"Hindi talaga ako makapaniwala. Akala ko pa naman mabait 'yang si congressman Olivares? haha sa harapan pa talaga s'ya namin magyayabang? huh! napansin moba yun, Bis--hoy! okay kalang?"
"Ah-ha?" gulat akong napahinto sa paglalakad ng tingnan ko siya.
"Ang sabi ko kung nakita mo ba yung reaksyon kanina ni congressman? kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka naman pala nakikinig." napakamot pa ito sa kanyang ulo.
Kanina pa nga ako hindi nakikinig. Mula nang makabalik kami sa kanya kanya naming silid ay nawala na ako sa pag-iisip.
Hanggang sa matapos ang klase namin. Hindi ko alam hinihintay pala ako ni Spinner sa paglabas ko. Magkaiba kasi kami ng room.
Kahit siya ay salita ng salita, wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya dahil lumilipad ang isip ko.
"Teka, kain muna kaya tayo?" ani pa nito.
"Hi-Hindi na! uhm.. ano, kasi may kailangan pa akong tapusin. Sige, maiwan na kita." mabilis kong iniwanan si Spinner at dali daling sumakay sa naghihintay sa akin na sasakyan.
"Maam Bisky, uuwi na po ba tayo?" sabi ng aking driver.
"Opo kuya." mabilis kong sagot.
Hindi ko na namamalayan ang mga tao sa aking paligid. Natutulala nalang ako bigla. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko kasi makalimutan yung nangyari kanina lang.
Iniisip ko palang kung saan ko narinig yung boses ng lalaking iyon, tapos may iba pa akong malalaman?
Arrgghh, naiinis ako sa sarili ko..
Bakit ba kasi ngayon ko lang nalaman iyon? pahiya tuloy ako. Si Spinner, kapatid niya yung may ari ng university na pinag aaralan ko tapos pangit pa ang pakikisama ko sa kanya.
Sa hitsura palang ng kapatid ni Spinner lalo na yung nagngangalang Weasley? parang hindi mo mabiro. Napakaseryuso!
At yung boses niya? nakakatakot rin. Ang lamig na hindi maipaliwanag! iisipin ko palang na galit ito, kakabahan kana talaga. Boses palang nito kikilabutan kana.
Nahihiya tuloy akong makaharap si Spinner. Pagkatapos ko siyang taray tarayan at bulyaw bulyawan, sungit sungitan, sila rin pala ang nagmamay-ari ng university.
Kahiya talaga..
Ang totoo, iniwasan ko lang si Spinner kanina. Wala naman talaga akong gagawin ngayong araw. Palusot ko lang iyon.
Ayuko lang talaga humarap sa kaniya matapos kong malaman ang totoo. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.
Hiyang hiya ako!
Si Spinner naman kasi walang naikikwento sa akin. Puro kalokohan lang ang alam. Naiilang na tuloy ako sa kanya.
Kakaakyat ko lang sa aking kwarto nang tawagin naman ako ni mama. May pag-uusapan raw kami tungkol sa akin.
Agad akong napaisip. Baka tumawag yung punong propesor kay Papa para ipaalam ang nangyari kanina sa school.
Wala naman akong kasalanan ah? sadya lang talagang maarte yung babaeng iyon kaya kung ano-ano na siguro ang pinagsasabi.
Mhhpp!
Pagkababa ko ay magkatabing nakaupo ang Mama at Papa sa sala. Nakita ko ang isang pirasong papel sa center table.
Nabasa ko kaagad ang contract na ikinakunot ng noo ko.
Bakit may kontrata?
"Uhm.. Ma, Pa. Bakit ho?" kinakabahan kong tanong.
Parehong seryuso ang mga mukha nilang tumingin sa akin.
"Maupo ka muna, Anak." sabi ni Papa.
Kinakabahan ako. Ano kaya ang pag uusapan namin? tungkol ba talaga sa akin?
Paktay na..
Umupo naman ako sa katapat nila. Si Papa na ang tiningnan ko.
"May.. p-problema po ba?" ani ko.
Huminga ito ng malalim. Tumingin ito sa papel na naroon sa ibabaw ng mesa at inurong iyon gamit ang isang daliri palapit sa akin.
Nagtataka kong sinulyapan iyon pero contract lang yung binasa ko. Subra subrang kaba ang bumabalot sa katawan ko.
Baka sermunan ako ni Papa dahil sa nangyari kanina sa school.
Malamang tumawag kaagad ang mga iyon at ito na nga baka papalipatid ako ng university.
Baka madisappoint ang Papa ko sa akin. Ang laki pa naman ng expectation nila tapos bibigyan ko lang sila ng problema.
Ako lang ang nag iisang anak nila kaya malamang dapat magsumikap ako.
"I-Ililipat nyo po ba ako ng s-school..?'' sa subrang kaba ko, bumibilis lalo ang kabog ng puso ko.
Napayuko ako.
Baka iyon nga talaga ang rason kasi may contract na inaabot sa akin ang Papa. Baka yun talaga ang balak ng mga magulang ko sa akin.
Pero bakit hindi sila nagsasalita? at bakit parang nag-aalangan silang sabihin sa akin? ang seseryuso pa.
"Hindi." napaangat ako ng tingin nang magsalita si Papa.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Ayuko talagang lumipat ng school. Kahit iba ang mga ugali ng mga estudyante doon, maganda naman ang pagtuturo ng mga teacher sa university na 'yun.
"Anak.. bakit hindi mo basahin?" sabi naman ni Mama kaya napasulyap ako sa papel na tinutukoy nito kinuha ko naman iyon at saka binasa.
Nang mabasa ko ang nilalaman ng papel ay nanghihina ko iyong nabitawan.
Napaawang ang aking mga labi. Nanginginig rin ang mga kamay ko. Naninikip ang aking dibdib sa nabasa ko.
"Ko-Kontrata?" nanginginig ang boses kong napatingin sa aking mga magulang. Papalit palit.
Nanubig rin ang mga mata ko sa subrang gulat.
"P-Pa!?" tuluyan na akong napapiyok dahil sa hindi mapigilang mapaiyak.
"Anak.." si Mama, naiyak na rin. "patawarin mo kami. Iyon ang kasunduan ng organisasyon nila.."
"A-Ano?"
"Bisky." si Papa.
"B-Bakit? may kininakasal ba kahit sanggol palang?" pinulot ko ulit ang papel na nabitawan ko kanina.
"Ito? thump mark koba talaga ito?" turo ko sa maliit na finger print na nakamarka roon.
Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko sa aking didib. Sa subrang niyon ay sumisikip ang paghinga ko.
Kinakapos ako ng hininga. Parang gusto ko ng sariwang hangin mula sa labas.
Nakita kong marahang tumango si Papa kaya naman napabaling ako dito.
"Paano n'yo nagawa sa akin ito, Pa? anak nyo ako! hindi ako isang bagay para paglaruan lang na kung kailan ninyo gustong ipamigay!" tuluyan na nga akong humagulhol.
Saglit ang katahimikan. Walang gustong magsalita.
Si Mama naman ay awa ang nakikita ko sa kanya nang sulyapan ko ito. Samantalaga si Papa naman ay nakayuko lang.
"Ano bang rason at bakit kailangan kong sumama sa iisang bubong ang lalaking kahit minsan ay hindi ko naman nakilala?" patuloy parin ang aking pag iyak kahit nananahimik lang sila.
"Mahal na mahal ka namin, Anak. Kung hindi lang kasi--"
"Wala akong nagawa dahil babae ka." biglang sabi ni Papa kaya naputol ang sasabihin ni Mama. "kung naging lalaki ka lang sana, hindi sana ito magyayari sa iyo." pigil pigil ang sariling hindi maiyak.
So, kasalanan ko pa na naging babae ako?
Nais ko sanang sabihin iyon ngunit umurong yata ang dila ko.
"Ano!?"
"Iyon ang totoo at hindi mo na mababawi iyon dahil may kontratang pinirmahan!" Galit itong napatayo. Hinarap ako na nagtatagis ang mga bagang.
"Pero kaka-eighteen ko lang ma!? Hindi ako makikipagsama sa iisang bahay lalo na sa isang lalaki na hindi ko naman kilala!"
Isang malakas na sampal ang nakapagpabaling sa aking mukha. Naramdaman ko ang init ng aking pisngi kung saan sinampal. Nanginginig ang kamay kong hinawak sa aking pisngi.
"I.. I-Im sorry anak.." sambit ni Mama. Humakbang ito upang hawakan ako ngunit bago pa ako nito mahawakan ay tumalikod na ako at dali daling tumakbo.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin mapigilan ang mga paa kung saan ako dadalhin ng mga ito.
Sapo ko ang naninikip kong dibdib. Nasasaktan ako hindi dahil sa sampal ni Mama, kundi sa sinabi niya na kailangan kong sumama sa lalaking ipinagkasundo sa akin. Hindi ko naman kilala at kahit kailan hindi ko pa nakikita.
Paano ko pakikisamahan ang isang lalaki na sa sinapupunan palang ako ay itinakda na kami para sa isang kasunduan?
Lumabas ako ng mansion ng walang nakakapansin na mga bantay sa akin. Timing talaga na hindi ako nakita ng mga ito dahil ayuko muna dito sa bahay. Gusto ko umalis sa lugar na ito.
Ang sama sama ng loob ko! magulang ko ba talaga ang mga iyon para gawin nila ang bagay na ikasasama ng loob ko?
Lakad takbo ang ginagawa ko habang pinupunasan ang mga luhang naglalandas sa aking mga pisngi. Hindi ko rin magawang tumingin sa dinadaanan.
Nagpatuloy lang ako at hindi ko alintana kung nasaan na ba ako sa mga oras na ito.
Hanggang sa manakit ang aking mga paa dahil nakatsinelas lang pala ako. Doon lang ako napahinto.
Tapos yung suot ko pang damit ay makaling t-shirt at nakashort lang na fitted. Sa lamig ng simoy ng hangin, baka pasukin ako ng lamig dahil maikli lang ang aking short.
Anong oras na kaya? marami rami pa naman ang mga tao dito sa labas kahit gabi na. Sigurado, pinapahanap na ako sa mga tauhan ni Papa.
Pero ayaw ko pang umuwi. Galit ako sa kanila. Kulang nalang ipamigay nila ako kung kani kanino nalang.
Ang sama nila! ang sasama!
Huminto ako sa isang boutique. Umupo ako doon sa may gilid at niyakap ang sariling mga tuhod. Ipinatong ko ang aking baba sa tuhod kong yakap yakap ng aking braso.
Akala ko maeenjoy ko na ang kabataan ko dahil sumapit na ako sa ika-labingwalong taon.
Tuwang tuwa pa naman ako dahil magagawa kona ang ibang bagay na hindi ko pa nararanasan.
Iyon pala ay may kapalaran na naghihintay sa akin. Para akong isang bagay na nakareserve na sa iba. Hindi na pwedeng angkinin dahil may nagmamay ari na.
Ayon sa contract na nabasa ko, ang bawat kasapi sa organisasyon na magkakaroon ng anak na babae ay ipapakasal sa lalaking mapipili ng pamilya. Ang hindi tumupad sa kasunduan ay may kaukulang parusa ang ipapataw sa mga ito.
Mawawala ang lahat lahat ng ari-arian. Bahay, lupa, pera, lahat ng pinaghirapan ng buong pamilya ay mawawala. Kahit ang mismong pamilya mawawala rin. As in lahat! walang matitira.
Doon ako mas lalong naiyak. Hindi ko aalakain na may mga ganoong tao. Na handang pumaslang para lang sa mga kagustuhan nila.
Kung susuway ako sa kasunduan, mawawala lahat ang pamilya ko. Pati na ang mga pinaghirapan ng mga magulang ko ay mawawala.
Bakit ba nangyayari ito sa akin?
At bakit ba ganoon ang organisasyon nila? kahit sa public law ay walang ganyan na mga batas.
Sanggol palang nakapagpirma na ng kontrata? hindi nga lang pirma kundi finger print pa, ano yun?
Lalong bumuhos ang mga luha ko. Walang tigil.
Iisipin ko palang kung sakali man na sumama ako sa lalaking hindi ko naman gusto, para na akong dinudurog. Ni wala nga akong karanasan sa mga ganyang bagay sa pakikipagrelasyon tapos auto kasal na kaagad?
Base sa research ko sa mga kagaya nilang may mga organisasyon, meron talaga silang mga sariling batas na hindi naaayon sa gobyerno. May iba naman na gumagawa ng mga illegal at iyon ang mga tinutugis ng mga kapulisan.
Pero sila Papa.. ano kaya ibig sabihin ng organisasyon nila? kung gumagawa naman sila ng mga illegal, bakit walang pumupuntang mga pulis para arestuhin sila?
Naguguluhan ako. Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari. Bata palang ako at walang kaalam alam sa mga ganyang bagay. Puro pag aaral lang ang habit ko at hindi ko pinangarap na magkaroon ako ng ganitong buhay.
Nilalamig ako..