng matino dahil ginugulo ng boses niya ang utak ko? kung bakit hindi mapakali itong puso ko sa tuwing naririnig ko ang boses na iyon.
Hindi naman kaya.. nagkakagusto ako sa kaniya?
Hindi!
Kasi ngayon ko lang siya nakita at nakilala. Pero kasi yung boses nya.. may naaalala ako. Na para bang matagal ko ng kilala?
Arrggg! alis! alis! alis! ano bang nagyayari sa akin? bweset na boses ka hindi mo ako tinatantanan!
"Tsk! stubborn.." narinig ko pang bulong ni kuya Weasley at saka nito isinara ang pinto. Hindi ko siya napansin na nakasakay narin pala ito at ngayon ay nasa gitna na kami ng daan.
Siguro ihahatid na niya ako sa amin?
Bigla akong nakaramdam ng galit sa sarili. Kahit papaano yung paglalayas ko ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kasama ko siya at ligtas ako kahit pa mag-isa akong lumabas ng bahay. Nasanay kasi ako na palaging may nakabuntot sa akin na mga tauhan ni Papa.
Ngayon na pabalik na ako sa bahay, namamayani na naman sa kalooban ko ang sama ng loob.
Inilapat ko ang isang kamay ko sa aking dibdib. Medyo kumakalma na rin ang puso ko dahil kay kuya Weasley. At siguro napalitan ng sama ng loob yung kilig ko kanina kaya may namumuo na naman sakit sa dibdib ko dahil sa ginawa ng mga magulang ko.
Hindi ko namalayan na huminto na pala ang sasakyan. Pakiramdam ko ang bilis ng oras dahil natulala nalang ako habang samot sari ang mga iniisip ko.
"Kung ayaw mo pang umuwi, dito ka muna magpalipas ng gabi. Pero bukas na bukas rin ay ihahatid na talaga kita sa inyo."
Naalimpungatan naman ako sa sinabi niya at napatingin sa labas ng kotse.
"WA grand hotel?" sambit ko.
Nang bumaba sa sasakyan ay pumasok kami agad sa loob. Lumapit muna ito sa receptionist at may ibinigay sa kaniya. Pagkasakay namin ng elevator, he swiped the card and it signed upwards. Walang numero ang nakalagay at tanging pagtaas lang ng arrow ang nakikita doon.
Private?
Pagkabukas ng elevator ay kwarto kaagad ang bumungad sa amin.
Woaaah! he insert the card and automatically we gonna here? awesome!
Namagha ako sa hotel na ito kaya nagpalinga linga ang aking paningin.
"Your too stubborn so you can stay here first." mabigat nitong ani nang tuluyan na kaming makapasok kabuuan ng silid.
Hindi ako makapagsalita dahil sa tono ng boses niya ngunit naroon parin ang pamamangha sa paligid.
Teka, sinisermunan n'ya ba ako o pinagsasabihan?
Napangiti nalang ako sa sarili ko at napapailing. Masyado siyang nagpapakakuya sa akin eh, pwede namang maging hubby ko s'ya? charooot!
"And why are you smilling? ikinakatuwa mo pa ang hindi pag uwi sa bahay ninyo?"
Nanlaki bigla ang mga mata ko.
"Teka nga? sinesermunan mo ba ako? unang una, hindi ko sinabing dalhin mo ako dito? at pangalawa, diba sabi mo hindi kita kuya? eh bakit kung makaakto ka akala mo kapatid kita?"
"Pwede bang manahimik ka? itikom mo yang bibig mo. Kanina pa ako nagtitimpi sayo,.eh." tumalikod ito sa akin.
"Eh di huwag ka magtimpi." pabulong kong sabi. Sa palagay ko ay hindi naman niya iyon narinig.
"Obligasyon kita kaya pinagsasabihan kita." may ibinulong na naman itong hindi ko narinig.
"May sinasabi kaba?" inis kong tanong.
Nagsasalita kasing mag isa at hindi ko naririnig.
"Wala. Ang sabi ko lalabas lang ako saglit para bumili ng damit mo. Sa ikli ng short mo, kita kona ang lumuluwa mong hita."
"Anong sinabi--"
"Magpahina kana." tuluyan na nga itong umalis at hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin.
Ikaw..
Hindi kaya?
"Hoy! pervert!" sigaw ko.
Hindi ko alam kung umabot pa iyon sa pandinig niya dahil nakasakay na ito sa elevator at pasara na iyon.
"Yung lalaking yun, arrgghh!" gigil akong umamba ng suntok. Ang kaso wala na siya kaya anong silbi non?
Nakmaainis!