Ano na ang gagawin ko? ayuko pang umuwi dahil masama pa ang loob ko. Wala rin akong dalang cellphone. Wala akong kilalang kaibigan bukod kay Spinner. Pansamantala sana akong makikituloy kaso hindi ko naman alam ang bahay niya.
Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Paulit ulit na rumirehestro sa utak ko ang kontrata.
Nasa ganoong sitwasyon ako nang may mapansin akong nakatayo sa aking harapan.
Dahan dahan akong tumingala.
Nang makita ko kung sino iyon, ganoo nalang ang aking pagkabigla. Napaawang nalang ang aking labi.
Nakayuko ito at nakatingin sa akin. Nagsalubong agad ang mga mata namin. Ang mga palad nito ay nakasiklop at animoy manununtok. Nakita ko rin ang mga ugat nito sa braso na bumabakat at sa palagay ko ay nagtitimpi ito sa kaniyang sarili.
"Bisky.."
Napasinghab ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. Mahina lamang iyon pero agad na nagreact at bumilis ng t***k ang puso ko. Yung boses niya na kinababaliw ng utak ko.
Bigla akong kinabahan. Hindi sa takot ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko kundi sa kakaibang tingin na ibinibigay nito sa akin.
Ngunit sa pagbigkas n'ya lang ng pangalan ko ay gumagaan na ang pakiramdam ko. Ang marinig ang malambing niyang boses ay ang sarap na sa feeling.
"Bisky." ulit nito sa pangalan ko.
Dahil natigilan ako ay hindi kaagad ako nakapagsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya.
"Bisky Ellizabeth."
Sa pagkakataong iyon, ang marinig ang kompletong pangalan ko ang nagpabalik sa katinuan ko.
"B-Bakit ka.. nandito?" mahina ang boses kong tanong.
Kanina pa ako umiiyak kaya malamang namamaos na ang boses ko.
"Iuuwi na kita.."
Bakit naakit ako sa boses niya? natural lang ba talaga iyon sa kaniya? wag lang sumeryuso ang mukha mo dahil baka matakot ako. Huwag rin mawawala ang malambing mong boses. Gustong gusto ko pa naman naririnig iyon. Nakakabaliw!
"A-Ayuko pang umuwi.." marahan kong sbai.
Kumunot naman ang noo nito kaya napaiwas ako ng tingin. Nangangalay narin ang ulo kong nakatingala sa kaniya.
Bakit ba siya nandito? pano n'ya naman nalaman na nandito ako?
"Paano n'yo po nalaman na nandito ako?" pagkuwan ay tanong ko.
Tumingin ulit ako sa kaniya. Medyo nagulat pa ako dahil nakatingin parin pala siya sa akin kaya nagtama na naman ang mga mata namin.
"Hindi na mahalaga iyon." sabi nito at saka tumalikod. "Basta ihahatid na kita sa inyo."
Agad akong napatayo.
"Pero ayuko pa pong umuwi, kuya weasley!"
Bigla naman itong napahinto at napalingon. Matalim ang mga tingin nitong ipinukaw sa akin.
Napatuwid ako ng tayo at nag-iwas ng tingin.
"Anong sabi mo?" may halong inis ang boses nito.
Heto na nga ba ang sinasabi ko. Umiba na ang tono ng kanyang boses. Napalunok ako.
"Ah, a-ano.. a-ayuko pa po kasing umuwi."
"Hindi yan ang tinutukoy ko."
Tumingin ako sa kaniya nag deritso. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
"A-Ano po?"
Hindi ito nagsalita at nanatiling seryuso.
"P-Pero.. iyon po ang sinabi ko. Ayaw ko pa pong umuwi!" kinakabahan ako. At this time takot na ang nararamdaman ko.
"Tsk! may isa ka pang sinabi." inis nitong sabi.
Ha?
"Ulitin mo nga yung sinabi mo."
Alin ba yun?
Kabado na talaga ako.
"A-Ayuko pang.. umuwi? kuya weasley--"
"Yan!"
Napapitlag pa ako dahil sa gulat. Nagtatagis ang mga bagang nito at baka anumang oras ay manapak ito ng babae.
"Wag na wag mo kong tatawagin ng ganyan, naiintindihan mo ba?" matigas ang boses nitong pagkakasabi. May halo ring pagbabanta.
"Hindi kita kapatid para tawagin mo ako ng kuya."
Napaatras ako nang humakbang siya. Matalim ang mga matang nakatitig sa akin.
Nanginginig naman ako sa takot dahil sa klase ng tingin niya sa akin. Baka makatikim talaga ako nito.
"P-Pero matanda ka po sa akin. At bilang pagrespeto narin po sa inyo."
"Your so respectful, huh?"
Bakit bawal ba siyang tawaging kuya?
Kabwis naman!
Ganoon kasi ako. Magalang sa ibang tao lalo na kapag alam kong matanda kaysa sa akin.
Ilang beses na akong napalunok dahil sa tensyon na nararamdaman ko.
"Naiintindihan mo ba ako, ha, Bisky?" humakbang na naman ito kaya napaatras akong muli.
At sa pag-atras ko ay ganoon nalang ang aking gulat dahil natisod ang isa kong paa kung saan ako nakaupo kanina kaya naman na out balance ako at sa tingin ko ay babagsak ako sa lupa.
"Ah!" sigaw ko.
Matutumba na sana ako nang makita kong bigla itong kumilos.
Nahigit ko ang aking hininga nang masalo nito ang likuran ko at hinapit ang aking baywang palapit sa kaniya. Madiin na nagkadikit ang mga katawan namin.
Hindi ko namalayan na nailapat ko pala ang mga palad ko sa matigas nitong dibdib at sa subrang lapit ng katawan namin ay lalong domoble ang bilis ng tibøk nitong puso ko.
Kahit ako ay nabigla sa nangyari. Kung hindi sana ako natisod at hindi nawalan ng balanse ay hindi sana kami aabot sa ganitong sitwasyon.
Parang may kung anong kiliti sa aking tiyan ang naramdaman ko dahil sa pagkakalapit naming dalawa. Nagkatitigan kami hanggang sa mapansin ko na dumako ang tingin nito sa nakaawang kong labi.
Nang hindi ko na makayanan ang kalagayan namin ay pinisil ko ang kanyang dibdib at sunod sunod naman itong napalunok.
Ngunit laking gulat ko dahil kagaya ko ay pinisil rin nito ang baywang ko kaya napakislot ako.
Ngunit nanatili parin kamo sa ganoong kalagayan. Hindi ko rin alam sa aking sarili kung bakit hindi ko magawang kumilos para itulak siya.
"Hoy!?"
Sabay pa kaming dalawa napalingon nang may sumigaw malapit sa kinaroroonan namin.
"Magsasara na kami! Dyan pa talaga kayo maglalampungan!?"
Napasinghab ako at bigla ko siyang naitulak. Ngunit masyado siyang malakas kaya hindi ito natinag sa pagkakatulak ko.
"Tsk!" rinig kong ismid nito.
"Oh!"
Muli na naman akong nagulat nang bigla ako nitong binuhat. Sa liit ko ba naman kayang kaya n'ya lang akong buhatin ng ganon ganon lang.
"T-Teka, saan mo ako dadalhin? ayuko pang umuwi!" pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa akin.
Pero balewala lang iyon sa kanya kahit pa naglulumikot ang mga paa ko.
Hindi siya nagsasalita. Bagkus ay patuloy lang ito sa paglalakad.
"Kuya Weasley!" sigaw ko rito.
"Please po bitawan nyo na ako! ayuko pa pong umuwi!"
Kahit anong gawin kong pakiusap ay hindi ito nakikinig.
Sa inis ko ay hinablot ko ang buhok niya. Nainis narin talaga ako lalo pa at hindi man lang siya nagsasalita at hindi man lang ako pinapakinggan. Kaya naman pinagpapalo ko pa ito sa kaniyang likod.
"Weasley!"
Napahinto naman ito.
"Ibaba mo na ako, kuya.. sinabi ko na nga na ayaw ko pang umuwi."
Hirap ako magsalita. Eh paano ba naman yung klase ng pagbuhat niya sa akin ay parang isang sakong bigas lang. Isinaklay n'ya lang ako sa balikat niya. Akala naman niya ay isa lang akong bagay na pwedeng isaklay lang sa kanyang balikat? yung legs ko kaya malamang kitang kita na.
"Kailangan mong umuwi." kalmado nitong sabi.
"Ayaw ko nga po, eh? eh, hindi mo pa ako po sinasagot sa tanong ko kanina. Paano mo po nalaman na umalis ako sa bahay at kung bakit alam mo na narito ako, ha?" pinalo ko ulit ang kanyang likod.
"Ibaba mona po ako please.."
"Pag ibinaba kita, tatakas kalang."
"Pag hindi mo naman ako binaba, ang swerte naman po ng pagmumukha mo!"
Ilang segundo itong hindi na nakapagsalita. Hindi ko naman makita ang reaksyon niya kung ano bang nangyari sa kaniya kung bakit siya natahimik dahil nasa likod niya ang mukha ko.
Hindi na nakaimik?
Naramdaman ko ang buntong hininga nito.
Napabuga ng hangin.
Dahan dahan ako nitong ibinaba. Nakita kong nag-iba ang mukha nito at para bang naiilang.
Hindi makatingin sa akin ng deritso.
Mabilis nitong hinubad ang kanyang leather jacket at itinakip iyon sa aking likod.
"Ah!" napadaing pa ako ng mahigpit nitong itinali ang sleeve sa baywang ko.
Matalim na naman itong tumingin sa akin.
"Ang hilig hilig mong magsuot ng maiikli." halos pabulong nitong sabi kaya naman hindi ko iyon narinig.
Teka? nagdadasal ba sya? ani ko sa aking sarili.
Nagkaroon naman ako ng pagkakataon para takasan ito.
"Hey! saan ka pupunta?" anito nang mabilis akong naglakad at nilampasan siya.
"Sabi ko, ayaw ko pang umuwi!" pasigaw kong sagot.
Naalala ko na naman kasi yung kontrata.
"Hinahanap kana ng mga magulang mo!" nakasunod lang ito sa akin.
binilisan ko ang paglalakad para hindi niya ako maabutan.
"Eh, ano naman?" naiirita ako lalo na sa kanya.
Masyado rin siyang makulit at magkapatid nga sila ni Spinner. Ang kukulit!
"Nag aalala na sila sayo!" nahabol na niya ako at nakasabay na ito sa paglalakad ko.
kahit anong gawin kong bilis sa paglalakad nahabol parin niya ako. Gaano ba siya katibay?
"Pake ko? sila nga walang pakialam sa akin, eh!"
"Magulang mo parin sila."
Huminto ako at tiningnan siya ng masama.
"Ano bang alam mo, ha? eh kanina lang naman tayo nagkita? kung makapagsalita ka akala mo naman matagal na tayong magkakilala?"
"Huh!" napangisi ito. "ako pa talaga ang tinatanong mo, ha?"
"At sino pa ba? may kasama pa ba akong iba dito bukod sayo?"
"Wala ka nga talagang alam. Babae ka nga pala."
Ito na naman. Bumubulong na naman siya sa hangin. Puwet n'ya lang yata ang nakakarinig ng sinasabi n'ya, eh.
"Alam mo? kanina kapa nagsasalita na ikaw lang ang nakakarinig."
"Tsk!" napaismid ito. nakasimangot itong tumingin sa ibang direksyon.
"At saka, paano mo naman nalaman na hinahanap ako ng parents ko?"
Bumalik ang tingin niya sa akin at tinitigan na muna niya ako bago ito nagsalita.
"Sinabi sa akin ni spinner." mahina nitong ani.
Oo nga pala, kapatid nga pala siya ni Spinner. Hindi ko man lang iyon naisip.
Ibig lang sabihin non, kilala rin siya ni Papa? kasi kilala ni Papa ang buong pamilya ni Spinner kaya malamang kilala ni Papa itong lalaking nangungulit sa akin na umuwi.
Tsk!
Ang laki kong engot! puro ako pag aaral tapos pagdating sa mga simpleng bagay hindi ko man lang naaalala.
Kahit papaano, nawala ang inis na nararamdaman ko dahil sa lalaking sunod ng sunod sa akin. Kahit papaano ay napanatag ako kahit may pagkamakulit katulad ni Spinner.
Pero infairness, mas gwapo siya kaysa kay Spinner kung hindi nga lang masama ang mukha nito. atboses palang maaakit kana sa subrang smooth kung magsalita. Ang kaso mainitin ang ulo tapos palagi pang seryuso.
E, teka? speacking..
Saan ko nga ba iyon narinig? may kahawig ang boses niya pero hindi ko maalala kung saan ko iyon narinig.
Mhhmm..
Napaisip ako.
Tama!
Magkasing boses sila ng boses na hinahanap hanap ko mula ng marinig ko iyon!
Saan ko nga ba kasi iyon narinig?